Prologue

264 4 0
                                    

Love,
     I know di mo na ako naalala, pero gusto ko lang sabihin I love you My love so much. Kung siguro naalala mo ako, nung pagpunta ko sa kwarto mo yan yung bubungad sa akin. God knows how hard I tried to forget all about you, kasi nandyan na yung Honey mo. Yung Honey mo na kababata mong sinaktan ka. Bago pa ako dumating nandiyan na siya, ano pa bang laban ko diba ? Sana nakakaalala ka na lang, para alam mo na niloloko ka lang niya. I know kung siguro binabasa mo ito ngayon, sinasabi mong kaya ko lang yan nasabi kasi sinisiraan ko siya sa iyo . Pero love no, hindi ko siya sinisiraan, binabalaan lang kita. kasi ayokong maramdaman mo, yung nararamdaman ko ngayon. Ayokong maulit yung magpapakamatay ka, wala ako sa tabi mo lagi love, hindi kita laging masasagip at sasabihin na 'Wag kang magpakamatay, kung wala siya para sa iyo, nandito ako. Tandaan mo lagi akong nandito.' . Love akala ko ba ikakasal na tayo, na happy ending na, alam ko hindi laging happy ending ang dulo ng isang relasyon, pero you promise me ! You promise na gagawa ka ng paraan para makuha natin yung happy ending. Akala ko ba walang hanggan ? Walang katapusan, Oo, walang forever pero, ikaw yung forever ko e' ikaw talaga, Pero bakit nandito na tayo sa dulo ? Kapag ikaw ay nilalamig ako ang iyong init, kapag wala makapitan ako ang iyong unan , kapag takot subukan sige ako munang sisilip, kapag ika'y may problema ako ang iyong detective na tutulungan ka. Ginawa ko na ang lahat , pero di pa rin sapat lahat ng efforts, pag mamahal, at buong pagkatao ko. Ibinigay ko na ang lahat pero kulang pa rin. Dahil lang sa isang aksidente Love, nawala ka sa akin. Nawala yung saya tuwing kasama ka, nawala yung kulay tuwing kasama kita, nawala yung kilig na lagi mong ibinibigay sa akin. Love, kung panaginip ito pakigising na ako. Ayoko na dito please. Gusto ko yung naaalala mo ako. Gusto ko yung ikakasal na tayo. Na mangangako sa isa't isa sa harap ng ating Diyos na magmamahalan habang buhay. Sana Love puro na lang sana. Siguro kung isang sana ko ay matutupad, matagal mo na ako naalala pero hindi e. Love please, kung kailangan kong ipaalala sa iyo lahat gagawin ko pero maglaan ka lang ng maraming araw, kasi di sapat ang isang araw, dalawang araw o kaya isang linggo para maikwento ko sa iyo yung kwento natin. Sa rami ng pinagsamahan natin, sa lahat ng pinuntahan natin, sa lahat ng pagsubok na hinarap natin , sa pagbuo ng pagmamahalan natin, sa lahat lahat. Love sorry, di ko na kaya e, di ko na talaga kayang ipagsiksikan pa yung sarili ko sa iyo. Nakakaawa na kasi ako, lagi na lang ako yung naghahabol simula pa nung mag-umpisa tayo. Kahit miss ko na yung dating ikaw, wala na akong magagawa, ikakasal ka na kasi e, ang sakit sakit man isipin pero kailangan ko na talaga yatang sumuko, naawa na ako sa sarili ko.
Love, pagod na ako, pagod pysically mentally, and emotionally. Sabi nga nila kung siguro nga daw kung nag -exists yung zombie, ako na daw iyon. Diba nakakaawa na yung sarili ko ? Pati na rin mismo ako naaawa. Kaya I decided na huminto na. Love, this is the last time na mag sesend ako ng letter. Sana naman pabasa, kahit mabilis lang. Best wishes for you and Maxine, sorry di ako makakaattend kasi lagot lagot na nga ako, tatadtarin pa ulit. Sorry talaga love di ko nagawa yung promise ko na until I die di kita iiwan. Ikaw yung totoo at wagas ko mahal, kung nakita mo akong may kasamang iba, love ikaw pa rin talaga it's been years na pagpupumilit na paglimot, ikaw pa rin talaga. I even tried dating someone pero ikaw pa rin talaga. Kasi naman e binigay mo yung puso mo sa akin tapos bigla mo naman itong babawiin. Sana wag mo naman itong itapon oh. Yes alam kong lagi mong tinatapon yung mga narereceive mong letter from me then yung Yaya mo, she will give it to me again, then I will send it again to you, tapos ganun ulit. Pagod na talaga ako love. And also wag mo akong kaawaan ha ? Gusto ko lang malaman mo na may malala akong sakit. Hanggang mamatay ako Love ikaw pa rin yung mahal ko. Tandaan mo hindi ako galit, naiintindihan kita kasi ayun yung tibok ng puso mo e'. Hindi rin ako nagsisisi sa naging relasyon natin kasi atleast naramdaman ko kung paano mahalin, kiligin at pasiyahin. Last na talaga ito kaya susulitin ko na, I love you My love so much until I die. Sana bago ako mamatay maalala mo man lang ako. Ayoko man mamatay pero may taning na yung buhay ko e. Love, mahal na mahal na mahal na mahal kita wag mong na yan kalimutan ha ? Kagaya ng pagkalimot sa akin, ha ? Just Kidding. I love you My love so much until my last day, hour, minute,or second. Best wishes for the both of you. Di ako bitter ha ? Totoo yan ! Maniwala ka ! Enjoy. Bye. And I love you.

  

Love,
Maria Lorraine Chaniego
Your fiancé
Your Love
Your Happiness
Your Life

PS: Hope you read it.
PPS: Hope you don't put it in the trashcan.
PPPS: I love you.

Who are you ?Where stories live. Discover now