Chapter 4

38 1 0
                                    

Chapter 4 

Errise's POV

"Bye." sabi nya at ginulo nya ang buhok ko.

"Sige, thank you.Ingat ka." sabi ko sa kanya at saka pumasok sa loob ng condo unit ko.

Si Kieran, my boy bestfriend.Kanina ko lang ulit sya nakita simula ng pumunta sya sa states mga 4 years ago.Aaminin ko, lalo syang pumogi.Kung noon ay pogi na ito ay ngayon lalo pa itong pumogi.Hindi sya nagbago, mabait at makulit pa din sya.Ang totoo nyan matagal nya ng sinasabi saking mahal nya ako pero alam kong hanggang bestfriend lang talaga turing namin sa isa't-isa.Ang sweet ng bestfriend ko kanina, nilibre na nga ako ng cake, tas piniggy back ride nya pa ako.Nakakatuwa talaga sya.

"Nginingiti-ngiti mo dyan." 

Halos tumalon ang puso ko sa taong nagsalita.Nakakagulat sya.Akala ko ba bukas ulit sya babalik dito. "Masama ba?Pero anong ginagawa mo dito?Akala ko ba bukas ka pa babalik."

Dumiretso sya sa living room at umupo sa sofa, "Boring sa office." yun lang ang sinabi nya tapos na patingin sya sa dala ko, yung box na may laman na cake. "Ano naman yang bitbit?" tanong pa nito.

"Ito?Wala lang 'to." yun lang ang sinabi ko sa kanya saka tumalikod at dumiretso sa kusina.Nilagay ko muna yung cake sa loob ng fridge.Next time ko na lang muna kakainin ito kapag wala na si Zico.Bigla akong nalungkot.Wala talagang alam na kahit ano tungkol sakin si Zico.Ang alam lang nya pangalan ko at ako ang may kasalanan ng pagkamatay ng girlfriend nya.Ni hindi nga sya nagtatanong kung may magulang ba ako o wala eh.Hindi nyan alam na birthday ko ngayon.pssh.Samantalang ako, alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya, kung anong mga paborito nya, yung tungkol sa pamilya nya at mismong tatak ng brief nya alam ko.Biglang namula ang mukha ko.Aish.Ang pervert ko.

Nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.Si Zico.Inaamoy nya ang leeg ko.Nakakakiliti tuloy. "Sino yung lalaking kasama mo kanina?" tanong nya.Bakit ganun ang lambing ng boses nya.Himala, hindi sya cold tone sakin ngayon kapag nag-uusap kami ng formal.

Humarap ako sa kanya.Ang cute nya, "Sino?Sinong lalaki?" tanong ko din sa kanya.Gusto kong linawin nya sakin kung sino yung lalaking tinutukoy nya.

"Yung naghatid sayo dito." sabi nya sabay iwas ng tingin sakin.

So ibig sabihin nakita nya akong hinatid dito ni Kieran.Aha.Hindi kaya nagseselos sya?Duh!As if naman Erisse magselos yan.Masyado lang akong ilusyunada.

"Ah si Kieran, my bestfriend." yun lang ang sinabi ko sa kanya at umalis na ko sa harap nya.Ang awkward kaya.

"Teka, sumama ka muna sakin." yung pagkakasabi nya ng salitang yun, hindi sya nagtatanong, pautos yung pagkakasabi nya ng mga salitang yun.Ano pa nga bang magagawa ko?

---

Nandito kami sa may beach.Dito nya ko dinala.Ang sarap lang makita ang paglubog ng araw.Nakatingin lang si Zico sa malayo.Mukhang malalim ang iniisip nito.Nilapitan ko sya.Naramdaman nyang lumapit ako sa kanya dahil napatingin sya sakin.

"May gusto nga pala akong sabihin sayo." sabay pa kami.

"Sige, ikaw muna." sabi nya sakin.

"Hindi, sige.Ikaw muna." sabi ko naman sa kanya.

"Ang kulit mo talaga.Ikaw na mauna." sabi nya sakin ng hindi man lang tumitingin sakin at abala sa pagtingin sa malayo.

"Ano, yung hinihintay ko na mapatawad mo ko sa kasalanan ko.Ano pa bang pwede kong magawa para mapatawad mo na ako kaagad?"

Nagulat sya sa tanong ko sa kanya, "Bakit ba hindi ka makapaghintay na mapatawad kita?Bakit ka nagmamadali na patawad kita?!" halata sa boses nya ang pagkainis.

Napayuko ako, gusto ko lang naman mapatawad nya na ako kasi yun lang ang paraan para makalimutan nya na si Yesha.Nahihirapan na din ako kasi alam ko namang hanggang ngayon mahal nya pa din si Yesha.Feeling ko anytime, iiyak ako sa harapan nya.

"Sorry.Nakakapagod na kasi eh.Oo, iniwan ko si Yesha pero para humingin ng tulong." sabi ko sa kanya habang nakayuko.

"Sabihin mo sakin?Dahil ba nandyan na yung bestfriend mo kaya gusto mo ng mapatawad kita para dun ka naman makikipag-sex?Ha?Sabihin mo?" at dahil sa sinabi nya, sinampal ko.Isang malakas na sampal.

"HIndi na kita maintindihan!Tama na, ayoko na Zico.Ayos lang sakin kahit di mo na ko mapatawad.Bahala ka na sa buhay mo.Ayoko ng makita pa yang mukha mo." sabi ko saka ako tumalikod.

Bigla nya kong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya, "Dito ka lang." sabi nya habang nakatingin ng diretso sakin.Bigla nya kong hinalikan sa labi pero smack lang. "Happy birthday.Sorry sa mga sinabi ko sayo at pinapatawad na kita.Alam kong wala kang kasalanan sa mga nangyari." 

---

Zico's POV

Malaya na si Erisse.Napatawad ko na sya.Tanggap ko ng namatay na si Yesha pero di nya kasalanan iyonHindi na ko napunta sa condo unit ni Erisse.Ilang araw na ang nakakaraan simula nung napatawad ko sya.Nandito ako sa bahay ni Kurt.Nakikipag-inuman kasama sya.

"Pare, umamin ka na kasi, may gusto ka na kay Erisse noh?" kanina nya pa ako kinukulit kaya nga nakipag-inuman para di ko muna maisip si Erisse eh pero sya 'tong ang kulit at yun ang topic na dinadaldal nya.

"Bahala ka sa gusto mong isipin." sabi ko na lang sa kanya sabay inom ng alak.

"Pare, kung ako sayo, pupuntahan ko na si Erisse tapos sasabihin ko yung totoo kong nararamdaman.Sige ka, maunahan ka ng iba dyan." napatigil ako sa pag-inom.

"Ang kulit mo talaga.Sinabi ng wala akong gusto dun."

"Pare naman, magpakalalaki ka nga.Kung gusto mo yung tao, sabihin mo sa kanya.Hindi yung ang torpe mo."

Konti na lang, masusuntok ko na sya.Buti alam kong lasing sya kaya kung anu-ano na lang sinasabi nya.

"Tumahimik ka na lang nga."

Kieran's POV

"Uwaaahh *sniff* uwaaahhh *sniff* waaaahhh.So porket pinatawad nya na ako ay iiwan nya na lang ako basta-basta.Hindi na sya napunta dito sa condo unit ko.Ang sakit kaya.Uwaaahh *sniff* Hindi na sya nagpapakita. *sniff*" sabi nya sabay hagulgol.

Pumunta sya dito sa bahay ko para lang ipakita sakin na umiiyak sya dahil brokenhearted sya.Lasing sya habang patuloy sa pag-iyak.Kanina pa sya nainom ng alak.Ngayon ko lang nalaman na may boyfriend na sya.Ouch.Ang sakit.Ang totoo nyan, mahal ko talaga si Erisse higit pa sa pagiging bestfriend kaya nga ako bumalik dito para ligawan sya tas malalaman ko ngayon na may boyfriend sya.Mahal ko si Erisse pero sya mahal nya ko bilang bestfriend lang.

"Sino ba yang walang kwentang lalaki na yan ha?Sino ba yang boyfriend mo na yan?"Binato nya ko ng tissue, "Hindi ko naman sya boyfriend eh. *sniff* uwaaahh *sniff* uwaaahh" hindi nya boyfriend?Pero bakit napunta sa condo unit nya?

"Anong hindi mo boyfriend?Akala ko ba kaya napunta sa condo unit mo ay dahil boyfriend mo?"

"Malabong maging boyfriend ko yun.Ni hindi nga ako gusto nun eh." yun lang at nakatulog na sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ride or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon