CHAPTER 20

1.4K 59 17
                                    

(April 17 2020- hi sorry naubusan ako load, putol na wifi namen eh kaya nadelay. Anyway. Medyo mahaba chapter na'to kaya binalak kong hatiin pero wag nalang kasi panget HAHAHA. ENJOY)

Chapter 20

Grey's Pov

"Why the f*ck is he taking so long?" Inis kong tanong sa sarili.

Ang usapan ay ibabalik niya lang ang sulat na pinadala nila Trace pero bat natatagalan siya?

Medyo nahihiya nako sa mga tingin na pinupukol ng mga istudyante dito, nasa kabilang block kasi kami kung saan ang puder nila Trace.

I'm still wondering why would Trace did something like this. Napapa-isip tuloy ako, kilala niya ba si Shan?

Nakakainis! If only sumama ako kay Hunt sa loob para may malaman man lang kahit kaunti, pero nakiusap siyang siya na daw muna. Di naman ako naka-angal dahil pinagkakatiwalaan ko naman siya.

I know Hunt better than anyone.

We were together since we are young, Hunt's been the bestfriend and the brother to me through all these years. That's why I'm worried what might happen inside, lalo pa't nasa puder kami ng kalaban.

Papasok na sana ako para sumunod nang nakita ko siyang lumabas mula sa pinto.

Agad akong lumapit sa kaniya.

"What happened?" I asked immediately.

Saglit siyang napa-isip bago ako sagutin. "We were right, Trace's after Shan." I can feel the tense in his tone.

"Why would he do that?" I asked.

"Let's get out of here first, we need to go somewhere." Seryosong saad niya bago naglakad na papalayo.

Napakamot nalang ako sa batok saka sumunod nalang sa kaniya. I'm really confused right now. What could've happened inside? Damn dapat sumama nalang ako sa kaniya. Kainis.

"Hunt, sandali nga lang bakit kaba nagmamadali?" Naiinis kong tanong sa kaniya, pano ba naman napakabilis maglakad. Akala mo naman may hinahabol.

Nakaramdam ata ang kupal kaya medyo bumagal ang kaniyang paglalakad. I'm sure sa daang pinupuntahan namin ngayon, papuntang parking lot ang bagsak namin.

"Trace will ruin everything." Seryosong saad niya.

He's serious, now I'm starting to get bothered here. Hunt's acting like this is something. I know something wrong is going on.

"Tell me, ano ba talagang pinag-usapan niyo sa loob? Ba't nagagalit ka?" Nagtatakang tanong ko habang patuloy parin kaming naglalakad.

Hindi niya ako sinagot at pumasok na muna sa loob ng sasakyan. Wala na akong choice kundi pumasok narin, sasakyan niya 'to at hindi ko talaga alam kung saan kami papunta.

"I should've told you guys the truth, habang kompleto pa tayo." Marahang sabi niya na parang naiinis.

Napakunot naman ang noo ko. "F*ck you, Hunt. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na! Hindi yung para akong timang dito kakaisip kung anong nangyare." singhal 'kong sabi sa kaniya.

He sighed before answering.

"Remember what I said few weeks ago? When we met Shan? Sinabi kong familiar siya sa'kin." pagku-kwento niya. Tumango lang ako para magpatuloy siya. "I wasn't certain at first pero nung nakita ko na talaga ang mukha niya at nalaman na anak siya ni tito Flake, dun ko nakumpirma na siya nga si Angelo Shan." Dagdag niya pa.

"What about him? Anong koneksyon niya sa nangyayare ngayon? Anong kinalaman niya kay Trace?" Sunod-sunod na tanong ko.

"4 years ago, my cousin Trace met Angelo which is si Shan ngayon. Back then, highschool palang tayo and I wasn't a member of the Wickers, so I was stick on hanging out with Trace and Tracey...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mafia's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon