Prologue

10 0 0
                                    

Kakagat na sana ako sa baon kong pandesal ng biglang pumasok ang kaklase ko sa classroom.  Napatingin ako sa aking relo.  Nakakapagtaka, hindi pa naman ala una. Ako lang naman kasi ang kumakain ng lunch sa loob ng classroom namin. 

Hindi dahil sa wala akong pera ngunit gusto ko lang naman talagang magtipid para hindi na ako manghingi kay Nanay pag may kailangan akong pamproyekto.

Pangalawa masyadong over priced ang mga pagkain sa canteen. 80 pesos para sa isang piraso ng bola bola na may soup at kanin. Eh kung sa karinderya yun binenta 40 pesos lang ata solve na may softdrinks pa.

Second year high school na ako. Scholar rin ako sa paaralang ito. Ang miscellaneous fees ko naman at pati ang allowance at libro ko ay sagot ng aking tiyahin. 

"Faie, pinapatawag ka nga pala ni Mrs. Cruz. Pumunta ka sa Faculty Room at may paguusapan daw kayo. "

Pagkasabi niya noon ay lumabas na rin ito. Mabilis kong inubos ang isang pirasong pandesal.  Mamaya ko na nga lang uubusin lahat.

Nagtungo agad ako sa Faculty Room.  Bago ako pumasok ay kumatok muna ako ng tatlong beses. 

Hinanap ko ang cubicle ni Mrs.  Cruz at nagulat ako ng nakita ko doon ang transferee na si Kill.

Third quarter na ito ng lumipat sa paaralan namin. Nakatira rin siya sa Heritier Heights.  Gaya ng mga pinsan ko, galing rin siya sa mayamang pamilya.

Balita ko pa ay sa Amerika ito nagtapos ng elementarya at nagsimula ng unang tao ng sekondarya. Pero kahit sa ibang bansa ito lumaki ay magaling itong managalog. 

Napauwi lang ng Pilipinas ang pamilya nila dahil nagsimula ng pamahalaan ng kanyang ama ang pinamanang chain ng Shopping Malls, may sakit na ang lolo niya at nanghihina na.

Lumapit na ako kay Mrs.  Cruz.

"Magandang Hapon po Maam,  pinatawag niyo raw po ako. "

Magalang kong bati sa kaniya.  Nginitian ko lang silang dalawa ni Ashneel kahit mukhang suplado pa ito. 

"Pinatawag ko kayong dalawa dahil may dalawang good news ako para sa inyo. "

Nacurious naman ako lalo sa good news ni Mrs.  Cruz.  Tahimik lang kaming naghihintay sa kasunod niyang sasabihin. 

"So,  alam niyo naman diba na may nalalapit tayong Interschool Competition next school year .  Naisip ng mga guro na kayong dalawa ang isasabak namin.  "

Tumango lang ako at wala namang reaksyon ang isa.  Sanay naman na akong sumabak sa mga competition at proud ako dahil ako lagi ang nanalo.  

Tiyak na matutuwa na naman si Tiya at sila Nanay sa ibabalita ko.

Expected ko na ako ang isasabak dahil ako lang naman ang top 1 since first year sa paaralang ito. 

Nag-aaral ako ng mabuti kahit na mahirap pakisamahan ang mga mayayamang kaklase ko. Binabalewala ko na lang ang mga tukso nila, sa halip ay nagsusumikap akong mabuti sa pag-aaral.  Pinapakita ko sa kanila na kahit mahirap lamang ako,  kaya ko silang taluning mayayaman sa aspeto ng academics. 

Ngunit nagtataka ako kung bakit isasabak rin si Kill, na ang kasa kasama ko naman nuon sa kompetisyon ay ang pinsan niyang si Gio dahil ito ang sumunod sa akin sa Ranking.

Hmm. Baka siya na ang pumalit sa puwesto ni Gio.  Balita ko rin ay matalino ito at graduate ngang first honor noong Elementarya. 

"Pag napanalo niyo ang Inter School, expected na ang Regional at pagnapanalo niyo iyon ay mas mabibigyan ng pride ang ating eskwelahan pag nakatuntong kayo sa National.  Alam ko naman na gagalingan niyo. Sa record niyo pa lang dalawa ay hindi pa kayo natatalo sa mga nasalihan niyo noong elementary kayo. "

Masyado naman atang confident si Mrs.  Cruz kay Kill eh baguhan pa lang naman ito sa paaralan.

" Ang pangalawang good news ko ay dahil sa nalalapit na ang recognition, at natapos na rin ang exam sa fourth quarter.  Gusto namin na magbigay kayo ng kaunting encouraging speech sa mga kabatchmates niyo.  "

Walang problema.  Ako yata ay magaling sa paggawa ng speech.  Napangisi ako sa aking isipan.  Hmm.

"Bilang ang first honor natin ngayon ay si Kill at top 2 natin ngayon ay ikaw Faie-"

Oh. Expected na naman na first ako.  Wait. What? 

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.  Si Kill ang first? 

Never in my whole life na second lang ako. I need to clarify this one. 

Ang kaninang ngiti kong real na real ay napalitan na ng kaplastikan. 

"Ano po? Siya po ang first?  I'm sorry maam but can I see our final grades and the calculations? "

Parang nainsulto pa ata si Mrs.  Cruz sa sinabi ko. Pagalit niyang inilapag ang class record at inexplain sa akin kung saan siya mas lamang.  Point 15. Just a point at nawindang na ang sistema ko. 

Ang pinaghirapan kong records ng first. 

"Is it all clear to you now Ms.  Agustin? You should still be happy kasi you are on top. As I was saying dahil si Ashneel ang TOP 1-"

Badtrip rin itong si Mrs.  Cruz. May pause talaga sa Top 1. Napatango na lang ako kahit masakit sa loob. 

"At ikaw ang TOP 2-"

Idiniin talaga ang top 2 na word. 
Napabuntong hininga ako at tinitigan ng masama si Kill.

"Inaasahan namin ang speech ninyong full of encouragements.  Yun lang at pwede na kayong makaalis.  "

Peke akong ngumiti kay Mrs.  Cruz at magalang na nagpaalam habang ang isa naman ay walang pakealam na lumabas.  Tss. What do I expect? 

Nang makalabas na kami at medyo nakalayo layo na sa Faculty Room. The halls are still empty. Sinigaw ko ang pangalan niya. 

"Ashneel Quillon!  Hoy! "

Antipatiko. Limang beses ko pang pinaulit ulit ang pagtawag sa pangalan niya bago bagot na lumingon sa akin. 

"Tatalunin kita!  Next school year, I will make sure na ako ulit ang i-a-announce na top 1! I will bring you down! "

He just gave me another bored look at nagpatuloy lang sa paglalakad. 

"Mark my words.  You may have defeated me now but the next time,  I will really fight hard to beat you!  I am always the winner.  Pangalan ko pa lang.  Panalong panalo na!  Faiza means Winner, Eloise means great warrior!  Remember my name!  Faiza Eloise Agustin!  "

Napatigil siya sa paglalakad at bigla na lamang itong humalakhak. I am shookt.  Ang gwapo sobra pag tumatawa. 

What the.  I'm appreciating the enemy.  Pinilig ko ang ulo ko.  Focus Faie. Focus. 

"You see Ms.  Faiza Eloise Agustin aka number two,  second place.  I am Ashneel Quillon Hafner. Ashneel means The best or Unbeatable and Quillon means strong.  Remember my name . See.  Pangalan ko pa lang.  Hindi mo na matatalo. Ashneel = Unbeatable.  "

Naginit ang ulo ko sa sinabi niya.  I'm speechless. I'm angry at his smirk kasi kahit iniinis ko na siya I still find him handsome.  Whatever. I decided to walk out. 

"Bye bye Ms. Winner na second lang! "

Narinig ko pa ang halakhak na naman niya bago ko tuluyang malisan ang first floor hallway.  Damn that guy.

Heritier Series: FoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon