Chapter 8: Out of Town

15 0 0
                                    


*Silence*

"Umm... Krizcha?"

"Nako bakla!!! I love you too kasi may palibre ka ngayon. Alam ko namang mahal na mahal mo ako eh. Papasok na ako. Ingat beshy."

"ha.. ha.. ha... Kadire no? Tinry ko lang kung pwede pa ako magpakalalaki. Baka naman kasing pwedeng ako nalang at wag na si McCarthy. Masyado niya nang sinaktan ang ate gurl ko."

"Ewan ko sayo. Di bagay beks. Nakakakilabot. Bye na talaga!"

"Bye!!"

Nagpapaka weirdo nanaman yung bakla. Nikahit minsan di sumagi sa isip ko na magiging kami ni Trimmie. Kadire lang ah? Mas malandot pa yan sakin. Hay. Sana di niya nalang pinaalala si Bryan. Although I act strong sa harap nya.. Although I make him believe that everything's alright na, di parin mawawala yung pakiramdam na 'to. Ganito lang siguro talaga sa una. This may hurt at first but I hope it will all be worth it in the end.

I went early to school--wala lang sinipag lang ako. Napaaga kasi yung gising ko and I don't want to stay sa bahay kasi bubungangaan lang ako ni mommy tungkol sa pagtutol niya sa out of town ng batch namin. Meron kasi kaming gala na pinropose ng class president namin. I really want to go kasi syempre last na to, magc-college na kami next year. Dad's okay with it naman si mommy lang talaga yung napaka nega mag isip. Kesyo delikado daw kasi graduating, baka daw mag walwal ako at di na ako makauwi ng buhay, at marami pang iba. Pagkasabi ko nga sa kanya ng proposal na yan NO agad sinagot eh-- di pa nga ako nakaka explain. But I'll go no matter what. May balak pa nga syang sumama. DUH! Nakakahiya. Ano ako kinder?! May nanay pa na kasama?. I'm responsible naman eh and I won't do anything stupid na ikakasama ko. I just need her trust. May teachers naman na magbabantay, so it will definitely be fine. Hay... kailan kaya titigilan ni mommy yung pamb-baby sa akin? Should I tell my parents to make a new one? Sometimes, I think being an ate is cool.

Naiinip na ako ah. Wala pang kahit na isa dito sa room. Punta kaya muna ako ng lib? Para naman may magawa kahit papaano. I was on my way sa lib ng maagaw yung atensyon ko ng field. I changed my mind. Sa mga bench nalang muna ako tatambay. Morning fresh air seems nice.

"Hey." parang ayaw ko na ata ng hangin dito ah. Di ako bitter. HINDI NGA!

"Hey."

"Aga mo ata?" Nangangasar ba to?

"Yeah. Ganito naman yung usual time ko pumasok."

Did he just smirk?!

"Is there something funny, Bryan?"

"Yeah. It's funny cause for a long time that I have known you, I know you're not like that."

"Well... nakakatawa din kasi you don't believe the fact that a person can change within a period of time."

"Really Krizcha? I see you everyday na tumatakbo sa hall."

"Oy grabe ka naman. Di naman everyday. Mga thrice a week lang."

"Pfft. Anyway, parang nagmomoment ka jan eh. Una na ako."

*Krrriiinggg Kriiiinnggg*

"On a second thought, sabay nalang tayo. Wala naman sigurong magagalit di ba?"

"Sana nga meron. Tara na nga! Malate pa tayo. Sayang naman pagpasok ko ng maaga."

"Let's go then."

Hindi ko alam pero I feel comfortable around Bryan ngayon. He's showing his soft side which I like but I don't think na helpful sa case ko ngayon. Noong hinahabol ko, napakasuplado. Ngayong iniiwasan ko na, ayaw lumayo HAY!.

Until We Met AgainWhere stories live. Discover now