Chapter 7-Forgot

596 21 0
                                    

Pagkatapos ng training ay kaagad akong umupo sa bleachers sa sobrang pagod. Mas nakakapagod na ang training namin ngayon dahil sa MUAA.

"Kaya pa?" Tanong ni Sab at umupo sa tabi ko.

"Oo naman" sagot ko

"Oh si Diego papalapit" aniya kaya nilingon ko ang tinitingnan nya. Diego is running towards our direction. Basa ang buhok nito at pawisan din ang katawan dahil sa training.

"Daph" he said na hinihingal pa

"Oh?" Tanong ko at umayos ng upo.

"Wait for me. Sabay tayong uuwi. Malapit na rin nyan matapos ang training namin" aniya

"Sige" sagot ko habang pinapanood sya. He nodded at tumakbo ulit pabalik. Bakit ba kasi sya tumatakbo?

"Anong meron sa inyo ni Diego? Mukhang close na close kayo ah" puna ni Sab habang nakangisi pa

"We're friends" sagot ko

"We? Ikaw ah pashowbiz" aniya at sinundot pa ang tagiliran ko. Napatalon naman ako doon. Malakas kasi ang kiliti ko sa tagiliran.

"Sab! Oo nga friends lang" ikaw nga ang tipo nya eh. Gusto kong sabihin pero baka mainis pa sakin si Diego.

"Alam mo kay Diego ka nalang kasi eh. Mukha namang di ka nya gagaguhin" aniya at tumango tango pa. Umiling iling naman ako at ngumuso. Hindi pwede iyon, we're friends.

"Sab, magkaibigan lang talaga kami and besides, we don't like each other. I don't like him and he doesn't like me, okay?" Hindi parin mawala wala ang ngisi nya kahit pa anong paliwanag ko.

"You sure about the latter?" Tumaas ang kilay ko "O sya shower na ko" aniya at iniwan ako.

Kinuha ko ang tumbler ko na nasa tabi ko lang at uminom doon.

Nang makapagpahinga na ko ng sandali ay nagshower na ko. Inayos ko ang locker ko at nilagay ko doon ang rubber shoes ko. 

Paglabas ko ay nakaabang na si Diego at mukhang kakatapos lang din magshower.

"Ang bilis mo?" Kunot noong tanong ko paglapit ko sakanya.

"Binilisan ko talaga. Di ako katulad nyong mga babae na matatagal maligo" aniya at kinuha ang bag ko mula sakin. Isinukbit nya ang duffle bag ko sa balikat nya. Hindi na ko nagbigay ng katwiran dahil tama naman sya.

"Uwi na kayo?" Tanong nila Keith nang makasalubong namin sila

"Yup" sagot ko

"Ingat kayo" paalala ni Brian at nakipaghigh five pa sila sakin.

"Si Miko hindi ata nila kasama?" Tanong ko

"Pinuntahan nya yung nililigawan nya" aniya. Nilingon ko sya habang nanlalaki ang mata ko sa gulat at dahil hindi ako makapaniwala.

"Si Miko? May nililigawan?" tanong ko

"Yup. Kahit maloko yun seryoso sya sa nililigawan nya. Magdadalawang taon na syang nanliligaw" sagot nya.

Natuwa naman ako doon. Hindi ko inaasahan na ganoon pala si Miko. Totoo ngang we shouldn't judge people by how they look and how the act.

"Maganda ang ganon, pinaghihirapan" wika ko

"Siya ba?" Tanong nya, kahit hindi malinaw ang tanong nya ay naintindihan ko naman.

"7 months nya rin akong niligawan, di ko na pinatagal" sagot ko. Pumasok na kami sa car nya at napapikit naman ako sa sobrang pagod na nararamdaman ko.

"You okay?" Tanong nya

"Yup" sagot ko at isinandal ang ulo ko sa bintana.

"Bakit pala hindi ko nakikita na kasama ni Miko ang nililigawan nya?" Tanong ko

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon