I Love You, Goodbye

26 0 0
                                    

“Hello Babe!” pagbati ni Daniel sa kasintahang si Kathryn nang matanawan itong nagbabasa sa hardin ng kanilang paaralan. Lunch break nila ngayon at gusto nitong si Kath ang makasabay.

‘Hay, ang ganda talaga ng mahal ko, kahit saang anggulo mo tingnan. Maswerte ako dahil siya ang girlfriend ko.’ Sabi ni Daniel sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang katabi nito.

“Hello din,” ganting bati nalang ni Kathryn sa kanyang kasintahan at ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Ano ‘yang binabasa mo?” pagtataka ni Daniel.

Tila bingi naman si Kathryn, hindi siya sumagot sa halip ay ibinuklat sa kasunod na pahina ang librong kanyang binabasa.

“Babe,” Sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ng dalaga.

“Ano ba?! Nakita nang nagbabasa ako eh!”  galit na tono ang ginamit ni Kath upang hindi na mangulit pa si Daniel.

Ang binata naman ay hindi sanay sa ganitong aura ng dalaga dahilan para magdikit ang dalawa nitong kilay. Madalas kasi nitong sagot ay “Hello din babe! Kumain ka na? Tara sabay na tayo!”  o di kaya abe waut lang ha, tapusin ko lang ‘to.”

“Babe, okay ka lang ba? Bakit ka ganyan ngayon?” hindi na nito kaya pang kimkimin ang pagtataka.

Ngunit gaya ng nangyari ilang minute lang ang nakalilipas ay tila bingi si Kathryn at mas lalo lamang sinubsob ang mukha sa librong pinamagatang When You’re Gone.

Napansin ni Daniel ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ng kasintahan. Mas lalo tuloy siyang nagtaka.

“Babe, okay ka lang ba talaga? ANong nangyari?” Nabatid niya kay Kathryn ang bahid ng kasakitan sa kanyang mga mata.

“Don’t call me babe.” Utos nito at nagpatuloy sa pagbabasa.

Nagulat naman si Daniel sa inaakto ng dalaga. “B-bakit a-ayaw m—”

“Daniel” pagputol nito sa sasabihin. Sinara na din niya ang librong kunwari ay binabasa.

Nagpapanggap lamang syang nagbabasa kanina, ngunit sa loob-loob niya ay tila ba’y tine-treasure nito ang bawat segundong kasama ang minamahal sapagkat alam nyang baka ito na ang huli.

Si Daniel naman ay hindi alam ang mararamdaman. Dapat ay natutuwa siya sapagkat sa wakas ay nasa kanya na ang atensyon ni Kathryn at hindi na sa ‘epal’ na librong iyon, ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang kabang namumuo sa puso niya. ‘Bakit ako kinakabahan? May mangyayari bang masama?’

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Kath at sinabing

“Sa tingin ko ay kailangan na nating maghiwalay.”

Pagkabigla ang unang naramdaman ni Daniel. Bakit naman makikipaghiwalay sa kanya ang kasintahan? Iyan ang tanong na nais niyang bigyan ng kasagutan.

Lingid sa kaalaman ng binata ay pinipilit lang ni Kathryn na hindi umiyak. Gusto niyang bawiin ang sinabi. ‘Nasabi ko na, papanindigan ko na.’  Nag-ipon muna siya ng lakas bago ipagpatuloy ang sasabihin.

“Ayoko na sa’yo. Kailangan na  nating tapusin ito.”

Sa sinabing iyon ay labis na sakit ang namayani sa binata. Ang masabihan ka ng mahal mo na ayaw na nya sa’yo? Masakit. Napakasakit.

“P-pero b-bakit Kath? May nagawa ba akong mali?” ‘Bakit?’ Yan ang salitang paulit-ulit na pumapasok sa utak niya sa mga sandaling iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kathniel: One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon