Chapter 4 - Magnum!

264 8 2
                                    

 [A/N : Dedicated po tong chappy na to sa 3rd person na nagfan sakin! :D HELLO :)]

[Justine's POV]

"Hoy pards! Paano kayo nagkakilala ni Jasmine?" - Mario

Sus, gusto niyo lang si Jasmine eh! At excuse me, SHE'S MINE! ONLY MINE! 

"Oo nga! share your blessing nga daw di ba?" -Efren

"Share your blessing! Share your blessing kayo dyan! MGA GAGO!" binatukan ko si Efren. Sorry, selfish ako ngayon.

"Takte! Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Jasmine?" - Mario 

"Paano kapag sinabi kong OO, angal ka? -Ako

"Takte! nauna ka na naman Pards! May Carmina ka na nga eh kukunin mo pa si Jasmine? Pards naman! wag madamot! mamigay ka naman!" -Efren

"Tarantado! Nakakabatang Kapatid lang talaga ang tingin ko kay Carmina at ayoko na masira yun dahil lang may gusto siya sakin" - Ako

Habang sinasabi ko sa kanila yun eh sobrang titig ko kay Jasmine na kulang na lang eh matunaw na siya. Kasalukuyang nakikipagkwentuhan siya kila Jane, Laila at Tina. Ewan ko ba kung nasan na naman sila Carmina at Marian. 

"Pards loko ka! Kita mong obsessed na obsessed yung gagong yun sayo!" -Mario

"At ilang taon ka na ring nililigawan nun oh! Chance pare! Bigyan mo siya ng chance!" - Efren

"Chanchansin ko yang pagmumuka niyong dalawa eh! Gusto niyo lang makuha sakin si Jasmine eh!" Kala niyo maiisahan niyo ako? Ulol kayo.

"Hoy Pare! Wag na wag niyong pagdidiskitahan ang kapatid ko ah! Makakatikim kayo nito!" Sabay pakita yung kanyang kamao. 

"Kala mo naman kalakas sumuntok!" -Ako

"Ano?" Haha, dang lakas rin pala ng pandinig nito ah! 

"Wala sabi ko, malinis ka ng tenga mo! barado na pards eh!" -Ako

"Maiba Pards, kanina ka pa text ng text dyan ah! Babae yan noh?" - Efren

"Hoy nagiging lababo na si Jared!" Sabay tumawa kame ng malakas. 

"Mga GAGO!!" Pinaghahaspas ba naman samin yung mga unan sa salas.

[Jasmine's POV]

Andito pala kame ngayon sa bahay ni Jane, may kaya rin pala ang family nila pero like my kuya Ja, rebelled din! Dito rin sila nagprapractice kapag may competetion. 

Grabe di ko akalain na kagrupo pala ni kuya si Justine. Kala ko talaga di ko na ulit siya makikita! Hay kagaling naman ni Tadhana maglapit ng tao. 

"Parang bata talaga ang boys noh?" - Jane

Kung may boys talk sa may sala, may girls talk naman kame dito sa may Dinning table.

Chumichibog kasi kame ng Piattos, Tortillos, Chippy at ng favorite kong Clover. Nyahaha.

Galing ng term ko noh, 'Chumuchibog' kay kuya Ja ko yan natutunan eh. 

"Asan nga pala si Carmina at Marian" Tanung ko sa kanila kasi kanina ko pa napapansin na sila Jane, Tina at Laila lang ang nakakasama ko simula pa kanina. 

"Malamang nasa labas na naman! Mahilig mag solo yung dalawang yun eh" Sagot sakin ni Laila habang chumichibog ng Piattos. 

"Ah ganun ba?" - ako

"Uy Jasmine, kwento ka naman!" - Tina

"Oo nga naman! para naman makilala ka pa namin ng husto" - Jane

LOVE DANCE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon