Chapter 2 - Aray!

323 9 2
                                    

[A/N : Dedicated po tong chappy na to sa first fan ko po dito sa wattpad ! XD ngayon lang kasi ako nagdededicate kaya ngayon ko lang naisipan ito ! HAHA XD PS. Sorry sa mga Typo at wrong grammar :) ] 

[Justine's POV]

HI - HO! Ako nga pala si Justine Ocampo, 15 years old. Nagaaral sa Ram High bilang isang senior. Ang Ram High nga pala ay isang elite school and for your information, Hindi ako isang elite. 

Ako lamang ay isang dukha. hahaha. JOKE! ^_^

Average lang naman kame ng pamilya ko at kaya lang ako nakapasok sa Ram High dahil sa isang scholarship.

Oo, tanggapin niyo ng matalino ako! Bleeh! And proud to say na ako ang top 1 sa mga kumuha ng entrance exam nung 1st year ako! Stable naman ako sa rank ko, Still top 2. Hindi ko kasi matas taasan yung top 1 eh. Babae daw yun. wala na akong balak malaman kung sino siya basta ang akin lang wag makuha ang rank ko.

Dalawang school nga pala ang pinapasukan ko, Ram High at Star Art School.

Ang SAS (Star Art School) ay isang dance school na walang tuition fee.  Lahat ng dance tinuturo rito,    Ballet, Hiphop, Jazz, etc. Kasama nga pala ako sa grupo na DAWarriors. Kame ang kasalukuyang Top 1 pagdating sa Hiphop section. Binabase kasi yun sa mga trophies na nauuwi ng grupo niyo. 

At Oo, lahat kame sumasali sa iba't ibang competetion. 

Okay, too much information na. 

Grabe talaga! Mala anghel talaga ang ganda ni Jasmine! Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Jasmine! Siya ay sing bango ng Jasmin. Whahaa, so gay.

De, seryoso. Nalove at first sight ako sa kanya. 

Pero TAE! Takte lang! 

Hindi ko nakuha yung number niya. 

Sana makita ko na lang ulit siya. Ay tadhana, sana pagtagpuin mo ulit kame. 

[Jasmine's POV]

"Goodafternoon Ma'am" bati sakin nung waiter habang papasok ako ng WonderFood.

"Asan pala sila Kuya Jared?"

"Ah! This way Ma'am" Inassist niya ako papunta sa VIP room kung san nandun sila kuya Ja.

Pagkabukas ko ng pinto bumungad agad ang malapad na ngiti ng aking magaling na Kuyahin. Hmmmm, something interesting happened. I'll ask Kuya Ja later. Chismosa much! haha. 

"Oh Bunso!"

"Lapad ng ngiti ah!" Hay kuya, kilalang kilala kita. Alam ko yang ngiting yan. 

"Bakit? masamang ngumiti?" 

"Ewan ko sayo Kuya!" Tumawa na lang kame. 

[FastForward]

On the way na kame ni Kuya papunta sa bahay ni ate Nika syempre kailangan muna namin siyang ihatid sa kanila. 

"Bye Jasmine"

Nagsmile and wave lang ako sa kanya. Out of energy na ako eh. 

Kasalukuyang nasa backseat ako ngayon habang pinagmamasdan sila na para bang ayaw na nilang maghiwalay. Hmmmm, para talagang may iba eh. Sila na kaya? Kung sila na nga aba'y hanga na talaga ako kay kuya dahil dang bilis niya ah. 

Pumasok na si kuya Ja sa may driver's seat na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Oh ba't nandyan ka?" nasa backseat kasi ako dahil kanina nasa front seat si Ate Nika.

LOVE DANCE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon