Chapter 3
CALIX was excited dahil magkikita na sila ni Megan ngayon. Tinapos niya pa kasi yung mga reports na ipepresent niya bukas . Si Megan naman busy sa pagmo modelling, hindi sila masyadong nagkikita dahil sobrang busy nila. Through call nalang sila ng nag uusap.
Nang makarating na siya sa sinabi niyang meeting place ay nakita niya itong nakatingin sa cellphone niya habang naghihintay. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa kaniya at niyakap siya sa likod.
Nagulat si ito pero nawala rin yun nang makita niyang si Calix ang yumakap sa kaniya. He smiled at her pero hindi niya sinuklian iyon.
Kinalas nito ang kamay niyang nakapulupot sa kaniya at humarap sakaniya.
"May problema ba?" Tanong ni Calix bago umupo sa harap niya.
Pinaglaruan nito ang kamay niya tila nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ang problema niya o hindi. Tinignan siya ni Calix . Hindi niya inalis ang paningin niya dito. Ramdam niya ang pagkabalisa nito.
Nagangat ito ng tingin at masuyong tinignan si Calix sa mga mata.
"Let's break up" nagulat siya. Hindi makapaniwala sa sinabi ng kasintahan. Sa dalawang taon nilang pagsasama hindi niya akalaing maghihiwalay sila ngayon.
"Why?" He whispered.
" I want to focus on my career. You keep bothering me, it's annoying." Huminto siya. Hindi nagsalita Calix at hinintay na ipagpatuloy niya ang kaniyang sasabihin. "and I don't want to be your girlfriend anymore" parang gumuho ang mundo niya ng marinig ang salitang yun mula sa kaniya. Hindi siya makapaniwala parang kahapon lang noong sinabi niyang mahal niya ito. Parang kahapon lang na ang saya saya nila.
"Megan, pagusapan natin to please. Nagkulang ba ako? Ano? Sabihin mo . Fine! Bibigyan kita ng space huwag lang tayo magbreak pls" hinawakan niya ang kamay nito at nagmamakaawa na huwag itong iwan.
"Sorry" aniya saka tumakbo palayo sa sakaniya. Sa mga oras na iyon alam niyang sa sarili niya ay tapos na. Hindi niya matanggap na mas pinili niya ang career niya kaysa Calix.
Dumiretso siyang bar nakita niyang nakaupo ang mga kaibigan niya sa malaking sofa. Umupo ito sa tabi ni Gavin at uminom agad ng dalawang basong alak. Alam niyang alam na nila ang nangyare.
"Pare. Ok lang yan marami pang babae diyan"
"Sabi na eh. Parang nagiba siya this past few days"
"Sa una palang talaga hindi na ako boto sa kaniya"
"Ako din, alam naman nang lahat na hindi siya nagseseryoso diba? Manloloko pa nga eh kababaing tao two timer"
"Pakiramdam ko talaga dinahilan lang niya yong career niya pero ang totoo may gusto na yung iba"
Hindi nalang niya ito pinapakinggan at tuloy parin ang pag inom. Masuyod niyang tinignan ang dancefloor at nakita niyang maraming sumasayaw. Masaya ang music pero hindi niya ito ramdam dahil wala ito sa mood.
" akala ko ako lang ang may ayaw sa kaniya kayo din pala"
"Oo naman, kataka taka kaya yung babaeng papalit palit ng boyfriend tapos biglang magseseryoso? Tsk"
"Baka nga pera lang ang habol niya kay Calix eh"
Usap usapan nila. Napantig ang tenga niya sa huling sinabi ni Gavin kaya hindi na siya nakapagpigil kaya sinuntok niya ito.
"YOU SON OF A FUCKING B*TCH!" Sigaw niya kaya naagaw nila ang attensyon ng mga tao sa loob ng bar at agad na nakiusisa sa nangyayare. lumapit sakanila ang mga kaibigan at inawat silang dalawa
"Sorry pare, totoo naman eh una palang sinabihan na kita na hindi siya yung tipong babaeng siniseryoso" nagtiim bagang si Gavin tila pinipigilan niya ang sarili niya na patulan si Calix .pinunasan niya ang dugo sa labi niya.
"STOP DISRESPECTING HER LIKE THIS! WALA KANG ALAM OK? WAG KANG MANGIALAM! " napa tiim bagang nalang si Calix tsaka umalis ng bar baka hindi niya mapigilan ang sarili at masuntok niya ulit ito. Lalo na ngayong mainit ang ulo niya dahil sa ginawa nila.
Sanay na sila na ganito sila. Di naman sila tulad ng mga babae na magtatampuhan, hindi namamansin kinabukasan. Kapag wala na yung init ng ulo nila back to normal ulit na parang walang nangyari.
Pagkadating niya sa condo ay dumiretso siya sa ref at kumuha ng isang martini at nagsalin sa maliit na baso. Dahil sa inis niya itinapon niya ang baso sa pader F*ck!! Megan why are you doing this to me huh?
KINABUKASAN ay umuwi muna siya sa bahay nila sa Laguna. Matagal na rin kasi siyang hindi nakabisita duon. Pagkadating niya ay sinalubong na agad siya ng yakap ng bunso niyang kapatid at nasa likod nito ang kaniyang ina.
"Kuyyaa namiss kita"
"I miss you too baby" sabay halik sa noo ng kaniyang kapatid.
"Buti naman dumalaw ka" bakas sa mukha ng kaniyang ina ang saya.
"Pasensiya na ma at ngayon lang nakadalaw" pagpaunmahin niya sabay halik sa pisngi nito. Ma ang tawag niya dito dahil pakiramdam niya nagmumukha siyang bata kapag tinatawag niya itong mommy. Minsan naman ay Mom.
"Naiintindihan ko anak. Para rin naman sa kinabukasan mo ang ginagawa mo. Malay mo mapromote ka na bilang CEO diba?" Iginaya niya ito sa loob at ipinagtimpla ng kape.
"Sana nga" hiling niya.
Hindi siya humihingi o tumatanggap ng allowance sa magulang niya dahil gusto niyang maging independent. kahit na mayaman sila ay gusto niyang pinaghihirapan niya ang kaniyang pera. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang may makain. Noong una ay hindi payag ang mga magulang niya pero noong tumagal ay wala rin silang nagawa. Ayaw niya kasing pinapakialaman ng mga magulang niya ang desisyon niya.
Nang maubos na niya ang kapeng inihanda sa kaniya ng kaniyang ina ay nagpaalam na ito upang magpahinga malayo kasi ang byahe at nakaramdan siya ng pagod.
YOU ARE READING
The Girl Who Loved Him
RomanceLabis na nasaktan si Calix ng hiwalayan siya ng kaniyang kasintahan na si Megan at sa pagwawalang bahala nito sa kanilang relasyon. After all ay pinilit niyang kalimutan ang mga sakit na tinamo niya sa dalaga. Ngunit siya ay nabigo at nagkaroon ng d...