Pumasok na ako ng room, nakita kong nakaupong tahimik si mary jean
parang nalulungkot ako sa nakikita ko sa kanya!..Nagalit si rafael dahil sakin, kaya dapat ko na syang layuan.. yun ang gagawin ko
kaysa nakikita kong malungkot si mary jean, ayokong nakikita syang ganon!"Oh class! Get your assignment at sasagutan naten!"
Dumating na yung teacher namen, sobrang nakakatamad kase umuulan
tapos math pa yung subject hayy.."Sino ang sasagot sa problem number 1? Anyone??"
Nakita kong biglang tinaas ni mary jean ang kamay nya!
"Sir ako po ang sasagot!"
Sabi ni mary jean
Sinagutan nya yung problem ng walang kahirap hirap, hindi lang sya maganda
matalino pa!"Very good, Ms. Ramos?"
Sabi ni sir
"Ok next problem number 2! Mr. Daez! Solve the problem!"
Ano ako yung tinawag hindi ko alam yung sagot, hindi ko alam gagawin
ko!!"Sir hindi ko po alam ang sagot!"
Ang sabe ko habang nanginginig sa takot!
"Ano?? Mr. Daez tatlong linggo na naten yan pinagaaralan
ni isang problem hindi mo masagutan! Dahil dyan bibigyan kita ng special
assignment! at kailangan mong maipasa sakin yon ng walang mali in two days! ok!
pwede ka ng umupo!!"Ang sabe ni sir na galit na galit!
Napahiya ako sa buong klase hiyang hiya ako sa lahat, lalo na kay mary jean
Hayyyy, Bakit ba kase ako pa yung sunod na tinawag eh 25 students kami doon,
hindi kaya, kaya ako yung sinunod kase bagay akong kasunod ni mary jean! Hahaha
nangangarap na naman ako!Tapos na ang klase namen..uwian na maaga kaming umuuwi tuwing monday
habang pinapasok ko sa bag yung notebook ko, biglang lumapit sakin si mary jean"Ayos lang yung kanina basta mag improve ka na sa susunod."
Nakangiting sinabi ni mary jean"Ahh sige gagalingan ko na sa susunod"
Ang sabi ko"Kung ayos lang sayo, gusto mo tulungan kita sa assignment mo,
mas mahirap yan kung ikaw lang ang sasagot!"
Sabi nya sa akin..Bigla kong naalala yung kasunduan namen ni rafael na hindi na
ako lalapit sa kanya, pero kung sasabihin ko sakanya na wag na kaya
ko naman to! baka magalit sya"Ahh, kaya ko naman to! ako ang bahala baka kasi maistorbo lang
kita hehe"Ang sabi ko habang nahihiya
"Ahh hindi talaga mahirap yan kapag ikaw lang ang gumawa
wala naman akong gagawin bukas, tulong ko na rin sayo yun
dun sa pagsilong mo sa akin ng payong kaninang umaga"Sabi nya sa akin
"Ah sige ikaw ang bahala! pero baka may gagawin ka bukas hah"
"Ahh wala talaga sige bukas 3 pm yung libre kong oras sige uwi na ako!"
"Ahh sige sige salamat"
Pumayag na ako nung mga oras na yun baka kasi ano ang isipin nya
kapag umayaw ako sa sinabi niya, tsaka siya naman yung makakasama
ko eh ng 2 days haha