Chapter-II

792 15 4
                                    

.............

CHAPTER-II

 ...

hayy 2....weeks na kaming pumapasok 

 umuulan noong araw na iyon,

hayyyy......lunes na nanaman, isang linggo na naman kaming papasok,

 nakita ko si mary jane na tumatakbo sa gitna ng ulan

nakita niya ako, pumasok siya sa payong ko

"puwede bang makisilong?!"

tanong niya sa akin

"nanadiyan ka na papaalisin pa ba kita?!"

tumawa siya at kinorot niya ang pisngi ko,

bigla kong napaisip,

eh, bakit sa dinami-dami ng naka-payong 

ba't sa akin pa siya nakisilong?!

habang naglalakad kami, nakita namin si rafael

na nag-aabang sa daan, masama ang tingin niya sa aming dalawa

"dito ka na makisilong"

galit na sinabi ni rafael kay mary jane

"ahhhh....thank you hah!!!"

ang sabi sa kin ni mary jane

"ahhhh....sige ayos lang yon"

ang sabi ko!

"tara na, male-late na tayo!!!...sabi mo may gagawin ka pa!...tara na!?"

inakbayan ni rafael si mary jane

at umalis na sila papuntang gate,

habang ako nandoon pa rin sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan

silang papalayo, na-isip ko dahil ata sa akin nagalit si rafael kay mary jane,

siguro nag-aaway na sila ngayon...hayyy bakit pa kasi,

pumasok na ako sa school, nagtago ako sa puno, dahil nakita ko silang dalawa

na nag-uusap sa malapit sa room,

"dito na lang ako,mamaya hindi muna ako sasabay sayong umuwi, napapansin na kasi

ni mama na parang may relasyon na tayong dalawa!!!"

ang sabi ni mary jane kay rafael

"ano ba tong ginagawa natin.?!"

tanong ni rafael

"ano?! ibig mong sabihin, tinuturing mo na akong girlfriend?

hindi rafael, hindi, hindi pa ako handa, atsaka baka pagalitan ako ng mga magulang ko!"

ang sabi ni maryjane

"ano!, ilang taon na ba tayo, 14 kana 15 na ko mga teen-ager na tayo

nasa edad na natin yon!! atsaka bakit ako papagalitan ng mga magulang mo?

eh....diba nga kilala na nila ako at alam na nila na inaala-gaan na man kitang mabuti

at alam din nilang nasa mabuti ka!, at ma-iiligtas kita sa mga nang-aapi sa iyo?!!"

ang sabi ni rafael 

"ahhh...basta hindi pa ko handa, ehh ano naman kung 14 na ko?! huhm hindi"

sabing galit ni mary jane kay rafael

" hayyyy.....mary jane hindi kita maintindihan!!"

"ahhh...yun lang, papasok na ko! mauna na ko baka ma-late pa ko ,sige"

sabi ni mary jane

 hindi na nag-salita pa si rafael hinayaan na lang itong pumasok sa room

umalis na ako sa tinataguan ko at nagpatuloy ng mag-lakad, habang nag-lalakad ako

tinignan ako ng masama ni rafael

"sandali lang!, ikaw ba yung kasama ni mary jane kanina?"

tanong niya sa akin

"oo, bakit may problema ba?"

ang sabi ko sa kanya

" huwag mo na ulit siyang lapitan o kausapin, dahil kapag nakikita ko kayong dalawa

nag-seselos ako!, kaya huwag mo na ulit siyang lapitan, maasahan ba kita don!"

sabi niya sa akin na nakiki-usap

"o sige!, basta ikaw!!!"

sabi ko

"sige ma-una na ako!"

                              

"o sige!!"

nag-lakad na ulit ako,

hayyy.....hindi ko mapapangako na hindi ko dapat kausapin

tsssk.....hirap nito! hayyy...ano ba tong pinasok kung gulo!!! 

:(.....

crush na kita umpisa pa lang kitang nakita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon