Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ako at nagwawalis na ng bakuran namin. Nakakatakot pag si Nanay ang gumising sa akin. Tiyak sasakit lang ang ulo at tenga ko. Alas otso pa naman ang oras ng pasok ko sa isang prestihiyoso at pribadong paaralan kalapit lang ng subdibisyong aming tinitirhan - Heritier Heights.
Heritier Heights, lugar kung saan nakatira ang mga mayayamang tao sa aming siyudad. Pinakamalawak na subdibisyon, mansion o halos mala palasyo ang bahay dito. Dito kami nakatira ng aming pamilya, hindi dahil sa kami ay mayaman ngunit dahil kami ay nagsisilbi sa bahay ng aming kamag-anak. Mayroon rin namang mga mahihirap na nakakapasok sa subdibisyong ito, kagaya namin ng aking pamilya na serbidero at serbidera ng mga mayayamang pamilya.
Ang aking Tiya Lorie ay may malawak na lupa sa subdibisyong ito. Hindi kalayuan sa kanilang mansion ay nakatayo ang aming simpleng bahay. Sa tingin ko nga ito lang ang nakakasira sa tanawin ng subdibisyong ito. Si Tiya Lorie ay pinsan ng aking ama. Kwento ng aking ibang mga kamag-anak ay lumaki si Ama sa isang mayamang pamilya subalit sumuway siya sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang at nagpakasal salabandera slash serbidera ng kanilang pamilya kaya siya ay tinakwil.
Malaki ang utang na loob ng aming pamilya sa pamilya nila Tiya Lorie dahil sa lahat ng aming kamag-anak namin, tinanggap niya kami at maganda ang pagtrato nila sa amin.
"Faie, magbihis ka na at sasabay ka pa naman sa mga pinsan mo sa pagpasok sa paaralan. Tawagin mo na rin ang kapatid mo at ng tayo ay sabay sabay ng mag-agahan."
Sa pagkarinig ko sa boses ni Nanay ay mabilisan kong isinilid lahat ng mga nahulog at natuyong dahon sa itim na garbage bag.
Pumasok agad ako sa kwarto namin ng aking kapatid na si Amari. Naginit ang ulo ko dahil naabutan ko pa itong nakatunganga.
"Ano ba naman yan Amari. Dapat ay tapos ka ng maligo. Ni hindi ka na nga pinapaglinis ng umaga. "
Inismiran lang ako. Wala talagang respeto ang batang ito sa akin. Apat na taon ang pagitan namin.
"Maeve Amari, bahala ka na. Pagkatapos kong magbihis at hindi ka pa tapos iiwan talaga kita."
Padabog naman itong tumayo at pumasok sa CR. Ugh. Ang sarap tirisin ng kapatid ko. Akala mo naman kung sino. Gustong magbuhay prinsesa eh serbidera lang naman kami. Napa ka bratinellang bata!
Nagbihis na ako ng aking uniform at madaling naghanda ng aking mga gagamitin. Napatingin ako sa aking wrist watch na bigay ni Nanay noong graduation ko. Regalo niya ito dahil first honor ako. Sa parehong paaralan pa rin naman ako nag-aaral ngunit sa ibang lokasyon nga lang dahil nakabukod ang elementary at high school building ng paaralan.
Ang siste ihahatid na muna ang kapatid ko at ang isa ko pang pinsan na kaedad lang ni Amari at pagkatapos naman ay kami ng pinsan kong si Collete. Magkabatch lang kami ni Collete at close kaming magpinsan. Tipong maituturing ng magkapatid.
"Nay! Tay! Uuna na po ako. Hindi na po ako sasabay sa agahan. Alas siyete na po ng umaga. Tay kayo na lang po maghatid kay Amari at ba ka kami pa ay mahuli ng dahil sa kaniya."
Pagdating ko sa bahay ng pinsan ay mabilis akong nagmano sa aking tiyahin at tiyo na nagaalmusal. Inalok nila akong kumain muna ngunit nahihiya ako sa pinsan ko na patapos ng magayos kaya kumuha na lang ako ng dalawang piraso ng tinapay.
"You see couz. There's been rumors spreading na ang may magtatransfer daw sa school na mga pinsan ni Gio and they are handsome daw."
Kwento niya sa akin ng nakapasok na kami sa kanilang sasakyan.
Tumango lang ako hudyat na nakikinig ako habang nagkikwento si Collete sa akin. Hindi pa rin siya tapos sa pagkikilay. Because kilay is life for her.
"Tapos? Anong concern niyan sa atin Let? " I plainly replied. Ayaw kong pagtuunan iyan ng pansin. Studies first. I should always maintain being the first.
She rolled her eyes at me. Pagkatapos ay nagliptint na naman.
" Duh. Wala naman sigurong mali kung magkacrush tayo. " Depensa niya sa pambabara ko.
Napakamot ako ng bahagya sa ulo ko.
Wala akong kuto ha. Kaso heto na naman kami sa pagpupumilit niya magkacrush ako.I don't want to divert my attention to such nonsense matters.
"Bata pa tayo Let. Bawal muna. Aral muna bago landi. "
Nagkibit balikat lang siya . Sanay na siya. I'm too frank. Walang filter ang bibig. Too honest.
" Sinabi ko bang jowain natin? Crush lang naman! " She insisted.
Natanaw kong malapit na kami. Kaya inayos ko na ang mga gamit ko. At tinulungan ang pinsan ko sa pagaayos ng kaniyang gamit.
"Alam mo. Huwag na nating pagusapan yan. You know me and my principles. "
Bumababa na kami sa sasakyan at pumasok na sa school.
People are polite to us. First and for all dahil maganda ang pinsan ko at dahil matalino ako.
In my own perspective I can say na hindi ako maganda. Para sa akin ah.
I'm too plain. Nothing much special. Hindi gaya ng pinsan kong pansinin.
Habang naglalakad kami patungo sa aming silid aralan I can clearly hear that the hot topic ay patungkol sa pinsan ni Gio.
Hay. Ano ba ang makukuha nila pagpinagusapan nila ang mga lalaking iyon. Better not mind that tho. Not mind them tho.
BINABASA MO ANG
Heritier Series: Fought
Teen Fiction"Up until the end, I will fight with you and I will win." "But surely not even a hundred or million fights could make me hate you. "