MADY’S P.O.V
Nandito na ako ngayon sa classroom at pinagtitinginan ng mga tao pero ‘yung iba parang wala lang, siguro hindi pa nila alam ‘yung nanngyari sa akin kanina . At ilang sandali pa may mga babaeng lumapit sa akin, don’t tell me kagaya ito ng mga scenes na sasabihan ka ng “FLIRT” at “MANG-AAGAW” ng taong mhal nila and then bibigyan ka ng Grave Threat?
“You!” Girl.1
Parang ganun nga yata ang mangyayari. Patay!
“Ako? Bakit?” Mady
“Naiintindihan ka namin”. Girl.2
Anong naiintindihan? At bakit parang nangigilid ‘yung mga luha nila?
“Napagdaanan din namin ‘yan”. Girl.3
Ano ba pinagsasabi ng mga babaeng ito? Baka may sayad na?
“Uhmmm. Di ko kayo gets”. Mady
“Napagdaanan din namin ‘yang stage mo. ‘Yung pagpapahiya ni Ethan sa harap ng maraming tao!”. Girl.1
Pinagsasabi ng mga babaeng ito? At tuluyan na ngang tumulo ‘yung mga luha nila.
“Maswerte ka nga at medyo kakaunti lang ang nakikita sa pagpapahiya ni Ethan sa’yo eh, ‘yung akin sobrang dami ng nakakita kasi sa mall niya ako pinahiya. *sniff* *sniff*” Girl.1
“*sniff* *sniff* Sa akin naman pinahiya niya ako habang nag-aasembly lahat ng students sa gym ”. Girl.2
“Ako naman nabasa ko lang ng tubig ‘yung polo niya, pinaakyat niya ako sa rooftop at pinasigaw ng “ANG TANGA TANGA KO!”. Girl.3
Aba! Sumosobra na yata ‘yung Ethan na ‘yun ah. Kala mo naman hari! Mas madami pang babae ang pumunta sa pwesto ko at nag-share tungkol sa pagpapahiya sa kanila ni Ethan. At lahat sila umiiyak at nanggigilid ang luha.
“Grabe naman pala ‘yung Ethan na ‘yun! Kala mo naman siya ang hari dito sa school!” Mady
“Mady, siya nga talaga ang hari ng school. Sila kasi ang may-ari nitong school na ito eh. Ethan Mendez kasi ang buo niyang pangalan diba Mendez University ang pangalan nitong school?” Girl.1
Ano? Anak siya ng may-ari ng school? Kaya pala ang lakas ng loob maghari-harian ah.
Tapos biglang may nagbukas ng pinto at padabog, sino kaya ‘yun?
Si Mr. Arogante/Ethan pala, matitigan nga ng masama.
ETHAN’S P.O.V
Padabog kong binuksan ‘yung pinto ng classroom naming at bumungad sa akin ‘yung babaeng masama ang tingin sa akin. Teka lang, ito ‘yung babaeng pinahiya ko kanina sa hallway.
May seating arrangement na at naka-upo ako sa harap ng babaeng pinahiya ko kanina sa hallway. Ewan ko ba, bakit parang kinakabahan ako, baka mamaya kainin ako nitong babaeng ito ah!
Dumating na din ‘yung adviser namin, si Ms. Gonzales/Tanda. At ayun pinagpa-kilala na kami sa harap pero ako hindi na ako nagpakilala kasi kilala na nila akong lahat. Hanggang ‘yung babae na pinahiya ko sa hallway na ang nagpapakilala.
“Hi! I’m Madison Santiago but you can call me Mady. 16 years old and I’m a transferee. Hope I can make good friends from this class. Thank You”. Mady
Madison pala pangalan niya ah. Tapos habang bumabalik siya sa upuan niya tinignan na naman niya ako ng masama. Ano ba talaga ang gustong mangyari ng babaeng ito?
Tapos nag-discuss na si Tanda. Nakikinig naman ako kahit papano. Pero minsan lang ‘yun. Hindi naman ako pwedeng i-drop dito noh? School kaya namin ‘to? Sa totoo lang tinuturuan na ako ni Daddy kung paano mag-handle ng business kaya nga sa katunayan ay hindi ko kapag na nga kailangang mag-aral eh. Pero ayos din ito, pampalipas oras.
“Ok class. Let’s see kung nakinig nga kayo sa discussion natin ngayon. You will take a surprise quiz”. Ms. Gonzales
First day na first day, quiz ka agad? Tss. No Choice!
*solve
*sagot
*solve
*sagot
*solve
*sagot
Algebra kasi ‘yung subject kaay nagso-solve. Ayun, sinabi na ni tanda na past your papers forward at nung kukunin ko na ‘yung test paper ng babaeng pinahiya ko, bigla na lang akong inirapan. Infairness ah! Bihira ang mga babaeng nang-iirap sa akin ah!
MADY’S P.O.V
Tinitigan ko ng masama si Mr. Arogante/Ethan habang papasok siya ng classroom at ang masaklap pa ‘dun siya sa harapan ko naka-pwesto. Imbyerna! Ang sarap niyang pektusan!
Dumating na rin ‘yung adviser naming si Ms. Gonzales. Pinagpakilala na kami sa harapan ng klase. At Wow! Si Mr. Arogante hindi nagpakilala, palibhasa kasi kilala na ng lahat. Hanggang sa ako na ‘yung magpapakilala,
“Hi! I’m Madison Santiago but you can call me Mady. 16 years old and I’m a transferee. Hope I can make a bunch of friends from this class. Thank You”. Mady
Pagkatapos ‘nun, bumalik na ako sa upuan ko at tinitigan ko uli ng masama si Mr. Arogante.
Nag-discuss na si Ms. Gonzales at nagbigay ng surprise quiz. Magarbong teacher naman ito oh! Madali lang naman ‘yung quiz kaya yakang-yaka ko. Tapos nung sinabi ni Ms. Gonzales na past your test papers forward, pinasa ko kay Mr. Arogante/Ethan ‘yung akin saka ko siya inirapan.
Napansin ko ‘yung scratch paper kong ginamit, algebra kasi ‘yung subject kanina eh. Saka ako naka-isip ng bright idea! At.....
*BOOOOOGGGSSSSHH (papel lang ‘yan, tumama sa balikat ni Mr. Arogante. Imba ‘yung tunog noh?)
Tumingin siya sa direksyon ko at ako naman tumingin sa ibang direksyon with matching sipol pa. Wala akong pakielam kung i-kick out niya ako sa school na ito, sabi kasi ni Mommy pwede naman daw ako umalis sa school na ito kung gugustuhin ko. Spoiled lang noh?
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” Ethan
“Huh? Sorry Mister ah. Naibato ko pala ng HINDI SINASADYA yung scratch paper ko sa’yo”. Mady
“Hindi pala sinasadya ah. (Saka naman niya binato ‘yung scratch paper pabalik sa akin)”. Ethan
Hindi ko na ginantihan si Mr. Arogante. Dumating na kasi ‘yung next teacher namin eh. Wrong Timing naman!
-FAST FORWARD-
Naka-uwi na ako sa bahay. (Ambilis lang noh? Kaya nga fast forward eh!) Hindi ko na lang pinansin si Mr. Arogante/Ethan the entire day at ganun din siya sa akin. Paano nga kasi SNOB. Pero thankful ako at maganda ang unang araw ko sa M.U. kung hindi lang ako pinahiya nung walang hiyang Ethan na ‘yun.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
