Prologue:
Seven years ago...
Hingal na hingal akong nakarating ng rooftop. Kanina pa gustong bumigay ng tuhod ko sa pagod. Sino ba kasing matinong tao ang aakyat ng sampung palapag makarating lang sa rooftop? Nagsisisi tuloy ako na hindi ako gumamit ng elevator, pero na nakakatakot naman kasi biruin mo may patay na doon sa elevator dadalhin daw sa morgue. Shocks! kinikilabutan ako.
Lahat ng pagod ko bigla na lang naglaho nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa may railings habang nakatitig sa mga bituin. Napangiti ako at tumakbo palapit dito, muntik ko pa mabitawan ang lobong kanina ko pa hawak.
"Kuya!" tawag ko sa kanya.
Lumingon ito saakin na tila ba nagtataka. Napansin ko rin ang namumula niyang mata na kagagaling lang sa pag iyak.
"Bakit ka nandito? Walang nagbabantay kay mama." wika nya.
"Ano ka ba kuya? Tulog na si mama at isa pa nandoon naman si Nurse Jen para bantayan siya." Napabuntong hininga na lang ito at muling tumingala para masdan ang mga butuin.
May babagsak ba na shooting star? Iyon kasi ang madalas kong napapanood sa mga palabas sa telebisyon.
"Kuya sabihin mo kapag may nakita kang shooting star ha. Para sabay tayong magwish." sabi ko habang nakatitig din sa mga butuin.
BINABASA MO ANG
A Thousand Origami Cranes
Historia CortaFocus your mind on things things that are beautiful.... Life is too short to waste on worries.... To refresh your mind... Dare to believe..... Leave the door open.... For the MAGIC of..... 'A Thousand Origami Cranes'