Chapter 8

23 1 0
                                    

Who are you ? : Chapter 8
Rain's P.O.V.

"Lorraine, dito yung tutuluyan mo" sabi ni Gabriel habang tinuturo yung isang bahay na nakalutang sa dagat

"Parang ang dami naman ng ganito, hindi kaya maligaw ako nito Gab ?" tanong ko sa dami ba naman ng bahay na nakalutang sa dagat

"May mga numbers naman Lorraine ko kaya wag kang mag-alala, tsaka kung gusto mo sasamahan na lang kita dyan para naman hindi ka maligaw at hindi ka matakot dahil mag-isa ka lang" sabi niya at inakbayan ako habang nakangisi

"Anong Lorraine ko ?! Pag -aari mo ba ako ?!! Ano ka ba ? Cross breed ng Shih tzu tsaka Bull dog ? BullShiht ? Tsaka hindi na noh, Kaya ko na ! Dyan ka na nga ! Baka kung ano pang gawin mo sa akin. P're iwas muna tayo sa drugs ha ? Nasobrahan ka na e' " sabi ko at pumasok na sa loob. By the way guys yung room number ko ay 12

Ang ganda sa loob, kahoy lamang ito pero napakatibay. May bathroom, c.r., may bedroom , may maliit na sala kung saan may T.V. at may couch, tsaka meron ding maliit na kitchen, yun lang ang nasa loob pero ang ganda. Mayroong ding balcony na kung saan pwede kang bumaba para magdive sa ilalim ng dagat. Sobrang linaw ng tubig kaya nakikita ko yung mga corals at mga fishes sa baba. Oh YAYAMANIN ! In short Heaven Beshi ! Pero ang nakasasagi lang sa isip ko ay, bawat ganito ba talaga may T.V. sa loob ? Ang gastos naman nun. Nakikita ko higit sa 20 yung mga bahay bahay na ganito. Ang yaman naman nilang tatlo ! Juicecolored naman ! Ako nammomroblema sa kanila e'. Siguro ang laki ng kinikita nila dito, kaya naging ganito kaganda.

Lumabas ako para mag libot libot. Nasa tapat ko lang pala si Gabriel
Nasa kanan ko naman si Adrian
At nasa kaliwa ko naman si Marcus

             || Gabriel ||

||Marcus||  ||  Ako    ||  || Adrian ||

Parang ganyan oh, OH diba ang loner ni Gabriel ? Siya lang yung nanduon sa tapat, bahala nga siya sa buhay niya. Siya na nga yung nagtangkang kunin yung virginity ng labi ko tapos iintindihin ko pa siya ano siya BullShiht ?

Pinuntahan ko si Adrian, tutal siya lang naman ang matino sa kanilang tatlo, nahihilo kasi akong kausapin yung dalawa.
Baliw + Baliw = End of the world
Parang ganun mga Beshi !

"Adrian !" pagtawag ko sa kanya ng makita ko siyang nasa labas ng bahay

"Oh Lorraine, ikaw pala yan" sagot niya naman sa akin at ngumiti sa akin, nasa balcony kasi siya at nakasawsaw ang kanyang mga paa sa dagat. Ayyy ! Hindi hindi, hindi talaga ako si Lorraine. Tarpulin lang ako na sinaniban ni Lorraine ! Yan sana ang gusto kong sabi kaso hindi ko na itinuloy kasi... maganda ako, di charing. Hindi ko na itinuloy kasi nakakaawa. Mababara siya ng magandang iz me.

"Ayy ! Ikaw din pala yan Adrian *insert sarcasm* " sabi ko at pasimpleng nanaray sa kanya. Jusq ako lang ba talaga yung matalino sa aming apat ?! Naku naku naku !

He chuckled bago magsalita,
"Bakit ka nga pala nandito ? Dapat nagpapahinga ka na. Tara pasok ka " sabi niya ng may halong pag-aalala at pinagbuksan ako ng pinto

"Wala may gusto lang akong itanong" sabi ko

"Ahh okay, ano ba iyon ?" tanong niya

"Ilang bahay ba ang nandito na nakalutang sa dagat ?" pagtatanong ko

"27 pero magtatayo pa kami ng 3 para saktong 30. Tamang tama 30 years na itong lugar na ito." sagot niya sa akin

"Ahh, talaga ka bang may T.V. bawat isa nito ? Hindi ba magastos ? Saan kayo nakakakuha ng pambayad ? Ako namomroblema sa inyong tatlo e' " sunod sunod kong tanong. Welcome to the Lorraine's talkshow ang ating guest ngayon ay si Mark Adrian Corpuz. Ha.Ha.Ha. PALAKPAKAN !

Who are you ?Where stories live. Discover now