Angelika's POV
Nagugutom na ako! Wala namang pwedeng kainin dito sa kusina namin kundi ang mga langaw at mga ipis at daga. Pero duh! Hindi ako kumakain nun 'no!
Nitong mga nakaraang linggo kasi parang nagbago na si Glenard.
Gabi-gabi umuuwi siyang lasing at pagkain agad ang hinahanap, paano ako maghahanda ng eh wala naman syang binibigay na pambili, wala rin naman akong pera dahil ayaw niya akong pagtrabuhin.
Alam ko sa sarili ko na may hindi magandang nangyayare kay Glenard, mabait siya at alam kong may kung ano sa likod ng kaganapang ito.
Nagsimula lamang ito nang maggaling siya sa burol ng isang kaibigang si Vincent, ito ay kilala na niya mula pagkabata. Namatay ito dahil sa komplikasyon sa atay dahil ito'y lasenggo at adik.
Madalas din nitong pagbuhatan ng kamay ang asawa at mga anak, kung kaya't wala daw bahid nang pagkalungkot at pagluluksa ang natirang mag anak.
Simula noong nanggaling siya sa burol na yun ay nag-iba na siya. Laging balisa at tulala, parang nakakakita ng multo ang kanyang itsura at nilagnat siya ng pagkataas-taas.
Kinabukasan galing niya sa lamay ay ayos na siya, walang lagnat at hindi balisa. Ngunit nag-iba ang bawat kilos, galaw at salita niya.
Kung dati ay ginigising ako nito sa pamamagitan ng halik at yakap, ngayon ay kinakalampag niya ang pinto sa kwarto.
Madalas ay malambing ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya, ngayon ay puro mabibigat at masasakit na salita ang sinasabi niya. Minsan ay minumura niya pa ako.
May nakausap nga ako na isang albularyo, hindi ko naman sinasadyang ikwento sa kanya ang nararanasan ko sa asawa pero gusto ko lang talaga ng makakausap.
"Galing kamo ang asawa mo sa burol bago siya nag kaganyan?" tanong ni Aling Josephine
Tanging tango lang ang naisagot ko.
Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Kilala si Aling Josephine sa mga paranormal na gawain kaya natatakot ako na baka maiugnay niya si Glenard sa mga espiritu.
"Pagka galing niya ba sa burol ay may dinaanan pa siyang iba?" tanong niya uli.
Umiling ako. Hindi ako makapagsalita, natatakot ako na baka nga may kinalaman ang pagpunta niya sa buroo na yun sa nangyayare sa kanya.
"Narinig mo na ba na maaaring sumanib ang espiritu ng bagong patay sa taong sobrang bait? Marahil ay gusto nitong malaman kung ano ang klase ng buhay ng taong mapipili niya. Kapag natagpuan na nila ang kulang sa pagkatao nila ay lalayas na sila nang matiwasay. Ngunit----" may kilabot sa bawat salitang binabanggit niya.
"Ngunit kapag mahina ang katawan na kaniyang pinasukan ay madali niyang mababago ang buong pagkatao nito bilang sila. Ang mas malala ay mananatili itong ganito kung magpapatalo siya sa presensya ng masamang espiritu."
"Gaano mo kakilala ang iyong asawa?" dagdag niya pa.
"Sobra po. Sobrang kilala! At ngayon ay alam kong hindi na siya ang asawa, marahil ay naging mahina siya kaya natalo siya ng espiritu ni Vincent." sabi ko
"Kay cloud? Paano mo nasabing kay Vincent ang espiritung pumasok sa asawa mo?" naguguluhang tanong niya.
"Kababata ng asawa ko si Vincent kung kaya't nakilala ko rin ito. Lasenggo, adik at palaging nagwawala. Ayun ang mga katangian niya na nakikita ko ngayon kay Glenard. Mabait si Vincent, pero dahil nasira na rin sa bisyo niya ay napagbubuhatan niya ng kamay ang asawa't mga anak niya."
Hindi na maiwasan ang aking panginginig habang nagkukwento ako.
"Ang kinatatakot ko ay-----" dagdag ko pa.