@MoiraDelaTorre Lyrics
"Titibo-Tibo"
Elementary pa lang napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae e
kasi
Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks
at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga
sigang lalaki sa amin
Nung ako'y mag-high school ay
napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay
babae
Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves
na tshirt at faded na lonta
Pero noong nakilala kita nagbagong bigla
ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-ahit
ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na
sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang
bibihag sa tulad kong tigreng gala
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay
tinatablan
At ang aking pagkababae ay
nabubuhayan
Na para bang bulaklak na
namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa'king buhay nagpapasarapNung tayo'y nag-college ay saka ko
lamang binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na mga
diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga
kanta mong pabebe
Kaya nga noong makilala kita alam ko na
agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at napadalas
ang pagsuot ng bestidang pula
Pero di mo naman inasam na ako ay
magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na
kape ng iyong pagmamahal
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay
tinatablan
At ang aking pagkababae ay
nabubuhayan
Na para bang bulaklak na
namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa'king buhay nagpapasarap