..................
CHAPTER - I
Pasukan noon 3rd year high school ako noon nung nakatabi ko siya sa upuan,
pinagmasdan ko ang mukha niya
makinis, maputi, matangos ang ilong,
para sakin maganda ang mata niya,
at higit sa lahat maganda siya!
transfer siya sa school namin
at dating nag aaral sa private school
mukha siyang mabait, halata naman eh!
kasi first day of school pa lang eh marami na siyang kaibigan at
close na siya sa mga teachers
minsan nga hindi sinasadyang nahulog ang ballpen niya
siyempre kinuha ko ito at agad ko itong ibinigay sa kanya
"ah thanks hah,anong name mo?"
ang sabi niya sa akin
"ahhh...joeven"
utal-utal kong sinabi
"ahhh....joeven, ako pala si mary jane tawagin mo na lang akong MJ, yun kasi ang nickname ko"
sabi nya sa kin na nakangiti
agad din siyang humarap sa kanyang sinusulat
ipag-papasalamat ko ba na nahulog yung ballpen niya?
kasi dahil don nalaman ko ang pangalan niya
para kasing first time ko pa lang siyang nakita eh
magaan na ang loob ko sa kaniya!
lumipas na ang lunch break namin
at napansin ko napasin na mayroon naghihintay sa kanya
sa pintuan ng room namin
isang lalaking parang may kayabangan
at may itsura rin
"ahhh....rafael aalis na ba tayo?"
tanong ni mary jane
"oo tara na?"
sabi ni rafael
ng nakalabas na sila ng room
nakita ko sila
nag-uusap parang ang gaan-gaan ng loob ni mary jane
sa kanya at para ring kinkilig, napaisip ko
boyfriend nya kaya yon?
tanong ko sa isipan ko!!!!:(
