Chapter 7

24 1 0
                                    

Who are you ? : Chapter 7
Rain's P.O.V.

"Shittt Adrian ! Si Pareng Gabriel ! Makakafirst score na kay Lorraine !!! No !!! dapat ako lang ! Hindi ako makakapayag" rinig kong sigaw ni Marcus at tumakbo papunta sa amin. At pinaghiwalay kami ni Gab

"Hoy Pareng Gab, wala ito sa usapan natin. Dapat akin lang si Lorraine !!!" sabi niya at napatingin sa akin

"Ayyy Joke lang pala yun ! 'Wag niyong seryosohin. Pareng Gab may sasbihin ako sa iyo tara !" sabi niya at hinila si Gab papunta sa isang bahay na nakalutang dun sa dagat.

------------------------------------------------------------------------

Gabriel's P.O.V.

"Ano ba Pareng Gab ?! Bakit ka na makakafirst score kay Lorraine ?!! Wala ito sa usapan ! Pre naman walang ganituhan !" sigaw ni Marcus sa akin

"Hindi ko naman iyun itutuloy ! Ikaw kasi e' masyadong paepal, alam mo naman na may respeto ako sa kanya ! Hinihintay ko lang magiging reaksyon niya o kung anong gagawin niya ! Haist !!" sigaw ko rin sa kanya

"Ayy Ganun ba ?! Kasi naman bakit ba hindi mo sinabi sa amin ?!" sabi ni Marcus habang kumakamot sa ulo

"Ano yun bata ?!!! Bawat galaw magpapaalam ?!!! Gulo niyo rin pare e' nakakainis na ha ! Bakit ba kasi ganun ka makareact ?!! Si Adrian kalma lang naman pero ikaw panic na panic !!" sabi ko sa kanya

"Sorry na Pareng Gab ! Alam mo naman na may gusto ako kay Lorraine 'di'ba ?!" sabi niya habang kumakamot pa rin ng ulo

"Alam mo naman din naman na mahal ko siya 'di'ba ?!" sagot ko sa kanya

"Sorry p're di ko na kayang magparaya ulit, kagaya ni Maxine. Nasa iyo na napakawalan mo pa." sabi niya sa seryosong tono

"Sorry din p're hindi ko talaga kayang magparaya. Lalo na kung si Lorraine na ang pinag-uusapan, hindi siya kagaya ni Maxine, pre. Hinding hindi, kasi mabuting tao si Lorraine at tsaka maganda at matalino pa, ang sarap pa kausap, tapos magaling magcomfort. In short Complete package siya ganun. Kaya no no hindi talaga pwede." sabi ko habang umiiling

"Ganito na lang, hayaan na lang natin siyang pumili sa huli. Pre isang taon ! Ang meron tayo para mahulog siya sa isa sa atin. Ano fair enough na ba ?!" sabi niya, na maganda nga

"Yeah sige sige yan na lang, nang magkaalaman na" pagsang-ayon ko sa sinabi niya

"Sige, tara na baka magtaka yun" sabi naman ni Marcus

Sa akin mahuhulog si Lorraine hindi pwede sa iba, sa akin lang. Selfish man kung selfish, pero ganun lang talaga

------------------------------------------------------------------------

Rain's P.O.V. na nakarejoice ang kanyang buhok

Ang tagal naman nilang mag-usap, nagmisa pa ba sila na isang oras pa ?! Hindi charot lang. Pero grabe yun kanina atih !!! Buti na lang nandyan si Marcus para paghiwalayin kami kung hindi besh hindi na virgin labi ko ! Sabi ni Inay nakakabawas daw iyon ng beauty jusq ayaw kong mabawasan beauty ko ! Ito naman kasing si Gabriel ! Hindi ko gusto mga trip niya ha! Nakakalurkey !!! Ayoko na talaga ! Hindi ko inaakala na may ganung side pala siya, hindi ko gusto yun ! Muntik na Mga beshi ! Muntik na ! Paano kung natuloy yun ! Masisira beauty ko ! haistt ! Haistt !!

"Oh Lorraine, bakit ka nagdadabog dyan ?" salubong na sabi ni Marcus at nakita ko naman na kasama niya si Gabriel, agad naman napasama ang tingin ko

"Ikaw ! Ikaw Gabriel !!! Nakakainis ka !!! Muntik na yun ! Muntik na ! Paano kung na-natuloy yun ! Babasagin ko yang mukha mo e' ay hindi lang pala mukha, pati na rin yang itlog mo ! Kapag di ka tumigil sa kahibangan mo ! Letsi ! Makaalis nga muna rito !" sabi ko habang pinaghahampas siya at umalis papunta kay Adrian

"Oh Lorraine, bakit ka nandito ? Nanduon sina Marcus at Gabriel ah" sabi niya pero hindi tumitingin sa akin, nakatingin lang siya duon sa dagat

"Nanduon nga, pero mawawala naman yung virginity ng labi ko. Edi wala rin, kaya dito na lang ako !" sabi ko at umupo sa white sand habang tinitignan din yung dagat

"Alam mo Lorraine, palagi kaming magkakabarkada bumibisita rito. Isa ito sa mga mahilig puntahan ng mga turista. Kaya ayaw namin ito bitawan noong kinukuha sa amin nito. Nagbanda kami, nagartista kami, nangutang kami, humingi ng malaking pera sa mga magulang namin para lang hindi ito makuha sa amin. Dito kami bumuo ng mga memories, espesyal ito sa amin nina Marcus. Pero ito ang una na mag dala kami rito ng bisita namin, at ikaw yung una naming dinala. Hindi ko alam pero parang dati na tayong magkakakilala. Ang gaan ng loob namin sa iyo, kaya napagpasyahan namin na dalhin ka rito. Kahit yung mga pamilya namin hindi pa nakakapunta dito. Kasi busy sila at walang oras para sa amin. Noong una sa lolo ito ni Gabriel, pero hindi namin alam ay nakasanla na pala ito at ginamit ng lolo ni Gabriel ang pera para lang ipangsugal. Sobrang nagalit kami noong pero nagawan naman ng paraan para tubusin ito. Ang pera na nakikita nitong resort ay nakalagay sa isang bank account, kami lang tatlo ang nakakaalam nito. Yung pera na ito ay ginagamit namin para sa bonding time naming tatlo, napakaimportante nito kasing nanggagaling din ito sa importanteng lugar sa amin. Bakit ko ito sinasabi ? Kasi gusto kong mas maappreciate yung lugar na ito, at baka maging espesyal din sa iyo itong lugar na ito. At isa pa ayokong dito rin kami magkahiwa hiwalay" pagkwekwento ni Adrian sa akin naintindihan ko yung una pero yung huling huli hindi na, anong dito na sila maghiwa hiwalay ?! Haist !

"Ha ? Paanong dito maghiwa hiwalay ?" takang tanong ko sa kanya baka namali lang ako ng rinig

"Ahh wala wala, tara na ienjoy na natin ito" sabi niya at tinulungan akong tumayo

"Tara !" sagot ko sa kanya

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Who are you ?Where stories live. Discover now