TULA #1

5 0 0
                                    

           DAGAT NG PAGMAMAHAL

Napaka alat, napakapait. Ang pagmamahal ko'y parang maihahambing sa dagat na lason ang hatid.

Mukhang maganda. Nakabibihag talaga. Ang pagmamahal ko sayo'y kasing alat ng dagat at kasing pait ng baha.

Oo mahal kita, ngunit gano'n ba dapat talaga? Kaakibat ng aking nadarama ay ang sakit ng iyong salita?

Na ako lamang ay kaibigan mo't wala ng iaangat pa? Na ako lamang ay taong mapagbubuntunan mo ng sakit at hapdi sa taong mahal mo talaga?

Masakit. Mapait. Nakakagalit. Ngunit sino ako para tumangii kung ang hiling kong pagmamahal mo'y sakit lamang ang hatid?

Isa lamang akong hamak na kaibigan na napamahal sa ideyang ika'y mahalin dahil akala ko'y ika'y dagat kung maglambing.

Ngunit mali. Mali at nakakapanlinlang. Na ang magagandang alon at kahanga-hangang repleksyon ng araw sa karagatan ng aking pagmamahal ay napalitan ng isang dagat na malalim, mapait, nakamamatay at nakakalasong bunga ng aking pagmamahal.

Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng lisanin at layuan amg dagat na nakakamatay. Gusto ko ng lumayo sa karagatan ng pagmamahal kung saan akala ko'y paraiso ngunit kweba ng sumpa ang doo'y nakalagay.

Ngunit paano? Paano kung ako'y lunod na lunod na? Paano ako makakalayo kung ang pagkalunod ay naging dahilan ng pagkabuhay ko bigla? Paano kung ang kawalan ng hininga sa malalim na karagatan ay nakasanayan ko na? Paano? Paano kita magagawang iwanan? Kung ang mga paa ko'y hindi na makatayo sa lalim ng aking nadarama. At paano? Paano kita magagawang iwanan? Kung mahal na kita at katangahan ay taglay kong talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon