Chapter 1 - I Love You agad?

480 21 14
                                    

[A/N : Dedicated sa aking kaibigan slash klasmeyt. HAHA. HI YAYHANNAAH =))] 

[Jasmine's POV]

Ako nga pala si Monica Jasmine Ramirez, 15 years old. Senior at nagaaral sa school na pagmamay-ari ng family ko. I have 2 older brothers namely Jake and Jared.

Si Kuya Jake, graduate na siya ng college at kasalukuyang  nagmamanage ng  Wonderland. Isang amusement park na pagmamay-ari rin ng family ko.

Si Kuya Jared naman, sa kanya pinaka disappointed ang parents namin. He doesn't like to treat him like a prince kasi he just want to live like an ordinary person. For short, rebelde siya. 

Pinakaclose ko sa kanilang dalawa ay si Kuya Jared kasi siya lang ang may time para sakin, sa kanya ako nagkwekwento ng mga kabaliwan na ginagawa ko sa school, mga patagong kalokohan ko na siya lang ang nakakaalam at si Nanay Rosing. Ever since na mga bata pa kame, kay Kuya Jared ang takbo ko tuwing may problema ako.

Nga pala nabanggit ko na rin naman sa inyo si Nanay Rosing di ba? siya ang yaya namin ni Kuya Ja simula ng mga bata pa kame. Siya na ang tumayong 2nd mom namin. Kaya mahal na mahal namin yan ni Kuya Ja eh! Ang Parents ko kasi as usual busy sa trabaho at ngayon eh nasa Italy for business again. At kasama nila si Kuya Jake. Pero wala ng bago dun at sanay na kame ni Kuya Ja. Umuuwi lang sila mom and dad every may special events like business meeting, birthdays, basta event na hindi masasayang yung oras nila kapag umuwi sila dito.

--

"Bunso!"

Okay, Yumayanig na naman ang  aking mundo.

At alam ko kung sino ang nagyayanig ng mundo ko tuwing umaga.

"Kuya Ja namin ehh! saturday ngayon! meaning walang pasok!" nakasanayan na ni Kuya Jared na alugin ako tuwing umaga.

"Jas, bangon na! pupunta pa tayo ng wonderland! Di ba sasamahan mo ako sa date ko ngayon?" inaalog pa rin ako ni Kuya Ja habang nakataklob pa rin ako ng kumot.

"Kuya Ja namin eh, date mo yan. Epal lang ako sa inyo dun at magiging poste lang ako pag magkasama na kayoo! kaya mo na yan kuya Ja--" nakapangako kasi ako kay Kuya Ja na sasamahan ko siya kay ate Danika. First Love niya kaya ganyan yan.

"AH SO, MONICA JASMINE LOPEZ RAMIREZ GANYAN NA?"

"EHHHHH! kuya naman eh! eto babangon na! sino ba naman tao ang hindi susunod sa kuya na katulad mo!" hay nako kuya Ja. pati lovelife mo kailangan involve rin ako!

"That's my lil sis" ayan na naman ang nakakalokong ngiti ng aking magaling na kuya. Aish-- panalo na naman siya. 

"HEH CHE!"

[FastForward]

Andito na kame ngayon ni Kuya Ja sa Wonderland. Nakaupo sa isang bench na malapit sa Roller Coaster habang humihigop ako ng Vanilla Shake na pinalibre ko kay Kuya Ja. HAHA-- uto uto kasi yan si Kuya Ja pagdating sakin. Di ako nyan matiis.

"Antagal naman ni Nika"

"Hay nakoo Kuya Ja, ganyan talaga ang mga babae. Tiaka malay mo may jet lag pa yun! masyado ka kasing mabilis eh. Nung isang araw lang dumating nagpaschedule ka na agad ng date"

Oo, kakarating lang ni Ate Nika from Italy. Kaya excited rin  siya makita ni Kuya Ja. For almost 5 years ata na hindi sila nagkita? through chat and webcam lang ang communication nila. Danika talaga name ni ate  pero Nika tawag namin . 

"JARED!" biglang lingon kame ni Kuya Ja sa direksyon kung san nanggaling yung boses na tumawag kay Kuya Ja.

"NIKA!" sabay lapit ni Kuya Ja kay ate Danika at niyakap niya ito na parang wala ng bukas. Ganyan kamiss ni Kuya Ja si ate.

LOVE DANCE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon