Chapter One- Meet Her

51 0 0
                                    

 _U N O_

" Isay!!!!!!Sa'n na naman nagsusuot tong bobitang ito???!!!Isay! Wag kang magbibingi-bingihan dyan bruhita ka!!Nakikita kita!" ayan na naman ang warning tone ni Auntie.. Ganyan sya pag may kailangan..parang mapuputol na ang mga ugat sa kanyang leeg kung makasigaw. Hihihi..

"Auntie? Bakit po?" pa cute kong sagot.

"Anong binabakit bakit mo dyan hah???!!!!Magsaing ka na!" kelan kaya mauuso kay Auntie ang huminahon???baka ma out-of-stock na boses nya sa kakasigaw. =p

"Tapos na po!" sabay salute ko.

"Labada?!" naka isang kilay na tanong ni auntie...oh ayan..hihinahon na yan...isang exclamation point na lang oh!heheheh

"Tapos na din poh!" salute uli..

"Linis ng bahay???!" dalawang kilay na ang nakataas..

"Tapos na din po!" *-* pa cute..

"pwede na po ba akong mag shower?" tanong ko..

"Bakit?? Anong meron??" kung makatanong to si Auntie...Dapat ba talaga may okasyon para maligo??kung sa bagay...hahahahha....ganun ata sya eh..heheheh..joke

" Oh?anong nginingiti-ngiti mo dyan???!!" galit na naman sya..

"Auntie Barbie kasi ngayon po ang unang araw ng School year...papasok na poh ako diba?" oh, hindi kaya naduduling... Barbie talaga name ni Auntie.. Barbie Rose Fuertez-Andrade ..

"Okey. Pagkatapos ng klase mamalengke ka.May pera ka naman dyan, yan na lang gagamitin mo.Bukas akinse na,magpapadala naman ang tatay mo kaya may allowance ka pa rin..Oh sya humawi ka na't naalibadbaran na ako sa mukha mo.."

"sige Auntie \(^.^)/!! Babayu.!" aakmang bebeso sana ako kaya lang palad nya ang  sumalubong sa'kin..

When I become Nobody's EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon