SIGURO-PART XLVII

1.7K 74 4
                                    

SIGURO-Part XLII

LEROY

"Tahan na, Leroy." Sabi ni Inake habang yakap nila akong apat.

"Masakit pala." Sabi ko sabay tawa at nagtatakbo ako palabas sa Disco Bar at hinanap ko si Art at nakita kong nakaparada ang kotse niya sa kabilang kalsada kaya't madali pa sa alas tres na tumawid ako ngunit hindi ko inaasahan na may yayakap mula sa likod ko.

"S-sabi ko na nga ba, e. Hindi mo ako matitiis." Boses ni Art.

"Narinig ko lahat, Art. Kailan mo pa ako niloloko?" wika ko.

"Niloloko? Hindi kita niloko kahit kailan." Aniya at nagkaharap kaming dalawa.

"H-hindi mo ako nilolok? Eh, ano 'yong pregnancy test na nakita ko sa pantalon mo? Si Cathy? 'Yong pagpunta mo sa Condo niya? Ngayon mo sabihing hindi mo ako niloloko!"nangingiyak-ngiyak kong paliwanag. Bakas sa muka niya ang pagkagulat kaya laloa akongb nawiwindang na baka nga totoo.

"Hayaan mong bukas ko sabihin lahat sa'yo. Pangako, hindi kita niloloko." Ang sabi ni Art na nangingiyak-ngiyak.

"Bakit hindi pa ngayon?" Bakit hindi pa ngayon!" sigaw ko at nakita kong nakatingin sina Inake, Ethan, Ralp at Jet mula sa malayo habang si Art naman ay napipi.

"Kasi hindi mo'ko papaniwalaan ngayon kapag sinabi ko sa'yo. Nakainom ka ng alak." Paliwanag niya.

"Bakit nga hindi pa kasi ngayon, Art!" sabin ko at bigla na lamang niya akong niyakap at kumalas ako.

"Aasahan ko bukas ang paliwanag mo, Art. Mahal kita at alam mo 'yan." Sabi ko at hinalikan niya pa ang kamay ko bago ako bumalik kay na Inake.

"Asahan mo. Mahal na mahal kita!" at umalis na siya.

--

"Tama 'yan, Leroy. Paghirapan niya ang sorry mo." Si Ralp ang nagsalita.

"Ayoko nalang munang pag-usapan." Sabi ko at ayon na nga ang ginawa nila. Hindi na kami bumalik sa loob dahil sa gulong nagawa namin doon kaya't humanap kami ng videoke bar at mabilis namin iyong nagawa dahil dikit-dikit lang naman ang mga bar sa lugar na ito.

"Ganyan talaga kapag nagmamahal. Laging kabuntot niyan ang salitang sakit na hindi mo maiiwasan." Si Jet na tumatagay ng alak na tila ba alam niya lahat ng nararamdaman ko.

"Tama 'yan, bro." Ang dagdag pa ni Ethan.

"Ayos ka lang ba talaga, Leroy? Pwede naman na umuwi na tayo kapag hindi ka okay." Nag-aalala niyang tinuran. Kilala talaga ako ni Inake. Alam na alam niya ang mga dapat at hindi para sa akin. Kaya kahit na alam kong may isa akong masasandalan na gaya niya sa oras ng problema.

"Inake, okay lang talaga ako.. H'wag niyo akong intindihin, guys. Mag-enjoy nalang tayo sa gabing 'to." Pilit na ngiti kong sabi.

"Sabi mo 'yan, bro." Si Ralp at Ethan ang sumagot.

Sa paglipas ng mga oras ay napakarami na rin ng alak na nainom namin. Hilo na rin ako at halos bagsak na rin ang talukap.

Walwal na nga yata itong totoo dahil nag-aagawan na rin sila sa mic at kahit gusto kong ngumiti ay hindi ko magawa dahil ayokong plastikin ang sarili ko.

"Uwi na tayo." Yaya ko at nagbayad kami agad ng bill. Sakto naman na hindi pa lasing si Inake kaya't nagsiksikan kami sa loob ng kotse niya. Ako sa tabi niya at 'yong tatlo sa likod.

"Ingat sa pagmamaneho, Inake." At ipinikit ko na ang aking mg mata.

---

Sa apartment tumigil si Inake at inabot ko sa kanya ang susi ng gate at pinto at sunud-sunod na pumasok sina Ethan, Jet at Ralp at bumulagta sila sa salas habang si Inake naman ay sa kwarto ko pinatulog dahil sa sofa ako pumuwesto

Sa kalagitnaan ng pagtulog namin ay naalimpungatan ako dahil naririnig ko si Inake na nagsasalita at umiiyak.

"Sa dami naman kasi ng mamahalin mo, bakit hindi pa ako? Kaya ko namang pasayahin ka. Kaya kong maging mabuting boyfriend sa'yo. Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin kahit na katiting lang? Hindi ba pangalan ko ang tinatawag mo noong kailangang-kailangan mo ng iiyakan? Sa akin, kapag ako ang minahal mo, hindi ka iiyak dahil mahal kita, Leroy. Hindi mo lang ba napapansin 'yon? Sorry kung nagsinungaling ako tungkol sa nangyari noong gabing umuwi ako galing Cebu. May nangyari sa atin at hindi ako nagsisis dahil pangalan ko ang tinatawag mo habang ginagawa natin iyon. I love you, Leroy kahit na na napakamanhid mo. Mahal na mahal ka ng bestfriend mo." Narinig ko ang paghikbi at naramdaman ko rin na hinalikan niya ako sa pisngi at hindi ko alam kung bakit pumapatak ang luha ko.

Hindi ko gustong saktan si Inake pero mahal ko si Art at alam ko iyon sa sarilin ko. All these time pala may gusto ka sa akin, Inake... Bakit hindi mo sinabi?

"Partawarin mo ako, Inake.. Naging selfish at insensitive ako sa nararadaman mo. Hindi kita inisip. Sana ikaw na lang ang minahal ko.. SIGURO... hindi ako nasasaktan ng ganito.." Bulong ko sa isip ko habang nararamdaman ko ang paglalakad niya palayo.

To be continued!

SIGURO(BXB 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon