Nang ang tadhana'y minsan naglaro,
Dalawang tao'y pinagtagpo;
Nagmula man sa magkaibang panahon,
Kanilang puso'y nagkatalunton.Isang babaeng mula sa kasalukuyan,
Carmela Isabella ang kaniyang pangalan;
Ikaapat na henerasyon ng kanyang angkan,
Itinakdang baguhin ang kapalaran.Mula sa panahong nagdaan,
Isang maginoong Juanito ang ngalan;
Nagmula sa angkan ng Alfonso,
Itong ginoong may mabuting puso.Isang misyo'y dapat mapagtagumpayan,
Upang binibini'y makabalik sa kasalukuyan;
Kanyang layuni'y baguhin ang kapalaran,
Ng ginoong unang nakatagpuan.Sa muling pagkasulat ng tadhana,
Mga pangyayari'y naging pamana;
Sa pagbabago ng hinaharap,
Tagumpay kanyang naakap.Maraming buhay ang inialay,
Upang ang binibini'y magtagumpay;
Pagtangis ma'y walang humpay,
Kaligayahan ri'y abot kamay.Sa piling ng munting ginoo,
Kaligayahan ng binibini'y totoo;
Pagkat ang dalawang pinagbuklod ng panahon,
Puso ang gamit upang makaahon.Sila'y pilit mang paglayuin,
Sa piling nila'y babalik pa rin;
Sa isa't-isa'y di maalis ang tingin,
Tibok ng puso'y iyong dinggin."Je t' aime, ich liebe dich, te amo,"
Ang winika'y dinggin mo;
Tatlong magkakaibang lenggwaheng alay sa'yo,
Pagpapakahulugan niya'y pagsuyo."Sana'y tuparin ang pangako,
Na sa kahit ano'y hindi susuko;
Pagkat sa iyo'y isa lang ang hiling ko,
Buhay mo'y pakaingatan ng husto.""Makakaasa ka binibini ko,
Hindi kalilimutan iyang pangako;
Iyong hiling ay mananatili sa puso,
Mawala man iyan sa isipan kong tuso."Ang matamis na pag-iibigang ito,
Inakalang hindi na mahihinto;
Ngunit hinamak ng pagkakataon,
Nang dahil sa katotohanang ibinaon.Pagkakataon ma'y kalabanin,
Minsa'y sadyang 'di kakayanin;
Ngunit hindi inaasahang ito'y nakaya,
Pagkat pag-ibig ang kanilang sandata.Ang bawat kuwento'y may katapusan,
Lahat ng bagay may kahahantungan;
Pati ang kanilang pag-iibigan,
Nauubos ang oras na inilaan."Ako man ay lumisan, Juanito
Sa puso ko'y ikaw ang narito;
Sapagkat ang aking pagparito,
Hiram ko lang sa may-ari nito.""Isang nagmula sa kasalukuyan,
Habang ako'y mula sa nakaraan;
Hindi mawawala ating pagsasamahan,
Pagkat ika'y mahal ko magpahanggang kalian."Ilang taon man ang magdaan,
Puwang sa puso'y 'di man napunan;
Ang pagsinta'y 'di nagbago,
Bagkus ito ay lalong pinalago."Panahon ma'y matagal dumaan,
Upang ganda mo'y muling masilayan;
Sa pinagsimulan ng ating kuwento,
Maghihintay, hanggang huling hininga ko.""Mananatiling may ngiti sa labi,
Lungkot ay aking isasantabi;
Para sa'yo mahal ko,
Ipagpapatuloy ang buhay ko."Ang mga karanasan sa panahong ito,
Mananatili sa isipan nito;
Hindi lamang ang kanyang pagkatuto,
Pati ang pag-iibigan nilang totoo.~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
Alaala (ILYS1892 Poem)
PoetryIsang tulang hango sa akdang I Love You Since 1892 ni UndeniablyGourgeous.