" Alas dose na pala ng hatinggabi." busal ko habang nakatunghay sa malaking orasan.
Kaninang alas-nwebe pa ako nagsimulang manood ng mga nakakatakot na pelikula.
Naging panata ko na ito bilang pag alala sa aking namayapang kaibigan na si Angelika.
Tatlo kaming magkakaibigan noong kami'y nasa high school pa lamang. Ako, si Maimai, at si ANGELIKA!
Sa aming tatlo, si Maimai ang pinakamatalino. Lagi siyang nilalaban sa mga akademikong kompetisyon. Madalas din itong nagkakamit ng mga medalya. Wala na ngang mahihiling ang mga magulang niya sa kanya dahil bukod sa matalino na ay hindi pa rin sumasagi sa isipan nito ang pagkakaroon ng nobyo.
Ako naman si Anne. Ako yung tipong mahiyain sa mga hindi ko talaga kilala. Madalas ay nasusungitan ko ang mga tao na nagtatangkang lumapit at kumausap sa akin. Kung kaya't itong dalawang napakagandang mga dilag ang palagi kong kasama at natatangi kong mga kaibigan.
At huli naman ay si ANGELIKA. Siya naman iyong tipong ganda lang pero kinulang sa utak. Siya iyong mahinhin at mahiyain kung kaya't ganun na lamang ang aming gulat nang magkaroon ito ng nobyo.
Mabait ang nobyo niyang si Glenard, maalalahanin, maalaga, at mapagmahal. Natunghayan namin kung paano sila magmahalan. Tumagal sila ng higit sampung taon at naniniwalang may forever. Masaya silang dalawa na nagsasama pero hindi naman maiiwasan ang tampuhan.
Isang araw nagplano kaming bumisita kay Angelika. Halos ilang buwan na rin kasi ang lumilipas noong huli itong magparamdam. Lahat ng social media account niya ay deactivated rin. Tinext din namin siya pero walang mga reply.
Bumili kami ng mga prutas at pagkain para pagsaluhan sana naming tatlo.
Nang malapit na kami sa tahanan nina Angelika at Glenard ay may lumapit sa amin na babae na sa tantsya ko ay mga nasa 70's na.
"Mga ija, makikitulungan naman nung babaeng nakatira dyan." sabi ng matanda sabay turo sa bahay nila anggee.
"Bakit po lola?" tanong ni maimai dahil nga hindi naman ako sanay sa ibang tao diba.
Pagkasabi nun ni Maimai ay bigla na lang naglakad palayo ang matanda. Tss.
Nang makarating na kami sa bahay nila, binalak na naming kumatok nang mapansin naming nakaawang ito at hindi nakakandado.
Dahil sa matalik naman naming kaibigan ang mag-asawa ay dumiretso na kami sa pagpasok.
Madumi ang bahay, nagkalat ang mga gamit at may kakaibang amoy na sumasakop sa maliit na espasyo nang kanilang bahay. Amoy------
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nabubulok.
.
.
.
.
Na katawan ng tao? mas masangsang pa sa patay na daga e. Tsk.Dumapo ang aking paningin kay maimai na hindi alintana ang mabahong amoy na yun.
Nasaan na ba si Angelika? Ba't naman ang kalat ng bahay nila? Siguro ay nagwala nabaman anh asawa niya.
Nabalitaan namin nito-nito lang na nawalan trabaho ang asawa nitong si Glenard. Bukod pa doon ay namatay din ang mga magulang nito. Pinatay ng mga pulis dahil daw adik daw ang mga ito.
Pasalamat nalang kami at hindi nito kayang pagbuhatan ng kamay ang kaibigan namin. Dahil bukod sa problema niyang iyun ay napag alaman niyang baog ang asawa niya at hindi na sila magkakaanak pa.
"Angelikaaaaaaaa! May dala kaming mga pagkain ni Anne o. Halika na! Nasan kaba? Tulungan ka na din naming magligpit dito." sigaw ni Maimai
Nangingilabot ako sa lugar na ito. Pagtungtong pa lamang namin dito ay nagtaasan na ang mga balahibo ko ngunit parang taliwas ito sa nararamdaman ni Maimai.
Sa sobrang kaba at kilabot ay nagpaalam muna akong magbabanyo.
"Sige, bilisan mo. Maglilinis pa tayu. Hindi 'to kaya lahat ni Angge." bilin ni Maimai.
Dali-dali kong tinungo ang kanilang banyo. Makipot ang daan patungo doon, at napakadilim. Kinakapa ko ang pader nila at nagbabakasakali na may switch dito ng ilaw.
Sa pagkakakapa ko ay may nahawakan akong kung ano pero hindi ito switch. Hinawakan kong maigi parang-
.
.
.
.
.
.
Parang
.
.
.
.
.
.
Kamay! Kamay ng babae .Agad ko itong binitawan at dumiretso na sa banyo, bago pa ako tuluyang maihi sa panty ko nang wala sa oras. Kadiri!
Hindi pa ako nakakaratong sa banyo nang parang may tumatawag sa pangalan ko. Pabulong.. Mas lalo akong nahintakutan at mabilis na lumakad.
Nang makarating ako sa banyo ay bumuga ako ng hininga dahil sa wakas ay makakaWiWi na rin ako. Kinapa ko ang switch ng ilaw at bumukas naman ito.
Dahil sa ilaw ay kitang-kita ko kung gaano kadumi dito. Naglulumot ang sahig at maging ang mga pader nito.
May napansin akong kulay pula sa sahig na sa wari ko'y dugo. Hindi na ako nagtala dahil baka niregla lang si Angge.
Binuksan ko ang gripo, dahil walang tubig sa balde. Amoy malansa ang tubig na dumadaloy sa gripo nito. Rinig na rinig bawat patak na umaalingawngaw pa sa buong espasyo.
Sinilip ko ang toilet bowl. SHIT! may floating yellow submarine. Geez, pero hindi ito ang nagpakilabot sa akin kundi ang makapal na buhok ng tao, mahaba ang buhok nito at makapal na kulot. May mga maliliit din na insekto ang nakapalibot dito.
Tinungtong ko ang paa ko sa bowl dahil hindi ko maatim na idikit ang aking churva ek ek ( pwet ) sa napakaduming bowl na yan.
Kasalukuyang lumalabas ang ihi galing sa aking pems nang biglang nagpatay bukas ang ilaw. Parang mapupundi pa ata, kung minamalas ka nga naman. Tss.
Nag madali akong tumakbo palabas ng banyo pabalik sa kinaroroonan ni Maimai.
Naabutan ko siyang may kausap at sa hubog ng katawan nito ay sigurado akong si Angelika ito. Payat na payat at aakalaing dingding sa sobrang flat. Pero MAGANDA.
Habang palapit ako ng palapit ay napansin kong parang may panot ang kaibigan namin sa bandang gitna ng kanyang ulo. Wala na itong buhok at tanging anit sa parteng ito ang matatanaw mo.
Tumakbo ako papunta sa kanila.
"O? ba't pawis na pawis ka?" tanong ni Maimai.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa nakikita ko ngayon.
Si Angelika!
.
.
.
.
.
.
Maputla at
.
.
.
.
.
.DUGUAN!
Umiiyak siya at humihingi ng tulong sa akin. Bakit hindi nagtataka si Maimai sa itsura niya? Bakit hindi niya naririnig na humihingi ito ng tulong? Naguguluhan ako! Bakit siya duguan?
Madiin akong napapikit nang maalalang tinatanong pala ako ni Maimai at sa pag babaka sakali na rin na baka bumalik ang totoong itsura ni Angge.
Pagdilat ko ay ganun pa rin ito. Duguan at luhaan. Wasak ang mga damit at walang
.
.
.
.
..
Mata?
SHIT!
Tinitigan ko ito ng halos 10 segundo nang biglang rumehistro ang malagim na sinapit ng aming kaibigan.
Kitang-kita ko kung paano siya pinatay ni
GLENARD. Asawa niya!
~~~~~~