CHAPTER TEN

1.9K 53 4
                                    

GUSTO nang murahin ni Omid ang sarili niya. Kung puwede nga lang siyang magwala nang mga sandaling iyon ay ginawa na niya.

Nang nagdaang araw pa siya nawawala sa sarili. Wala siya sa focus at palaging sablay ang mga ginagawa niya. Kanina ay sinabihan siya ni Coach Leigh na kapag hindi niya nai-kondisyon ang sarili ay aalisin siya nito sa First Eleven players na maglalaro sa Singapore Cup at ilalagay siya nito sa mga substitutes. At syempre, hindi dapat mangyari iyon kung gusto talaga niyang hindi malagay sa alanganin ang spot niya sa National Team.

Hindi naman kasi dapat siya magkaka-ganoon kung naging tapat lang siya sa sarili niyang damdamin. Kung naging matapang lang siyang harapin ang mga bagay na normal lang namang nangyayari sa mga tao. Ang kaso ay duwag siya. Kaya hayun ang napapala niya.

Magta-tatlong linggo na ang nakararaan nang kausapin siya ni Amani at Misagh. At ang topic? Ang madalas na pagsasama nila ni Lia at ang pagiging masyadong malapit nila sa isa't-isa. Deretsahan siyang tinanong ni Amani kung ano ang mayroon sa kanila ng matalik nitong kaibigan. At nang sabihin niyang magkaibigan lang sila ni Lia ay itinulak siya nito ng malakas at sinabing hindi ito naniniwala sa kanya.

Napapansin daw nito kung paano niya pakitunguhan at tingnan ang kaibigan nito. Nakikita din daw nito ang mga pagbabago kay Lia mula nang makilala siya nito. Hindi man niya naintindihan ang parteng iyon ng sinabi nito ay hindi na siya nagtanong. Doon din kasi niya na-realize kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa dalaga. Natatakot lang siya dahil nga alam niyang hindi katulad ng ibang babae si Lia. Madami itong hang-ups sa buhay at hindi pa naman talaga sila ganoon katagal na magkakilala at hindi pa din naman ganoon kadami ang alam nila sa isa't-isa. Kaya naman nang tanungin siya ni Amani kung ano ang intensiyon niya kay Lia at kung may balak ba siyang ligawan ito ay sinabi niyang wala. Siniguro pa niya sa kaibigan na iiwasan na lang muna niya ang kaibigan nito para patunayang wala itong kailangang ipagalala sa kung ano man ang mayroon sa kanila ni Lia. He even dated some woman he met at the bar to prove not only to his friend but also to himself that he can still be attracted to other women.

Pero nang makita niya si Lia pagkatapos ng ilang araw pag-iwas dito ay para siyang sinipa ng malakas sa dibdib. Dahil noon niya napagtanto kung anong kagaguhan ang sinusubukan niyang patunayan sa sarili at sa ibang tao.

Sa halip na aminin niya kay Lia kung ano ang totoong nararamdaman niya at maging matapang siyang harapin ang kung ano man ang mangyayari sa magulo niyang buhay pag-ibig ay nagpalamon siya sa kaduwagan. Kaya ngayon, he's suffering the consequences. Hindi siya pinapansin ni Lia, kahit ang tingnan siya ay hindi nito ginagawa.

At iyon ang hindi niya nakakayanan. Ang ibig bang sabihin niyon ay malalim at matindi na ang nararamdaman niya sa dalaga para makaramdam siya ng ganoon para dito? Kung ganoong hindi siya nito kakausapin o kahit titingnan man lang, magiging matapang na lang siya. Dahil hindi pala niya kayang iwasan ang babaeng nagpasaya sa kanya at nakapagpa-realize na hindi dapat iniiwasan ang pagmamahal dahil lang natatakot ka. Kung mahal mo, dapat ay ipaglaban mo. Kapag sinabi sa'yong hindi ka mahal, puwedeng gawin mo ang lahat para maging pareho ang nararamdaman n'yo o sumuko ka na at mag-move on na lang.

Tao lang naman kasi ang gumagawa ng komplikasyon sa sarili nilang mga buhay. At ayaw na niya ng ganoon. Kung gusto niyang maging masaya, kailangan niyang gumawa ng paraan para makamit ang kasiyahang iyon.

"Hoy, Ahmadi! Kanina ka pa nakatulala diyan! Umayos ka nga nang matapos na tayo!"

He cleared his head and look at the person who talked to him. Si Aly iyon, salubong ang kilay nito habang nakapamaywang na nakaharap sa kanya. Nasa likod nito sina Misagh at Amani na parehong nakatingin din sa kanya.

Unexpected Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon