Chapter 26-Relieved

491 14 1
                                    

Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap ni Diego. Ilang beses na rin syang nagattempt na kausapin ako pero umiiwas lang ako. Hangga't hindi pa humuhupa ang galit ko sakanya ay hindi muna kami mag-uusap.

"Hanggang kailan kayo mag-iiwasan?" Tanong ni Ari, sya ang kasama ko ngayong maglunch dahil wala ang mga boys. Pinatawag sila ng Coach nila.

"Kapag hindi na siguro ako galit. Mag-aaway lang ulit kami kapag nag-usap kami" sagot ko. I dipped the fries in ketchup at kinain.

"Nakakapanibago kayo. Dati kulang nalang hindi na kayo maghiwalay eh tapos ngayon hindi naman kayo mapagsama"

"Siya kasi eh. What's with his treatment diba? Todo iwas sya sakin tapos bigla nalang nya kong kakausapin? At isa pa ah, sinabi nya pang ako ang may problema" kumunot ang noo ko sa inis nang maalala na naman ang paguusap namin.

"Chill. Hindi ako si Diego" aniya at tumawa "Sayang wala si Mia"

"Hindi ko na nga nakita ang bruhang yun" ani ko

"Bakit kasi hindi nalang sya magtransfer dito eh"

"Yeah right. Para magkakasama tayong tatlo"

"At magkasama pa sila ni Miko!"aniya at pumalakpak pa, napailing naman ako sa kabaliwan nya.

"Kailan nya pala sasagutin si Miko? May balak pa ba sya?" Tanong ko

"May balak naman yun. Hindi nya lang alam kung paano kasi hindi naman nagtatanong si Miko" aniya

"Akala ko wala syang balak. Tagal na ring nanliligaw ni Miko. Halata rin na seryoso talaga sya kay Mia"

"Wow! Ikaw pa talaga nakahalata ah" aniya kaya kumunot ang noo ko

"Bakit ba?"

"Wala" sagot nya. Tingnan mo to.

"Mag-isa ka na naman bang uuwi mamaya?" Tanong nya

"Yeah" sagot ko

"Eh diba may training kayo? Gabi na"

"Sanay na ko" ani ko. Noon naman ay umuuwi ako ng gabi mag-isa kapag busy si Calvin. Pagkatapos naming kumain ay naghiwalay na kami. Magkaiba kami ng building eh. Architecture ang course nya pareho sila ni Justine.

Pagdating sa classroom namin ay nadatnan kong nakaupo na si Diego sa pwesto nya. Tiningnan nya ko pero umiwas lang ako ng tingin. Pagdating ng Prof namin ay nagdiscuss na sya habang nagtetake down notes naman ako.

"We'll have a quiz. Ballpen lang makikita ko sa arm rest nyo" napasimangot kami. Quiz agad? 

"Do you have an extra pen?" Kinuha ko ang ballpen ko at binigay sakanya without looking at him.

"Thank you. Ibabalik ko nalang"

"Sayo na" ani ko at kinuha ang pinapasang test paper sakin.

I wrote my name and starts answering. Nastuck ako sa isang item kaya hindi ako matapos tapos. Okay lang sana kung isang puntos lang eh pero limang puntos din kasi yun.

"Daph" hindi ko sya pinansin at hinulaan nalang yung isang item para makaalis na.

Dahil maaga pa ay dumaan nalang muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig. Kumuha ako ng bottled water sa ref at nagtungo sa counter para bayaran.

"Ito nalang, keep the change Miss" kumunot ang noo ko at nilingon si Eiden.

"Bakit mo binayaran?" Inis na tanong ko.

"Bakit ba? Gusto kong bayaran eh. Magpa-thank you ka nalang kaya?"

"Thank you" kinuha ko yung bottled water at nilagpasan sya.

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon