Chapter 4: Si Lance Ashney Jimenez yan eh!?

57 2 0
                                    

Just Be Friends

Chapter 4: Si Lance Ashney Jimenez yan eh!?

Point of View:

-- Lemia Anica Alonzo --

Lunch time na ng matapos ang interview ko. Tinext ko si Lance pra sabay na kami kumain.

To BFF Lance:

Oy! Saan kana Ashney? Tapos na ung interview ko at pumasa nmn ako. Kain muna tayo bago tau kumuha ng mga subjects at magbayad sa cashier. Tingin ko mas mhaba ang pila dun. Text back! ASAP =_=

--LeMiaNica--

Naghintay ako sa reply nya. After 15 mins, wala pa rin.

Anyareee dun?! Tsk! baka nka kita na nmn ng mganda at naging busy -.- bulong ko sa sarili ko..

Kaya mag-isa nlng akong kumain ng lunch. T__T

****

Change of Point of View:

-- Lance Ashney Jimenez--

Natapos ang interview ko at naka kuha na ako ng mga subjects ko para sa course kung Business Administration. At ngayon nasa cashier na ako. Mahaba ang pila pero dahil sa charm at appeal ko ay nakasingit ako. Hahaha! Iba talaga basta gwapo ^__^

Pagkatapos ko magbayad, diretso nku sa registrar para ibigay ang freshmen requirements at maging officially enrolled nadin sa wakas!

No sweat! ^______^

Naka enrolled din sa wakas. Sisiw lang naman pala mag-enroll eh! Teka tapos na din kaya si Lemz ko. Titignan ko na sana ang cellphone ko ng biglang may babaeng bumangga sa akin.

Di naman malakas ang pagkabangga nya pero hinawakan ko pa rin sya at baka masubsub sya sa semento.

Nagkatinginan kaming dalawa. Maganda sya. Pero sa tingin ko understatement lang ung maganda kasi para syang dyosa. hahaha! Gumana na naman ang pagiging chicboy ko, kaya mas lalo ko pa syang hinawakan sa bawang nya at hinapit ko palapit sa akin. At mas tinitigan ko pa sya ng malalim. Siguro kung ibang babae itong hawak ko namatay na ito sa sobrang kilig, ikaw ba nmn ang titigan ni Lance Jimenez. Hearttrob kaya ako nung highschool at campus crush pa. Kaya tinitilian talaga ako ng mga kababaihan. Sinusuklian ko nmn ang paghanga nila sa akin by giving them the attention they want. Lalo na kung maganda tulad ng babaeng nasa mga bisig ko ngaun.

Pero imbis na matunaw sya sa mga titig ko ay ako ang natulala sa taglay nyang ganda.

Di ko maalis ang mga mata ko sa mukha nya. Nakakabighani ang nilalang na hawak ko ngaun.

Nang biglang...

Itinulak nya ako at ...

PAAAAAAAAAAAAAK!!!!!!!!!!!

May bonus pang sampal.

Natulala ako at nabigla sa ginawa nya. O___O

"Bastos! Manyak! Kung maka chancing ka akala mo di ko mahahalata! Tsss! I don't play with that kind of dirty game you fool!" sabi nya sa akin.

Nabigla ang mga taong kanina pa nkatingin sa amin. Di ata nila inaasahan na ganun ang mangyayari kasi nga sa poging kong ito, sinabihan akong manyak!

Magsasalita na sana ako pra ipagtanggol ang sarili ko nang bigla syang umalis at tinalikuran ako.

Grabe! War freak din ang babaeng un ah, gagawa ng iskandalo tapos iiwan akong nakatanga lang. Akala ko si Lemz lang may kayang gumawa nun, may mas malala pa pla sa knya dito.

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng may biglang kumalabit sa akin. Dahil sa nangyari kanina nwala ang gana ko. Kaya pagalit kung hinarap ang kumalabit. Pagtingin ko mukhang natakot pa sila sa itsura ko.

Bakas ang pagkabigla at pag-aalala nila.

"Hello Lance! Ok ka lang ba?" sabi nung isang babaeng may itsura sa akin.

Nagulat ako kasi kilala nila ako.

"Mukha ba akong ok?!" nasabi ko.

"Ah-eh, wag mo na un pansinin Lance alam nmn namin na di ka bastos at manyak eh!" sabi nmn nung isa na may pagka chubby sa knila, halata sa knila na nagpapa cute sila sa akin.

Apat silang babae na mukhang ka age ko lang. Maya-maya nagpakilala sila sakin.

"I'm Angel, ito nmn si Samantha, sila nmn ay si Nicole at Suzy. We're schoolmates nung highschool at kami ang founder ng fans club mo doon sa dati nating school." sabi nung may itsura sa knila, so Angel pla name nya.

Napangiti ako. "Grabe! May fans club pla ako dati akala ko madami lng talaga akong admirers pero di ko alam na may mga fans na pla ako." sabi ko sa knila.

"hihi, ganyan ka namin ka mahal." sabi ni Nicole, cute sya kasi maliit sya.

"wow! nkaka touch nmn kau. At dahil jan libre nyo ko lunch!" naka ngiti kung sabi at nagpacute pa lalo.

Kita nmn sa knilang mga mukha ang saya. Tss, mga babae talaga ^____^

Kaya sabay na kaming limang nag lunch at di ko na napansin ang cellphone. Nawala na din sa isip ko ang nangyari knina pero ang mukha ng babae un ay di ko na ata mawaglit sa isip ko. Ano kaya nangyayari sa akin?! =____=

Author's Note: Gaganahan po akong mag-UPDATE kung magco-comment at magvo-vote po kayo. Thanks!! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon