Kabanata 7

3 0 0
                                    

Nakangiti akong nakatingin sa mga kaibigan kong nagkukulitan at tawanan, at naisip kong sobrang enjoy bawat natitirang araw ng college life ko, mas sumaya dahil kay Troy. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Lumaki din ang circle of friends ko dahil sakanya. Halos di namin ramdam yung pressure ng pagiging graduating dahil sa friendship na nabuo namin. Mahirap oo, sabay sabay lahat ng requirements, thesis, exam at mga program na inoorganize namin pero nakakaya sa tulong ng bawat isa, hindi ko alam kung ano bang ginawa ko para biyayaan ako ng ganitong mga tao.

Hoy tulaley ka jan! Sigaw sakin ni yumi na nakapagpagulat sakin.

Anong iniisip mo jill?

Wala naman, ang saya niyo lang kase tignan. Para kayong mga bata

Ah! Ganon ah! Sabay kiliti sakin ni axcel, at pag gulo ng buhok ko ni troy. Pinagtulungan ako mga walanghiya

Tama na kase hahahaha!
Di ko na kaya! Suko na ko! Sabay taas ko ng dalawa kong kamay. At tumigil naman sila

Wow! Jill! Ginulo buhok mo pero di ka nagbeast mode?!
Ibaaa! Lakas mo troy! Sabay palakpak at tapik sa balikat ni troy

Kinabahan ako sa sinbi ni kuya ron baka makahalata si troy! Paano?!
Nakatingin lang sakin si troy na parang nagtatanong, kinakabahan talaga ko

Pano naman kaseng magagalit yan kuya ron! Di makareact sa kiliti eh! Singit ni axcel habang tumatawa

Nagtawanan naman kaming lahat. Jusko kala ko katapusan ko na! Paano na lang kung walang axcel? Ha? Paano jill!

Oy mamaya ah after class! Putol ni Tami sa tawanan. Birthday niya today kaya magpaparty party kami yes!








Nauna kami nila yumi at mae sa Secret Garden, isang restobar na pagmamay-ari ng pamilya ni kuya Ron, naghanda kami ng surpresa para kay Tami, ang mga boys naman nililibang si Tami para di mahalata ang inihahanda namin, siguro sinasayawan nila yun mga ganon hahaha charot! Simula nung naging kaibigan namin si kuya Ron dito na kami lagi nagcecelebrate magkakaibigan para malaki discount hahaha!

Jill! Papunta na daw sila tapos ka na ba jan? Sigaw ni mae

Oo! Ok na! Turn off na lights please! Pinatay naman agad ito ni Yumi. Sa sobrang dalas namin dito nagpalagay na si kuya Ron ng place exclusive for us, makashala eh no sa rooftop lang naman mga besh! Pero pinaganda at pinasadyang ayos. Maya maya ay dumating na nga sila Tami kasama ang iba pa naming kaibigan.

Nang makaakyat ang mga ito ay unti unti ng nagbukasan ang mga ilaw, at hudyat na ito ng sumula ng partyyy!

HAPPY BIRTHDAY TAMI! sabay sabay naming hiyaw. Iniiabot ko sakanya ang cake na ako mismo ang gumawa. Hinipan niya ito at nagdatingan na ang mga pagkain.

Thank you guys! Love you! Sabay akap samin ni Tami

Party partyyy na! Sigaw ni Yumi

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon