ETHAN’S P.O.V
Hi Guys! I’m Ethan Mendez ang kaisa-isang anak at tagapag-mana ng Mendez Company (isa sa pinakamalaking kumpanya sa ibang bansa at sa Pilipinas). 16 years old at nag-aaral sa school na pag-aari din naming ang Mendez University(Halata naman siguro noh). Hearthrob ako sa school, team captain ng basketball, champion sa badminton at tennis, vocalist ng bandang ‘D Zero (malalaman niyo rin kung ano ‘yun) and a certified Heartbreaker!
Hmmm. Lovelife? Wala ako ‘nun eh. NGSB ako. Oo, maraming nagkakagusto sa aking babae pero hindi ko sila pinapansin. Actually, si Mommy nga lang ang kaisa-isa kong ka-close na babae eh, isama niyo na rin ‘yung mga maids sa bahay namin. At, wala akong balak magkaroon ng girlfriend, sakit lang sa ulo ‘yan eh.
“Grabe! Ang GWAPO mo talaga ETHAN!” Girl.1
“Ang Cute-Cute mo ETHAN!” Girl.2
“ETHAN! Akin ka na lang!” Girl.3
“You’re so HOT Ethan!” Girl.4
Nandito na ako sa school and as usual marami na namang nagtitilian na mga babae at bakla isama niyo na rin ‘yung mga lalaki halatang-halatang nababading sa kagwapuhan ko, joke! May mga babaeng nagaabot sa akin ng kung ano-ano pero hindi ko ito pinapansi SNOB ako eh.
Natanaw ko sa malayo si Cedric ‘yung rhythm guitarist ng ‘D Zero at matuturing ko ng bestfriend. Nga pala, ‘yung ‘D Zero na ‘yun banda namin ‘yun. 5 kami, ako sa vocal, si Cedric sa Rhythm guitar, si Josh sa Bass guitar, si Paulo si piano at si Warren sa drums. Sikat kami sa lugar na ito. Kaya nga lumilipat ang mga estudyante dito para lang makasalamuha kami eh. Pasalamat si Mommy and Daddy may nag-aaral dito dahil gwapo anak nila. Hahaha.
“Kauma-umaga nakikipag-flirt kaagad. Ano ‘to?” Ethan
“Bro! Hindi ako ganun noh. Baka Ikaw? Hahaha”. Cedric
“Tss”. Ethan
Ang chismosa naman nitong babaeng nakatingin sa amin at halatang-halaatang nakikinig sa usapan namin ah.
“Ikaw!” Ethan
“Bakit?” ??????????
“Anong bakit? Dapat nga ako ang magtanong sa’yo nyan eh. Kanina ka pa kasi nakatingin sa amin, huwag mong sabihing interesado ka sa amin? Pwes! Papangunahan na kita! Walang pag-asa ang babaeng katulad mo sa amin! Ok?” Ethan
Huwag kasi siyang makikinig sa usapan ng may usapan tignan mo tuloy pahiya siya sa buong campus at natikman pa niya ‘yung masasakit na salita ko.
“Tara na nga Cedric!” Ethan
Habang naglalakad kami.....
“Ethan! Bakit mo ginawa ‘yun? Kawawa naman ‘yung babae”. Cedric
Talaga itong si Cedric oh, kinampihan pa ‘yung babae.
“That serves her right. Nakikinig siya sa may usapan ng usapan”. Ethan
“Ewan ko sa’yo!” Cedric
Nandito kami ngayon ng mga kabanda ko sa tambayan namin sa U.S.T o Under The Siniguelas Tree. Imba noh?
“Hoy Ethan! May nasagap akong balita ah”. Josh
“Anong balita naman ‘yun?” Ethan
“Na may pinahiya ka daw na babae sa hallway”. Paulo
“Hay naku! Hindi pa ba kayo sanay dyan kay Ethan?” Cedric
“Hahaha”. Barkada ni Ethan
Malakas talaga tama nitong mga kabarkada ko. Pinagkaisahan pa ako.
“Hoy! Tara na nga, baka ma-late pa tayo sa klase”. Ethan
Nga pala, section 4-A kaming lahat. Pina-request ko sa teacher napag sama-samahin kaming 5. Mga takot sigurong mawalan ng trabaho. Hahaha.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------