Chapter 9 : He Does?

5.5K 198 13
                                    

Grim's Pov.

FRIDAY ngayon at next week na kami pupunta ng US para sa kasal. Naiinis na naglalakad ako ngayon papunta sa building ng Wickers. Di ko na pinansin ang mga tinginan ng mga studyante sa akin at naglakad lang ako ng nakakunot ang noo.

Alam kong alam nila na engaged na ako. But they don't know kung kanino. Ang hint lang nila ay yung inakala nilang babae na pinakita ni ate sa mga bulletin boards. Yes, alam kong si ate ang gumawa nun even though nasa US siya ngayon.

Naiinis na naman akong pumasok sa lobby papuntang elevator hanggang sa marating ko ang council room. Naabutan ko ang mga alagad kong nag haharutan pero di ko sila pinansin.

Padabog akong dumeretso sa table ko at kinuha ang phone ko at tinignan kung nag reply na siya.

"Uhh master? Anyare? Mukhang bad trip ka ata?" nilingon ko kung sino ang nagtanong. Si Zake. Nakatingin na pala silang apat sa akin.

I shook my head for a reply. Wala ako sa mood talaga.

"Where are the two?" tanong ko sa kanila. Wala kasi si Grey and Hunt.

"Bookstore. To buy some papers and etc. Toka nila ngayong dalawa eh." Natutuwang sagot ni P.

Napangiwi ako. "Akala ko ba ka-partner ni Hunt si Jake sa pagbili tuwing toka niya?" nagtatakang tanong ko. Napaiwas naman ng tingin si P sa akin.

Napalingon din sa kaniya si Jake. "Oo nga no? ang nakalagay na sa memo ko is kasama ko na si Rence sa pamimili." Tanong sa kaniya ni Jake at tinigil ang pagtitipa niya.

Mukha na kaming office workers sa mga ginagawa naming these past few days. Wala naman kaming inaasikaso sa mafia dahil may gumagawa ng mga Gawain naming for now dahil kailangan naming gawin tong mga school papers and proposals para sa mga sister school namin kasi mag le-leave kaming wickers for almost a month dahil sa kasal.

"Ah eh... I change it." Deretsong sagot niya saken.

"Ewan ko sayo." Tanging sabi ko lang at nilingon ang computer ko.

Napangiti ako nang bahagya dahil sa wallpaper ng computer ko. It's Shan while sleeping.

"Baliw ba 'tong si master? Kanina halos kakain na siya ng tao sa pagdadabog niya. Ngayon naman nakangiti. Ano bayan kasi?" Narinig kong tanong ni Jake. Agad siyang lumapit para makita kung ano ang nakita ko sa screen.

He looked at me and smirked napaiwas naman ako ng tingin. Damn, iniinis niya ba ako?

"Ahh, okay now I understand." He added and winked at me. I just glared at him and mouthed f*ck you!

Even though Shan told me not to say too much inappropriate words. I want to follow and have his trust so I did. But the good thing is he said not too much, kaya pwede padin akong mag mura.

Under kay Shan? Well, maybe.

"Ano ba yun?" nagtatakang tanong ni Rence at lumapit sa akin para tignan din ang nasa screen ng computer ko.

Dali dali kong tinanggal ang saksakan ng pc para di niyia makita. Nakita ko siyang sumimangot.

" You're no joy." Sabi niya at bumalik sa pwesto niya.

"Nga pala, san pala si Shan? Pinahatid niya lang kasi yung lunch natin sa mga guards kanina." Pagtatanong ni Zake saken.

And then naalala ko nanaman ang mga nangyare kanina. Unti unting sumeryoso ang mukha ko hanggang sa nagtagpo na ang mga kilay ko. I don't know why but...

Sa tingin ko, He's avoiding me simula kaninang umaga.

Pag gising ko wala na siya sa sofa at may almusal nang naiwan at may note pa galing sa kaniya. Sabi niya mag umagahan na daw ako at maligo para pumasok kasi daw may gagawin pa siya.

Mafia's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon