"The whole time na nandun ka hindi ka man lang nag text sakin ady. What do you want me to feel ah?" Galit na sabi ni cedrik sakin
Haaayyy napa roll eyes naman ako habang nakayuko na parang pinapagalitan ng tatay ko.
We are at the mall. We decided na wag na pumunta sa bday ni yan para makapag usap nakausap ko na din si yan naintindihan nya din.
Nasa foodcourt kami dun sa part na wala masyado tao
"Tapos ngayon hindi ka nagsasalita dyan? Ano ba naman ady. Stop being childish" dugtong nya na ikina init ng ulo ko
Okay relax ady. Kung papatulan mo yan lalo lang lalala ang away.
Huminga ako nang malalim bago mag salita
"Na dead batt nga ako. Alam mo naman yon na kahit hindi ko ginagamit phone ko nauubos charge right. I'm not childish okay. Ayaw ko lang magalit dahil lalo tayo mag aaway. We are here to fix things para hindi lumalala diba." Mahinahon ko na sinabi sakaniya pero galit parin expressions nya
"Pero sana nagtext ka man lang kahit minsan diba. Nasa bahay lang ako inaatake ng selos sa kung sino ng lumapit sayo. Hindi moko masisi dahil nandon yung dalawang lalaking pinagseselosan ko" sagot nya haaay ulit ulit nalang kami sa topic namin
"How many times do I have to tell you na wala ka dapat ikaselos sakanila? Bestfriends ko lang sila. Kahit ano mangyari hindi ko kinakalimutan na may bf ako" sagot ko gusto ko sana idagdag na hindi kagaya nya everytime may party silang pupuntahan feeling single sya. Hayyyyy
"You can't blame me. Bakit kasi hindi mo pa sila iwasan e. Madami kang kaibigan dyan bakit kailangan mo pa silang maging kaibigan" immature grabeeee naka ilang buntong hininga na ba ako. Now he's questioning me about my guy bestfriends. Kelan ba kami matatapos
"Okay una sa lahat wala naman sila masama ginagawa sayo. Bakit ba sobrang galit mo sakanila. Pangalawa ayaw ko sana manumbat pero super oa na dinamay mo na bestfriends ko. Pag may party ka pinupuntahan do you hear me complain? No diba. Third, I never ever forget na i have bf unlike you when you are with that angel na hindi mukhang angel. Alam mo ba gano ako nag seselos pag kasama mo siya? Hindi diba kasi you never care about what will I feel when other girls are around you. Fourth, stop being immature. Lagi mo lang iniisip sarili mo. Can you please atleast once, think about me. I'm too tired of this arguments. Araw araw nalang ba tayo mag aaway? Nakakasawa na cedrik."
"Nag sasawa kana pala e. Bakit hindi pa tayo maghiwalay" walang buhay nyang sabi napa sigh nalang ulit ako.
Fck. Why did I love this guy again? Mababaliw ako literal e.
"I love you cedrik alam mo yun diba. Kaya hindi kita nilet go kahit araw araw tayo mag away pero please remember na napupuno din ako. I will never know kung hanggang saan ang kaya ko. Mag usap nalang tayo ulit pag hindi kana galit. Uwi nako" sabi ko sabay kuha sa bag ko at tumayo na.
Ang tanga ko lang kasi habang naglalakad ako hinihintay ko na tumayo sya at pigilan ako.
Binagalan ko pa lakad ko just in case habulin nya ako.
But it never happen.
Paglabas ko ng foodcourt naiiyak nako sa sobrang bigat nang nararamdaman ko.
Ano ba tong pinasok ko. Masakit ah infairness.
Sana minsan intindihin nya naman ako. Ayaw ko umabot kami sa break up dahil alam ko ako lang masasaktan ng sobra.
Why do I fell hard to him? Sana pinigilan ko puso ko. Sana hindi ako nasasaktan ngayon.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love..
RomanceWhen it comes to love.. I always ended up with... right time having the wrong guy and wrong time with the right guy.. I always pray of having you as the right guy just us two in the right time.