SIGURO-PART LI

2K 83 13
                                    

NOTE: Hirap na hirap talaga akong tapusin ang istoryang ito lalo na't mahal na mahal ko ang mga karakter na ginamit ko sa istorang ito. 'Yong tipong kahit hindi ganoon kadami ang votes ay masaya na ako sa mga comments na nagpapataba ng puso ko. Though hindi ko maiwasang isipin kung bakit kailangan na magwakas ang SIGURO, kailangan ko iyong gawin dahil hindi lahat ng bagay ay permante. Sapat na 'yong mga sagot ng mga napagtanungan ko at ang puso ko ang magde-decide para sa next update ko :) Muli, I want to read your comments here kung SOLID PAGER kabang talaga..

SIGURO-Part LI

LEROY

Magkahalong kaba ang aking naramdaman nang sandaling makita ko ang aking pangalan sa listahan ng mga laude. Nakakatuwa lamang isipin na ang bunga ng aking pagsusunog ng kilay ay matutumbasan na ng tamang bunga. Ngunit sa kahit pala matalino ka na ay may mga bagay ka pa rin na dapat malaman.

Gaya na lamang ng aking isipan at puso na madalas na nagtatalo. Mahal mo 'yong tao pero hindi mo maibigay ng buo dahil may something strange na pakiramdam na gumugulo. Mga ganoong lohikal na bagay.

"See? Lahat ng paghihirap ay nagbubunga ng maganda." Iyan ang bungad sa akin ni Sir Escosa na nasa likod ko pala.

Napatawa na lang ako bago nagsalita.

"Mana po sa inyo, Sir."

"No. You are unique on your own, Leroy. Simula pa lamang noong una kitang makita, alam ko na na may potential ka sa maramingbaspeto ng buhay. Kaya naman, keep it up!" aniya.

"Thank you po, Sir!" masaya kong tugon.

"You're always welcome, Leroy. Congratulations uli!" aniya pa at hindi na ako hinintay na makapagsalita dahil mabilis pa sa alas singko na naglakad si Sir palayo.

"Ingat po, Sir!" iyan ang naibulalas ko bago ako umalis at magtungo sa room namin.

Nagdoon ko nakita ang aking mga kaklase na masayang-masaya habang nagsusulat sa damit ng bawat isa.

Unang bumungad sa akin si Faith na may hawak na marker at walang isang segundo ang lumipas ay agad niya akong sinulatan sa kwelyo ng aking suot na polo at nang basahin ko iyon ay nakasulat ang: BSBA IV-A <3

At ako naman ang nagsulat sa kanya gamit ang market ko.

"God bless!- Leroy <3"

"Conrats! Ga-graduate na tayo for real!" aniya at niyakap pa ako.

"Sa'yo din, congrats! Reality na ang sunod after college." Sabi ko naman pabalik.

"Oo nga e. Kayang-kaya natin 'to. Magkakahiwalay lang ang section natin pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na tayo magkakaibigan. Still, tayo pa rin 'yong 1A na nag-angat sa college natin."

"Drama! Haha. Pero all these years, hindi natin namamalayan na ang bilis pala talaga ng oras. Kaya Faith, congrats sa'yo at sa inyo ni Michael." Ako naman.

"Pagbigyan mo na. Ga-graduate na tayo e." At doon ay dinumog ako ng 4A na dati kong naging mga kaklase noong unang linggo ng first semester ko.

Mayroon pang nagbigay ng flowers at chocolate at halos mapuno ang ibabang parte ng damit ko ng puso dahil sa mga message nila. Nakakatuwa lang isipin na may nag-aadmire pala sa akin kahit papaano.

"Kyahh! Kyahh! Pembarya!?" natatawang sabi ng dati kong mga naging kaklase at hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ako pumiglas at ngumiti lang ako at doon ay sunud-sunod na ang humalik sa aking pisngi.

"Gwapo, matalino at mabait, sa'n ka pa? Lodi!" sabi ni Jerome at nahiya ako ro'n bigla.

"Hindi naman." Tatawa-tawa kong tinuran.

"Lodi, pasulat na, ha?" at doon ay nagsulat si Jerome sa damit ko ng : Good luck sa new journey mo after college.

At kahit ako man ay nagsulat din ng mensahe ko sa kanya.

Halos puno na ang aking damit at lahat na ng kaklase ko ay nakapagsulat sa aking damit. Nakapagsulat na rin si Art ng malaking locked at initials niya bago nagpaalam na magsosolo raw muna siya at mag-iikot sa campus.

"Mag-ingat ka." Ang paalala ko bago siya humalik ng mabilis sa pisngi ko at nagtatakbo.

"Opo!" sigaw niya at pinagmasdan ko na lamang siyang makalayo sa aking paningin.

Ang ganda na sana ng araw na ito pero hindi ko alam kung bakit tila ba may kulang pa rin. Hindi ko itatanggi pero hinahanap ko si Inake.

Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip pero wala rin naman akong magawa para i-divert ang atensiyon ko sa iba. Masyadong masakit ang mga bagay bagay na nangyari. Hindi ko pa rin kasi siya nakakausap. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang maramdaman ito.

"Anong iniisip mo, Mr. Santos? Missing something or maybe someone?" ang sunud-sunod na tanong ni Ma'am Priza na teacher ko dati sa Capital Market at sa Accounting.

"Honestly speaking Ma'am, I'm torn Priza na teacher ko dati sa Capital Market at sa Accounting.

"Honestly speaking Ma'am, I'm torn Priza na teacher ko dati sa Capital Market at sa Accounting.

"Honestly speaking Ma'am, I'm torn apart at this very moment and I don't know kung sino pong pipiliin ko. Ang bestfriend ko na hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya kapag wala siya at kapag hindi ko siya nakikita o ang current relationship ko na hindi ko na pinag-alayan ko ng buhay kolehiyo ko? Ma'am... choosing between the two of them is pretty hard.." malungkot kong pagke—kwento.

"You know what, Mr. Santos? You already know the answer to your question. Ayaw mo lang makasakit kaya nahihirapan ka. Just follow your heart, Hijo. Life won't throw you that problem kung hindi mo 'yan kayang solusyunan. Basic na 'yan sa'yo." Sabi ni Ma'am at medyo tinamaan ako.

"S-salamat po, Ma'am! Tama nga po siguro kayo. Takot langb akong makapanakit ng iba," Saad ko.

"No problem. Oh, paano, Mr. Santos? I'll go ahead na.. See you!" masaya niyang sabi at nagpaalam na rin ako.

Makalipas ang ilang minuto ay talaga namang hindi mapakali ang aking paa dinala ako nito sa College of Tourism kung saan nakita ko si Inake na may kausap na babae at sobrang napakasaya nila. Hindi niya in-acknowledge ang presensya ko kaya naman napakasakit no'n para sa akin.

"Uy, congrats!" ang sabi ng dati kong kaklase noon sa Grade school na si Arvin at nagsulat din siya sa damit ko.

"Ikaw din! Ang pangit mo pa rin pero congrats!" at nagtawanan kami ng sabay ni Arvin. Hindi ko alam na magkaklase pala si Arvin at Inake na noon pa man ay mga kaibigan ko noong bata pa lamang kami. Who would have thought nga naman?

"Yabang nitong nerdy na'to!" at pabiro niya akong siniko kasi hindi ko pa nasusulatan ang damit niya.

At ganoon na nga ang aking ginawa. Nagsulat ako sa damit niya ng CONGRATS, ARVINONG PANGIT!- Leroy <3

At nagtawanan uli kami.

Matapos iyon ay nakita ko na siyang sumama sa lalaking nakaupo sa may bench kanina at sa pagkakalam ko ay sila noon simula pa noong first year college kami. Nakakamangha at nakakainggit lang sila. Ako kaya? Nakakatawa lang na iniisip ko iyon gayong may Art na nagmamahal sa akin.

"Leroy! Tara na!" ang wika ni Art at hindi ko na nakita si Inake pa dahil nauna na siyang umalis.

"T-tara!" Iyon na lamang ang aking naisagot at lumisan na kami sa naturang college.

Dear Tadhana,

SIGURO pa rin ba hanggang ngayon?

­­­To be continued!

SIGURO(BXB 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon