4

6.2K 161 2
                                    

SHANE

- - - - - - - - - - -

Nagising na lang ako na nasa kwarto na ako. Siguro kwarto to nung babae na tumulong sakin.

Sino nga ba siya? Kahit pangalan niya ay hindi ko pa alam tapos sumasama na ako sa kanya.

Baka mamaya maulit na naman ang nakaraan. Ayoko na. Kailangan ko na makaalis dito hanggat wala pa siya.

Dali-dali akong tumayo at lumabas na sa kwartong to.

Pagkalabas ko ay natanaw ko na ang palabas at binuksan na ang pinto nito at tumakbo na palayo.

~ ~ ~

MARIA

- - - - - - - - - - -

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan kong hindi nakasarado ang pinto.

Hindi ko ba siya nasarado ng ayos?

Hindi ko na lang ito pinansin at tumuloy na lang papasok

Ipinatong ko muna ang pagkain sa lamesa at pumunta na ako sa kwarto ko

Nagulat ako ng wala na yung babae na nakahiga dito, hinanap ko siya sa buong kwarto kaso wala siya.

Baka umalis muna siya saglit

Bumalik na lang ako ulit sa kusina at hinanda na ang pagkain na dala ko kanina para bumalik man siya ay nakahanda na ang pagkain

Pumunta muna ako sa salas at binuksan ang t.v para naman kahit papaano ay hindi ako mainip sa kakaintay sa kanya

- - -

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaintay at tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong 8:00 pm na

Nakauwi na ba siya?

Tumayo na ako at hinanap siya sa buong bahay kaso wala siya. 

Saan ba siya pumunta?

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at umalis na para hanapin siya.

- - -

Sobrang gabi na  pero hindi ko pa din siya makita, hindi ko nga din alam kung paano ako napunta sa gubat na to. Nasa may labasan ng gubat na to ang kotse ko, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa gubat na to ng may marinig ako na sumisigaw

"Tulong!"

Dali dali kong hinanap ang boses non at nakita kong may babaeng nakahiga sa damuhan at may 3 lalaki na nakapalibot dito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila at pagmasdan kung sino yung babae na sumisigaw

Nakita ko na lang na parang hinuhubadan nung isa lalaki yung babae kaya kumuha na ako ng malaking bato at hinampas sa lalaking yon

Tumingin ako sa babae at nagulat ako sa nakita ko

"Nandito na ako"

Unexpected (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon