"THANK YOU talaga at hinatid mo pa ako kahit na hindi na naman kailangan. Alam kong pagod ka pa dahil sa game ninyo kanina. Kung gusto mo, magpahinga ka na lang muna sandali sa loob at mayamaya ka na umuwi."
Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Omid sa paga-alala ni Lia. "It's okay, hindi pa naman ako pagod. 'Tsaka nag-enjoy naman ako na kasama ka. Sana hindi ito ang huling beses na makakasama kita, Lia." he patted her head, still with a smile on his face.
Gusto nang matunaw ni Lia dahil sa ngiti nito ngunit hindi niya iyon ipinahahalata. Nahihiya pa din kasi siya sa paghahatid nito sa kanya maging ang panlilibre nito kahit na sinabi niyang hati na lang sila sa bayarin. Pinagbigyan pa nga nito ang kapritso niyang maglaro sa arcade. Kahit isang sandali ay hindi niya kinakitaan ng pagkabugnot o pagkapagod ang mukha ni Omid sa buong durasyon na magkasama sila.
Ang pagkailang na naramdaman niya bago sila umalis ng Rizal Memorial Stadium ay nawala dahil sa pagpapatawa ni Omid. Punong-puno naman pala ng humor ang binata sa katawan, ngayon lang nga niya iyon nakita dahil ngayon lang naman niya ito nakasama nang sarilinan. Bukod doon ay kinausap siya nito nang kinausap hanggang sa maging kumportable siya dito.
Kahit pa nga nag-commute sila mula RMS hanggang Mall of Asia, hindi siya nakaramdam ng kahit kapiranggot na inis. Natapakan na siya, nakipag-gitgitan pa sila sa LRT---pinilit kasi niya ito kahit na ang gusto nito ay mag-taxi na lang sila---, naglakad nang naglakad dahil nahirapan silang makasakay ng shuttle papunta sa MOA ay okay lang. Walang kaso sa kanya. At least, naranasan ng binata ang mga ganoong experience habang nananatili ito sa bansa.
Ang simpleng paghangang nagu-umpisa niyang maramdaman para sa binata ay mukhang tumitindi. Sa isang banda ay natatakot siya dahil hindi naman siya sanay sa mga pakiramdam na iyon ngunit sa isang banda naman ay nao-overwelhm siya dahil may kakayahan pa pala siyang makaramdam ng mga ganoong emosyon na akala niya ay hindi na niya mararamdaman pa.
Ngayon tuloy ay natutuwa siya na nakasama at naka-bonding niya ito. Mas nakilala niya ang binata kahit pa sabihing ilang oras lang naman silang nagkasama. Gusto na nga niyang magpasalamat at halikan ang mga naging karakter niya sa kanyang mga istorya dahil hindi siya nahihirapang pangalanan ang damdamin niya 'pagkat naisulat na niya iyon sa mga nobela niya.
"Are you sure? Kung nandito lang si Amani, ipahahatid na lang kita sa kanya. Kaya lang mukhang wala pa siya." sandali niyang sinulyapan ang bahay ng kaibigan bago muling ibinalik ang tingin kay Omid.
"Okay lang talaga, Lia. Kaya ko naman ang sarili ko, magta-taxi na lang ako. Ikaw ang magpahinga na, baka naistorbo na kita ng sobra at hindi ka na makapag-trabaho."
"No worries, naka-bakasyon ako ngayon sa trabaho. Next week na ako babalik, kapag nakapag-relax at nakapag-pahinga na ang utak ko." bumungisngis pa siya pagkasabi niyon.
She heard him chuckle before he pinched her cheeks. "Alam mo, ang cute mo talaga." anito. "Sige na, pumasok ka na sa loob. I'll see you again next time or maybe we can hang-out again one of these days. Tutulungan na lang kitang mag-relax bago ka bumalik sa trabaho tutal isang linggo naman kaming nakapahinga sa training."
Nalunok yata ni Lia ang lalamunan niya dahil walang gustong lumabas sa bibig niya. Hindi niya inaasahan ang pagyayaya nito. Gusto niyang pumayag pero isang bahagi niya ang naga-alinlangan. Kung bakit ay hindi niya alam.
"Titingnan ko muna, Omid. Ayoko kasing mangako, baka hindi ko matupad." alanganing nginitian niya ito pagkasabi niyon.
Nagkibit-balikat ito. "Of course. It's okay, no pressure. I'll go ahead. Good night, Lia." paalam nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Complete)
RomansaKung mahal mo, dapat ay ipaglaban mo. Kapag sinabi sa'yong hindi ka mahal, puwedeng gawin mo ang lahat para maging pareho ang nararamdaman n'yo o sumuko ka na at mag-move on na lang. PEOPLE come and go. Iyon ang naitatak ni Lia sa utak niya. Para sa...