Chapter 19-Sad Story

474 17 0
                                    

"Bakit mo naisipang pumunta tayo dito?" Tanong ko pagkatapos naming magdasal.

"Wala lang. Stand up, I want you to meet someone" aniya at hinila ako patayo. Nagtungo kami sa likod ng simbahan.

"Bakit tayo papunta dito? Hindi ba bawal?" Tanong ko

"No. I know someone here" pinihit nya ang door knob at hinila ako papasok.

Nadatnan namin na nakaupo at may kausap sa telepono ang isang mid-50's na babae. Lumingon sya samin-kay Diego at nanlaki ang mata.

"Diego?" Napalitan ng ngiti ang pagkagulat nya "Tatawagan nalang kita mamaya" paalam nya sa kausap nya at binaba ang telepono. Tumayo sya at niyakap si Diego. Malapad ang ngiti nilang dalawa.

"It's been a while, Tita" ani ni Diego

"Oo nga. Ang tagal na nang huli kang dumalaw dito" aniya at binalingan ako. Tinitigan nya ko ng ilang sandali bago ngumiti.

"Ikaw ba ang mapapangasawa ni Diego?" Nanlaki ang mata ko at sunod sunod na umiling.

Here we go again. Gumawa na kaya ako ng voice record para di na ko o kami mapagod magexplain? Or gumawa nalang ako ng placard and write 'we're not a couple'?

"Hindi po. Nagkakamali po kayo" wika ko

"Ha? Hindi ba kayo dito ikakasal?" Kunot noong tanong nya at binalingan si Diego.

"Tita hindi po. Dinala ko lang talaga sya dito" ani ni Diego. Bumaling ulit sakin ang tita nya at nilapitan ako. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Patawad Hija. Akala ko ikakasal kayo" mas malala pala talaga ito. Akala nya ay ikakasal kami, mas okay na pala na akalain ng ibang tao na magboyfriend-girlfriend kami ni Diego.

"Okay lang po"

"Ipakilala mo naman sakin Diego" aniya. Humakbang palapit sakin si Diego.

"She's Daphne, she's my friend from Manila Tita" pakilala nya at inakbayan ako.

"Mabuti at sinama ka dito ni Diego, Daphne. Ako si Marga. Pamangkin ko si Diego" ngumiti sya ng malapad.

"Hi po! Nice to meet you po Tita. Nagbakasyon po kasi kami dito ngayon with our friends tapos naisipan nyang dumalaw po dito sa church" ani ko at ngumiti ng malapad.

"Talaga? Lagi nga syang dumadalaw dito tuwing nandito sya sa Camsur. I'm glad na dito nyo naisipang magbakasyon. Maraming magagandang lugar dito. Siguradong mageenjoy kayo" hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

"Oo nga po eh. Ang ganda po ng Camsur. I'm starting to love the place,l

"Mabuti naman at nagustuhan nyo dito. Marami ring mga turista dito. Gustong gusto dito"

"Maganda naman po kasi talaga... lalo na ang Caramoan" wika ko

"Halika umupo muna kayo. Masyado akong natuwa kaya nakalimutan ko kayong paupuin" aniya kaya natawa nalang kami ni Diego at umupo. Pinanood namin si Tita Marga na magtimpla ng juice. Naglapag din sya ng brownies sa table.

"You seems to really like her" ani ni Diego kay Tita Marga dahil pinagsilbihan nya pa ko kahit di na rin naman kailangan.

"Oo naman nakakatuwa syang kausap" napangiti naman ako doon. Akala ko kasi hindi ako nakakaenjoy kausap dahil walang gustong makipagkaibigan sakin noon.

"Thank you po. Nakakatuwa rin po kayo" wika ko

"Kumusta ang Daddy mo?" Tanong ni Tita Marga kay Diego. Uminom naman ako ng juice at nakinig lang sakanila.

"He's fine. Lagi silang busy ni Mommy" sagot nya at nilingon ako.

"Magkaibigan lang ba kayo?" Tanong ni Tita

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon