(Gumising ka na Ianne! Anong oras na tanghali na bumangon ka na diyan,) galit na sabi ni Tita Beth sa kanyang pamangkin na si Ianne. (Oo na babangon na po,) inaantok pang sagot ni Ianne.
Bumangon na nga si Ianne at niligpit ang kanyang higaan. Nang mapansin ni Ianne ang oras sa kanyang relo ay sobra siyang nagulat.
(Hala! 7:32 pa pala ng umaga,) gulat na sabi ni Ianne. (Tita 7:32 pa pala ng umaga sabi mo tanghali na. Imbis ang ganda na ng panaginip ko,) sabi ni Ianne sa kanyang tita habang kinakamot ang kanyang ulo.
(Sinadya ko iyon. Mag-almusal ka na at pagkatapos mong mag-almusal ay maligo ka at magbihis ka ng pang-alis, sasama ka sa akin may importante akong sasaabihin sa iyo,) siryosong sabi ni Tita Beth kay Ianne.
(Saan kaya kami pupunta ni tita? Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?) tanong ni Ianne sa kanyang isip.
Nagluto si Ianne ng kanyang paburitong almusal na sinangag na may itlog. (Ang sarap talaga ng sinangag na may itlog walang tatalo dito,) takam na sabi ni Ianne sa sarili.
Pagkatapos niya ngang kumain ay naligo na siya. (Ang lamig ng tubig. Maganda na rin ito dahil mainit ang panahon ngayon,) masayang sabi ni Ianne. Nang matapos na siyang maligo ay nagbihis na siya ng damit at pantalon at sinuot niya pa ang kanyang paburitong sapatos. (Tita tapos na ako,) sigaw ni Ianne. (Mabuti naman, ako naman ang maliligo maghintay ka lang dito sa labas bantayan mo itong burgeran kapag may bumili paglutuan mo, hah!) sagot naman ni Tita Beth. (Yes ma'am,) magalang na sagot ni Ianne.
Gustung gusto ng umalis ni Ianne dahil gusto niya ng malaman kung ano ang sasabihin sa kanya ng kanyang tita. (Pabili po ng burger Mr. Ianne,) sabi ng isang babae na nakatayo sa harap ni Ianne. (Andrea?) patanong na sigaw ni {Ianne. (Oo, ako ito si Andrea,) sagot ni Andrea. (Si Andrea ay ang kanyang kababata na umalis para mag-aral sa ibang lugar. (Ano bakit ka nandito diba nag-aral ka sa ibang lugar?) tanong ni Ianne kay Andrea. (Oo, pero dito na ako mag-aaral sa atin,) nakangiting sabi ni Andrea.
(Mabuti, sana maging classmate tayong dalawa. Diba 2nd year high school ka na?) tanong ulit ni Ianne. (Oo, sana nga maging classmate tayo. Pero bago iyon nasaan na ang burger ko?) sagot at tanong ni Andrea. (Oo nga pala sorry nakalimutan ko,) sagot ni Ianne. (Yaan tayo, ehh!) natatawang sabi ni Andrea.
Nang patayo na si Ianne sa kanyang inuupuan ay biglang lumabas si Tita Beth at nakita niya si Andrea. (Ohh! Nandito ka na pala Andrea. Kailan ka lang nakarating?) tanong ni Tita Beth kay Andrea. (Kanina lang pong mga 5:00 ng madaling araw,) sagot ni Andrea. (Anong ginagawa mo dito?) tanong muli ni Tita Beth kay Andrea. (Bumibili po ng burger,) sagot ulit ni Andrea.
Habang nagkwekwentuhan sina Tita Beth at Andrea ay nakatulala lang si Ianne palagi kay Andrea dahil sa kagandahan nito.
(Ianne ako na ang magluluto at libre na lang ito Andrea,) sabi ni Tita Beth. (Wag na po nakakahiya. Ito po bayad ko,) sagot naman ni Andrea. (Wag na nga sa'yo na iyan. Ianne pagkatapos nito magsasara na ako at aalis na tayo,) sabi ni Tita Beth sa dalawa.
Napatingin si Andrea kay Ianne at sinabing, (kaya pala pormado itong isang gwapo dito,) sabi ni Andrea na parang kinikilig. (Wag mo ng ipagkalat na gwapo ako. Alam na alam na ng mga tao dito na gwapo ako, noh!) sagot ni Ianne habang nagpapagwapo kay Andrea.
Nang maluto na ang burger ay umuwi na si Andrea sa kanilang bahay at medyong nabitin si Ianne sa usapan nilang dalawa ni Andrea.
(Parang ayoko ng sumama kay tita mula ng magpakita sa akin si Andrea. Kung hindi naman ako sasama kay tita, hindi ko malalaman ang sasabihin niya sa akin,) ang iniisip ni Ianne. (Ianne tara na!) sigaw ni Tita Beth kay Ianne habang pumapara ng taxi para makasakay na sila.
Napakamot na lang ng ulo si Ianne dahil tuloy ang pag-alis nila. Nang matapos ng makausap ni Tita Beth ang taxi driver ay pinasakay na niya si Ianne sa loob ng taxi para makaalis na sila. (Si Andrea, ohh!) sabi ni Tita Beth sabay turo kay Andrea. (Saan? Saan? Saan?) paulit-ulit na tanong ni Ianne.
Pinahinto muna ni Tita Beth ang taxi para makita ni Ianne si Andrea. Nang makita na ni Ianne si Andrea ito ay kumakaway sa kanila. Binawian ito ni Ianne ng pagngiti at pagkindat at nakita naman iyon ni Andrea. (Sige na po manong larga na,) sabi ni Ianne sa driver. (Ano masaya ka na Ianne?) tanong ni Tita Beth kay Ianne. (Ok na Ok na ang araw ko ngayon,) masayang bawi ni Ianne sa kanyang tita.
----------
Nang makarating na sila sa kanilang bababaan ay sobrang natuwa si Ianne dahil paburito niya itong lugar. (Luneta Park again! Salamat sa pagpunta sa akin dito tita, hah!) masayang masaya na sabi ni Ianne.
Pumasok na sila sa loob at umupo sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga makukulay na saranggola sa himpapawid. Nang mamasdan ni Ianne na umiiyak ang kanyang tita ay agad niya itong tinanong kung bakit ito umiiyak. (Tita bakit ka umiiyak? Diba may importante ka pang sasabihin sa akin?) tanong ng binata sa kanyang tita. (Sana patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko sa'yo. Sana maintindihan mo ako,) hagulgol na sabi ni Tita Beth. (Bakit ano ba iyon tita?) tanong muli ng binata. (Ang bilin sa akin ng mga magulang mo ay taon-taon kitang ipunta dito sa Luneta at kinabukasan ng pagkasabi nila sa akin niyon ay nadisgrasya sila sa sinasakyan nilang bus. Nawalan daw ng preno at nalaman pang lasing ang driver,) paliwanag ni Tita Beth sa kanyang pamangkin.
(Edi hindi totoo na iniwan nila ako sa iyo at saan pupunta sila mama't papa?) umiiyak na tanong ni Ianne sa kanyang tita. (Oo, sinabi ko lang iyon dahil galit pa ako noon sa iyong mga magulang dahil sa akin ka maibibigay at hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin sa buhay. Pero ng lumaki ka na napamahal ka na sa amin ni Tito Rony mo kaya pinangako ko sa sarili ko na sasabihin ko sa iyo ang totoo kapag lumaki ka na. Kaya ngayon sinasabi ko ito sa'yo Ianne. Patawad sa lahat ng nagawa kong kamalian ko sa'yo,) umiiyak na sabi ni Tita Beth.
Nang kumalma na si Tita Beth ay niyakap ni Ianne ang kanyang tita at sinabing, (hindi ako magtatanim ng galit sa pinakamamahal kong tita lalo't kayo ni Tito Rony ang nagpalaki sa akin. Kaya wala akong karapatang magalit sa inyo,) malambing na sagot ni Ianne sa kanyang Tita Beth.
Napaiyak ulit si Tita Beth dahil sa mga sinabi ni Ianne para sa kanya.. (hindi ka ba galit sa akin?) tanong ni Tita Beth kay Ianne. (Hindi,) nakangiting sagot ni Ianne. (Maraming salamat sa pag-intindi sa akin,) ang sabi ni Tita Beth habang hinihikap ang likod ni Ianne. (Ano pala ang pangalan nila mama't papa,) tanong ni Ianne. (Ang mama mo ay si Marie at ang papa mo naman ay si Tomas,) ang sabi ni Tita Beth. (Ang pangalan ni mama ay Marie, napakaluma naman masyado niyon. Ang pangalan naman ni papa ay Tomas parang sawsawan na Mang Tomas. Ano bang nangyari sa mga pangalan nila mama't papa,) natatawang sabi ni Ianne sa kanyang tita.
Napatingin si Tita Beth sa kanyang pamangkin at sinabing, (puro ka talaga kalokohan,) pabirong sagot ni Tita Beth. (Hindi naman masyado,) bawi ni Ianne.
Tumayo si Ianne sa kanyang inuupuan at humarap kay Tita Beth at sinabing, (tara na tita kumain na muna tayo gutom na ako, ehh!) sabi ni Ianne habang hinihikap niya ang kanyang tiyan. (Sige sige ako rin nagugutom na,) sagot ng tita.
Kumain na nga sila at ng matapos na silang kumain ay biglang hinawakan ni Tita Beth ang kamay ni Ianne at sinabing, (Ianne wag kang maingay sa Tito Rony mo na buntis ako,) pabulong na sabi ni Tita Beth kay Ianne. (Hah!) pasigaw na sabi ni Ianne. (Tatlong buwan na akong buntis. Paki-usap wag kang maingay sa asawa ko. Susoprisahin ko siya,) sabi ni Tita Beth. (Maaasahan mo ang iyong lingkod,) nakasaludong sabi ni Ianne. (Aasahan ko iyan,) siryosong sagot ni Tita Beth. (Wala ka bang tiwala sa akin?) tanong ni Ianne. (Meron naman,) bawi ng tita. (Meron pala, ehh! Wag kang mag-alala tago iyang lihim mo sa akin,) nakangiting sabi ni Ianne. (Oo na, umuwi na tayo at magtitinda pa ako ng burger habang hapon pa,) malambing na sabi ni Tita Beth kay Ianne.
