MADY’S P.O.V
Hi! I’m Madison Santiago but you can call me Mady. 16 years old at nag-aaral sa Mendez University as a 4th year student. Kayo na lang mag-judge kung ano ugali ko as the story goes pero I admit na boyish ako, halos nga lahat ng kabarkada ko lalaki eh at maganda DAW ako sabi ng iba and isa akong NBSB. Actually, kakalipat-bahay lang namin dito sa place na ito. Ewan ko ba kay Mommy at Daddy kung bakit kami lumipat dito, sila na lang tanungin niyo kung gusto niyo, joke. Kaya mami-miss ko ‘yung mga repapips ko sa lugar namin.
O siya na nga, ang dami ko ng nasabi sa inyo. First Day of Classes ngayon at kakapasok ko lang sa gate ng Mendez University. Pagpasok ng pagpasok ko kaagad ng school ay nakikita ko na ‘yung iba’t-ibang grupo ng mga babae at lalaki na nagkukumpulan at ito ang maririnig mo sa kanila:
“Ang ganda naman ng lipstick mo”. Girl.1
“Bagong brand kaya ‘to” .Girl.2
“Hello! Mas maganda pa rin ‘yung lipstick na ginagamit ko noh”. Girl.3
Wagas naman itong mga babaeng ito. Lipstick lang naman pala ‘yung pinag-uusapan. Tch, it doesn’t sounds interesting huh.
“Pre! Sayang talo Talk ‘N Text”. Boy.1
“Oo nga eh. Panalo pa B-Meg”. Boy.2
“Panis naman kasi ‘yang Talk ‘N Text niyo eh. Sabi na nga bang B-Meg mananalo eh”. Boy.3
Hay! Buti pa sa mga lalaking ito interesado akong makinig. Chismosa noh, wag kayong mag-alala alam ko ‘yun. Pero Wait! Talo ‘yung Talk ‘n Text? At panalo ‘yung B-Meg? Sayang! Hindi kasi ako nakapanood kagabi eh.
Ang laki-laki naman ng University na ito, hindi ko tuloy mahanap kung na aan ‘yung room ko, section 4-A. Pero teka lang, bakit biglang umingay? ‘Yung mga babae at bakla nagtitilian? Huwag niyong sabihing may artista?
“OMG! Kala ko ba hindi na dito mag-aaral ang memebers ng ‘D Zero?” Girl.1
‘D Zero? Ano ‘yun? Si Zero ng Code Geass? Haha, halatang adik sa anime noh? Pero ano nga ba ‘yun?
“Girl! Malamang sinabi lang naman nila ‘yun para hindi na maging overpopulated itong school”. Girl. 2
“Alam mo namang lumilipat lang ang students dito para makasalamuha sila noh”. Girl.3
“Sabagay”. Girl.1
At saka ko nakita sa harapan ko ‘yung isang babaeng nakayuko at may inaabot na kung ano ‘dun sa lalaki.
“Cedric, nag-bake ako ng cookies para sa’yo. Sana tanggapin mo”. Girl
“(smiles) Salamat ah. Huwag kang mag-alala, kakainin ko ‘to”. Cedric
“Thank you Cedric”. Girl
Wooooh! May mga lalaking mababait pa pala sa panahong ito ah? Hindi ata ako na-inform ah! Joke! Hearthrob siguro ito? Cedric ba pangaaln niya? Pero wait uli, bakit Pati rin ‘yung mga lalaki nakiki-usi na rin, kanina lang wala nagtilian uli pero mas O.A. na ‘yung sa ngayon. Pati nga mga lalaki nakiki-usi na rin Don’t tell me na Hollywood Star na ‘yung dumating? Hahaha.
Ilang Segundo lang ay may bumabang isang lalaki galing doon sa kotseng White Jaguar. At ang angas pa ng dating niya. May mga babae ring nag-abot ng kung ano ‘dun sa lalaki at BOOM! Hindi niya pinapansin, suplado siguro ang isang ito. And papunta siya sa direksyon ko.
“Grabe! Ang GWAPO mo talaga ETHAN!” Girl.1
“Ang Cute-Cute mo ETHAN!” Girl.2
“ETHAN! Akin ka na lang!” Girl.3
“You’re so HOT Ethan!” Girl.4
Ethan? Isa pang heartthrob ng school? Aba, Sumosobra naman na yata sa mga numero ng gwapong estudyante ang Mendez University ah. Kinausap niya ‘yung Cedric ba ‘yun? At naririnig ko ‘yung usapan nila.
“Kauma-umaga nakikipag-flirt kaagad. Ano ‘to?” Ethan
“Bro! Hindi ako ganun noh. Baka Ikaw? Hahaha”. Cedric
“Tss”. Ethan
Pagkasabi niya ng “Tss” bigla naman siyang tumingin sa akin.
“Ikaw!” Ethan
Huh? Bakit naman kaya ako tinuturo ng lalaking ito?
“Bakit?” Mady
“Anong bakit? Dapat nga ako ang magtanong sa’yo nyan eh. Kanina ka pa kasi nakatingin sa amin, huwag mong sabihing interesado ka sa amin? Pwes! Papangunahan na kita! Walang pag-asa ang babaeng katulad mo sa amin! Ok?” Ethan
Pigilan niyo ako! Susuntukin ko na talaga ang isang ito! Ang feeler lang! Ako? Interesado sa kanya? No Way! At sinabi pang “Walang pag-asa ang babaeng katulad mo sa amin!”. Kala mo naman kung sino, ang HANGIN HANGIN.
“At hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng magandang asal? Para kasing hindi mo alam na ang pakikinig sa usapan ng ibang tao ay masama eh?” Ethan
Ay! Oo nga pala. Kanina pa ako nakatingin sa kanilang dalawa at halatang-halatang nakikinig sa usapan nila. Pahiya ako ‘dun ah. Lord, Help Me Please!
“Tara na nga Cedric!” Ethan
Sa wakas, lumayas na rin ‘yung lalaking ‘yun. Pero ito ako ngayon, pinagtitinginan ng mga tao at halatang binagbubulungan. Nakakahiya tuloy maglakad sa Hallway!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
