Naglalakad akong mag-isa sa kalagitnaan ng gabi.
Nakakainis! Sabi kasi ni mommy susunduin ako ni kuya i, kaso yung lalaking yun talaga walang pakialam sakin, matanda na daw kasi ako. letse!Napadaan ako sa isang eskinita na may isang maliit na bumbilya na siyang nagsisilbing ilaw sa daan. Biglang umihip ang isang napakalakas na hangin at napakalamig nito, dahilan para tumindig ang aking mga balahibo. Sino ba naman hindi matatakot sa lugar na'to, i kahit isang tao walang dumadaan.
Habang patuloy akong nag-iisip kung paano ako makakaalis agad sa lugar na ito ay may naaninag akong isang napakapamilyar na katawan, likod pa lamang nito ay alam ko nang sya ito.
Agad agad kong dinial ang numero niya, makalipas ang lima pang ring nito ay sinagot na nya,
"Wim, ikaw ba'tong nakikita ko ngayun? - sabi ko na may halong pagka excite, dahil sa wakas ay makakaalis na ako sa madilim na lugar na ito.
Kinilabutan ako sa sinagot niya sa tanong ko. "Hu? Nasaan kaba? Nandito ako ngayun sa kwarto ko." walang gana niyang sagot na halatang kagagaling lang sa tulog.
Aalis na sana ako nang biglang... Natulala nalang ako sa nasaksihan.
Nabitawan ko ang teleponong hawak ko nang makitang may kahalikan ang lalaking ito!Aha! Sinasabi ko na nga ba i! Kaya pala nung nagpapasundo ako ay busy daw siya, at kaninang pagtawag ko ay nasa kwarto daw siya at nagpanggap pang kagigising lang. E tanaw na tanaw ko siya kung paano niya lapain ung babaeng iyun i.
Sinunggaling! Sabi niya mahal niya ako. Mahal niya ba ako dahil sa pera ko? O mahal niya ako dahil sa napaka seksi at napaka kinis kong katawan?! Kainis! Tss. >_______< tss. -_-
Sa galit ay biglang nandilim ang aking paningin, nakakita ako sa gilid ng isang bote ng alak, na parang sinasadya na makita ko. Sa inis ko ay binasag ko ang bote at sinigurado na patusok ang hugis nito. Unti- unti akong lumapit sa kanila tago tago ang basag na bote sa aking likuran.
"Excuse me, Magtatanong lang sana ako." saad ko, sabay ngiting aso.
Kung nakamamatay lang ang mga titig ay patay na ang mga hayup na ito. Bakas sa makapal na mukha ng lalaking iyon ang pagkagulat at pagkatakot, namutla siya nang makita ako sa harap niya.
"Wim, I'm s-so-rr..."
Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay itinarak ko na ang bote sa bunganga niya.
Hindi ko alam kung dahil ba sa galit ay, nagagawa kong masiyahan na makita kung paano tumatalsik ang mga dugo galing sa napakadumi niyang bunganga.
Hindi ko maatim na ang dating labi na dumikit sa akin ay may nahalikan nang iba! Gross. -_-
Dahil doon, ay mas minabuti kong ibaon pa ng bahagya ang bote sa kanyang bunganga na nagbunga nang walang hanggang pagbuhos ng dugo galing dito.
Biglang bumaling ang mga mata ko sa kanyang dila na ngayun ay nakalawit nalang sa kawalan.
Hahaha! Napatawa nalang ako nang maalala kung paano niya ginamit ang dilang iyan para bolahin ako at gamitan ng mga mabubulaklak na salita, na siya namang nagtulak sakin upang makamit niya ang matamis kong oo.
Binuklat ko ang dala kong bag, naalala ko may dala pala akong packed lunch kaya mayroon ako ditong kutsara, tinidor at KUTSILYO!!