Chapter 10

18 2 0
                                    

Who are you ? : Chapter 10
Raine's P.O.V.
   
       Today is our last day, here in Gamadrian Island, kung kailan last day na ngayon ko pa lang nalaman yung pangalan ng resort na ito, saklaf beshi noh ? Gamadrian Island daw kasi Ga is for Gabriel, Ma- for Marcus, and lastly Drian for - Adrian. Kung tatanungin niyo kung bakit ? Wala trip lang nilang tatlo, pakialam ko ba ? Hindi charot, syempre sila ang may-ari nito, alangan naman ipangalan ay Lorraine Island, diba ? Pero alam niyo pwede rin di'ba ? Mas maganda pa, kasing ganda ko, ayyy hindi pala mga beshi dyosa pala hehehe sorry naman, dyosa lang nagkakamali rin. And kahapon yung mga nangyari ay ito :

- Flashback starts here-

     After naming magpahinga ng very very light lang.

Nagbanana boat kami, and guysu muntik na akong mahulog :c pero nasalo ako ni Marcus, at nagthank you naman ako.

After that ( ay may paafter that ang loka HAHAHA ) nagkayak kami at pumunta sa isang cave kung saan may falls sa loob ang ganda, ay cave ba yun ? I'am not sure. Basta may pa arko siya sa taas tapos pagpasok mo may falls siya sa loob, hindi naman gaano kataas ito, pero ang linaw naman ng tubig.

Pagkatapos ay umalis na kami duon. At pumunta sa hindi ko malamang lugar, para siyang dalawang bundok na may very light lang na pagitan sa isa't isa, kasya mga tatlong kayak ganurn. Tapos may napuntahan kami, falls na naman, at medyo mas mataas ito kumpara sa kaninang pinuntahan namin, may mga nagbabalancing rocks na medyo malayo sa falls, meron ding mga nagpapadausdos sa tubig na umaagos mula sa falls, may nagtatapat ng likod sa may baba ng falls para sa hindi kong alam na dahilan pero parang para marelax sila ? Sa tingin ko, at marami pang iba. Nagstay kami duon ng mga 2 1/2 hours ? Or 3 basta sa pagitan nun.

Pagkatapos na naman ay hindi pa rin kami napapagod, kami naman ay nagslide duon sa pool nilang napakalaki. Ang taas ng slide mga beshi ! Natakot nga ang dyosang si ako e', akala ko nga mamatay na ako nun. Rainbow din ang kulay ng slide na iyun. May massaging pool din na malapit duon kaya pumunta na rin kami. Ang sabi nila kakaunti pa lang daw ang napupuntahan ko sa resort nila, marami pa daw ang mga hindi ko pa napupuntahan, kagaya daw ng tatlo o apat na cave, anim pang pool, dalawang private pool, at marami pang iba. Bonga ! Ang ganda ng resort na ito, napalago nila ito ng sobra sobra. May mga nakikita nga rin akong mga nagshoshooting para siguro sa mga film, movies, or kaya para sa mga t.v. serye, o kung ano ano pang mga trip nila, pakialam ko ba ?

Tapos tumagal lang kami ng konti oras sa pool na iyun, mga 1 1/2 hours lang. At nagpahinga na sa aming kanya kanyang rooms.

-Back to reality-

"Lorraine, what do you want to eat ?" tanong ni Gabriel. Diba ? May paenglish, si Mayorr. By the way nandito kami sa restaurant nina Gabriel, na malapit sa resort. Dito daw ang paborito nilang kainan, kapag pumupunta sila sa resort. Honestly gusto ko ng bumalik dito, ang saya. Tsaka marami pa akong hindi napupuntahan sa resort na iyown, mga beshi ang sakit ng katawan ko kakalangoy, kakalakad, kakatalon, kakaslide, kakamasahe, at mga iba pang kaka.

" Uhm, I think bulalo, halo halo, and salad na lang, extra rice na din pala"sabi ko

"Okay, how about you Mark ? Ikaw Adrian ?" tanong ni Gabriel sa mga katropa niya

"Ano ba sa iyo pare ?" tanong ni Adrian pabalik

"Yung dati pa rin bro, alam mo na yun. Salamat" sabi ni Marcus at napatingin sa akin at ngumiti

"Sige bro, sa akin ? Kagaya ng kay Lorraine pero may pork adobo akin" sabi ni Gabriel, at tumingin din sa akin at ngumiti, Weird.

"Gab, ganun na lang rin akin, kagaya ng iyo" sabi ni Adrian

"Bro, ako rin ganun na lang rin" sabi ni Marcus

"Oh sige, pakuha na ako ng pagkain ?" tanong niya sa amin lahat

"Okay Sige" sabay sabay naming sabi nina Marcus at Adrian

----- After 10 minutes-----

"Food is ready Ma'am and Sir" sabi ng waiter habang inilalagay sa aming table ang aming mga inorder. Nagkasya naman sa aming table ang aming inorder, kasi malaki naman ito, dahil nasa V. I. P. room kami. Ang saya lang tignan, ang laki ng table namin para kaming magkakagalit. Haha

"Oy mga chubachurchur, hindi naman atang magkakagalit tayo e'no ?" sabi ko at itinaas ang aking kilay. Kasi pag katapos lamang iserve sa aming ng pagkain, ayun kumain na agad sila, walang pansinan, wala man lang dasal, alam ba nila na si God ang may gawa ng lahat ng bagay dito sa buong universe ?! Jusq stress beauty ko beshi !

"Oh ano na namang inaarte mo diyaan, Lorraine" sabi ni Marcus at tumaray kaya nagmukha siyang bakla. Nagsalita ako habang lumalapit sa kanya

"Kasi ganito yan, hindi ako nagiinarte. Ikaw yung nag iinarte diyan, dyan naman kayo magaling yung manisi. Hindi charot" sabi ko at pinisil ang ilong niya ng sobrang diin

"Hoy kayong tatlo, tumigil nga muna kayong kumain. Nakow ! Naiistress beauty ko oo ! " sabi ko habang kumakamot ng ulo, at sila naman ay huminto at tumingin pa sa akin na parang nagtataka.

"Gumaya kayo sa akin, wag kayong mag-aalala kapag nasunog kayo, kasalanan niyo, pero kung hindi, edi wow" sabi ko

"Sa ngalan ng ama" sabi ko at tapat ng daliri ko sa noo

"Ng anak" sabay tapat ng daliri sa tiyan

"Ng Espirito" tapat ng daliri sa kaliwang dibdib

" Santo, Amen" tapat ng daliri sa kanang dibdib, at pinahdikit ko ang aking palad. Ano ba anman ito instant katekista, ginawa pa akong guro ng mga ito. Jusq nakakaloka. Ibalik ko kaya sila sa Kinder ? Kinder pala ako tinuro na sa akin, ayyy no, baby palang ako tinuruan na ako ng mga magulang ko. Kasi mga talino ako, tsaka dyosa pa.

"Lord, maraming maraming salamat po, sa pagkain na nasa harap po namin ngayon, sa pagpunta po namin sa resort na malapit dito, sa mga masasayang memorya, sa mga panibagong karanasan. Patawarin niyo po kami sa aming mga sala. Lord sana po marami pa po kaming matanggap na biyaya. Sana po Lord gabayan niyo po yung mga nagluto ng mga pagkain na ito. Ayun lamang po, sa pangalan ni Hesus, Amen" sabi ko at nagsign of the cross.

"Aminin mo nga Lorraine, dati ka bang madre ?" sabi ni Marcus

"Takte ka Marcus, kanina ka pa, nakakasuka na salita ka ng salita may laman ang bibig mo, hindi ba yan itinuro sa iyo ?" sabi ko at itinaas ang aking kilay hanggang solar system

"Itinuro, pero hindi ko na ginagamit" sabi niya at bumalik na sa pagkain

"Bakit naman hindi mo ginagamit, Aber ? Nakakapinsala ka ng mga nasa paligid mo, alam mo iyun ?" sabi ko at tumaray

" Trip ko lang, walang basagan ng trip, okay ?"sabi niya at tumataas pa ang kilay ha !

"Basagan kaya ng itlog ? Pwede ? I think pwedeng pwede, gusto mo ngayon na ?" sabi ko at medyo lumapit sa kanya

"Hehehe, wala namang ganyanan, sige ka di ka na makakabalik dito" sabi niya, akala niya siguro ay magpapatalo ako dyan

"Hindi ako nadadaan sa ganyan, for your information, hindi ako namamalimos para lang makapunta dito. Kung siguro sa iba, kakasa yan. Pero sa akin iba, para mo akong minaliit alam mo ba iyon ? Malamang hindi" sabi ko

"Hehehe sorry na, peace" sabi niya at nagsign pa. Tainang yan nagwacky pa, nakasakit na nga, nagwacky pa.

"K" sabi ko at bumalik na sa pagkain kasi gutom na gutom na ako, ang lamig na ng pagkain ko haist !

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Minus Point

Gabriel- |

Marcus- ||

Plus

Gabriel- ||||

Marcus- |||

Who are you ?Where stories live. Discover now