"Oy bakla! Ang aga-aga nakabusangot ka dyan. Umayos ka nga. Baka pati ako mahawaan mo niyang shonget mong mood. Ay girl! Di pwede may date ang mudra mo later."
"Mudra? Kailan pa kita naging nanay aber? Tska, wag mo na lang ako pansinin. Pero kasalanan mo din 'to eh. Iniwan mo kasi ako kahapon."
"Teka bakit parang kasalanan ko? Hoy babaita, I already told you for zillion times, may date akesh."
"Yah yah. Kailan mo pa ba ako inuna jan sa mga lalaki mo?"
"Nagdrama nanaman si missy. Oo na! Sorry na. Libre nalang kita later. ;)"
"Weh? Saan? Anong oras? Teka, check ko sched ko."
"Ay ay ay!! Good mood ka kaagad teh? Magkwento ka muna para fair."
"Daya.. Diba ikaw yung may kasalanan? psh"
"No, little girl. Go na dali! Bomba"
"Oo na, eto na. Teka nga lang Trim--"
"Trimmiiieee!!" Arte talaga ng baklang 'to
"OK. Trimmmiie. pssh. Doon nga tayo sa silong."
In fairness huh, gumaan ang pakiramdam ko ng dahil sa baklang 'to. Pero napapansin ko lang, dumadalas ata yung date neto? Buti pa sya. hmph! Simula nung nakasama ko yang bruhang yan napapatanong na ako kung sino ba ang tunay na babae samin eh. Pero kahit ganyan yan, maraming nagkakagusto sa kanya na mga estudyante dito kahit na kapwa nya gay! Eww.. ay sorry. Pero kahit siya din naman pag nalaman yan mandidire din eh. Kaso wala naman tayong magagawa, biniyayaan talaga eh. Ewan ko ba kung bakit sinasayang niya.. Hayy.
"Oy babae! Ano na? Lutang ka nanaman. Kwento na dali...."
"Eto na nga. Kahapon kasi--"
*KRIIINGGGG KRIIINGGG*
"Ay wait ka muna bes. I have to take this call."
"Go lang."
Isa sa mga weird na ugali ni Trim ay kapag may katawagan siya lumalayo talaga siya as in yung kahit hininga niya di mo maririnig. Well, hindi naman sa gusto kong manghimasok di ba? Pero kasi kahit na sandaling phone call lang ay sa malayo niya pa talaga sasagutin. Ang weird lang kasi, you know, we treat each other as bestfriends pero parang siya lang ata yung may alam ng buong buhay ko pero ako.. kahit na aboout sa family niya walang kaalam-alam. Ang alam ko lang he's my classmate, my bestfriend, he's rich and intelligent and ummm.. he's popular; anything beside that wala na. Pag nago-open up ako ng topic about him mabilis niyang binabago yung usapan. Ayoko namang pilitin siya, he has the right naman kasi.
"Sino yun bes?"
"No one."
See. He's acting weird.
"You know what? Let's just go back to our classroom, Krizcha. It's hot na oh."
"Pero besy bakla. Magk-kwento pa ako di ba? I'm still upset. Kailangan ko 'tong mailabas. Okay that's weird but still. Hear me out please?"
"Next time na lang girl. Let's go na."
"Okay. wag nalang yun. Eto nalang. Sino yung kausap mo at bakit parang nagkabaliktad tayo ng mood? hmm? Sinong umaway sa dyosa ng Paradise High School ha? Banatan ko na ba?"
"Wala nga. Ang kulit neto. Tara na kasi giiiirrrl."
"Ei! Ang daya mo naman eh. Sino nga... Tska kung no one yun bakit kailangan mong lumayo?"
"Tss"
"Uy! Sino nggggaaaaa... Lagi ka naman ga--"
"WILL YOU JUST PLEASE SHUT UP KRIZCHA?!"
"but I--"
"AND I SAID NO. IF YOU DON'T WANT TO GO THEN FINE."
and he left. What did I do? He..he just shouted at me. Hindi pa ako nasigawan ni Trim ng ganoon and... his voice... it's different. It was manly. Hindi ko na nga siya halos makilala kanina eh. The way his face hardened, lalaking lalaki.
Trimmanuel Kurt Fraser. Sino ka ba talaga?
YOU ARE READING
Until We Met Again
Teen FictionAlmost a year, I drowned myself with the illusion that he will come back. Pinaniwala ko yung sarili ko na babalik sya at marerealize nya na nagkamali sya.. na mahal nya parin ako ... but I was wrong. He did come back, but not for me. Yun...