30

3.4K 83 2
                                    

SHANE

- - - - - - - - - - -

Bigla na lang umalis si John sa condo niya nung nakarating ako dito

Hindi ko alam kung pasaan siya kaya napaisip na  lang ako

Gusto ko si Maria.

Mali,

Mahal ko si Maria pero mukhang hindi naman niya kayang sukli yon. Nakakaawa naman ako

Hindi ko alam kung kelan ako nagkaganito pero kay Maria lang talaga ako naaattract kaya imposibleng tomboy ako di ba?

Maya maya ay bumukas ang pinto ng biglaan at napatingin ako sa pumasok

"John! Anong nangyari?"

Nakita kong napatulala lang siya habang namumula ang kamay niya

"Anong nangyari dyan?"

Hindi pa din siya umiimik kaya hinawakan ko na ang kamay niya na namumula

Nakita kong napatingin siya sakin at napaupo sa sofa na malapit sa kanya

"Si Jane, mukhang ayaw niya na sakin"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya napakunot ang noo ko

"Anong sinasabi mo?"

"Galing ako kina Maria" Doon palang ay nanlaki na ang mata ko at hindi isipin na sinuntok niya si Maria dahil sa kamay niyang namumula

"Wag mo sabihing" Napatango nalang si John dahil mukhang nagets naman niya ang sasabihin ko

"Sorry. Kung hindi naman dahil sakin ay hindi mo magagawa yon kay Maria" Napatango na lang si John pero feeling ko talaga ay kasalanan ko kung bakit ayaw na sa kanya nung gusto niya.

Pero hindi naman natatapos don ang lahat diba? May pag-asa pa?

"Hindi yon ang isa ko pang iniisip" Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo

"Eh ano?"

Huminga siya ng malalim bago hinawakan ang dalawa kong pisngi

"Nakita kong hinalikan ni Jane si Maria" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

Wait? Hinalikan ni Jane si Maria?

Ibig sabihin?

Tomboy si Jane?

"Tomboy si Jane?" Napatango naman si John at malungkot na napatingin sakin

"Baka naman mali ang nakita mo?" Napailing naman siya bilang sagot.

So si Jane na ba ang gusto niya?

"Sa tagal tagal kong nagkagusto sa kanya, hindi ko akalain na tomboy siya" Nalungkot na din ako kaya niyakap ko siya

"Pero kahit ganon, hindi mababawasan ang pagkagusto ko sa kanya. Malay mo di ba? Ganon lang siya kasweet"

Napatango na lang ako sa sinabi niya

Ang swerte ni Jane kay John kung magiging sila

Sana hindi sila magkagustuhan.

Hindi ko kakayanin makita si Maria na nasa iba.

Unexpected (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon