Chapter 3: Devil in Disguise

46 2 0
                                    

Just Be Friends

Chapter 3: Devil in Disguise

Point of View:

-- Lemia Anica Alonzo --

After 1234567890 years [medyo exaggerated lang po] ay malapit na din kami sa faculty ng Engineering department.

Medyo mahaba-haba pa rin ang pila pero di na tulad kanina na tatalunin na namin ang pila sa audition ng PBB.

Medyo bored na ako at halata sa mukha ng mga nakapila na bored na din sila. Tinignan ko ung lalaki sa unahan ko parang di sya nababakasan ng pagkainip. Enjoy lang sya sa pakikinig ng music.

Sa oras na iyon ay parang sinaniban na naman ako ng espirito ng kalandian at di ko napigilan ang sarili ko na amoyin sya mula sa likod.

Ang bango nya! Di sya amoy pawis >O<

Dahil feel na feel ko ang pag amoy sa kanya ay nakapikit pa ako...

Pero naramdaman ko nalang na may mga kamay sa mga balikat ko at niyuyugyog ako ng mahina. Di ko pinansin kasi akala ko imagination ko lang.

Maya-maya ay narinig ko nlng na may nagsalita...

"Baka sa ka aamoy mo sakin ay maubos ako at mamaya niyan baka kagatin mo na ako!" tinig ng isang lalaki na may accent, may kaboses sya.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

O_o

o_O

O_______O

Kaya pala may ka boses >/////<

Ung lalaki sa unahan ko ay ngaun natingin na sakin at hawak pa ang mga balikat ko.

Caught in the act !!!! =_____=

waaaaaa! Nakakahiya >o<

Nakatingin lang ako sa kanya. Di ako makakilos at di makapag salita. Nalunok ko ata dila ko. Feeling ko matutunaw ako sa titig nya... Gusto ko ng bumuka ang lupa at lamunin ako... Di ko na kaya ang titigan naming dalawa!!

'Yan kasi Lemia Anica, landi mo! kasi may pa amoy-amoy ka pang nalalaman!!' sigaw ng utak ko sakin.

Lumapit ang mukha nya sakin kaya napa pikit ako. Grabe! Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko na parang gusto na nitong lumabas sa kaloob-looban ko!!

Naririnig ko na ang hininga nya at pati ito ang bango din. Unti-unti idinilat ko ulit ang mga mata ko.

Nakita ko syang nakangiti at inches away nalang ang mga mukha nmin. Bigla syang nagsalita...

"You know what, you're pretty! Pero sayang naman kagandahan mo kung aaksayahin mo lang. Don't make yourself look stupid. If I were you, I'll put some respect to myself." seryoso nitong sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa mga sinabi nya sakin.

Binitiwan nya ako at humarap na sya ulit sa unahan. Ako naman naiwang tulala lang.

Akala ko pa naman mabait ang lokong ito un pla devil in disguise lang ang peg.

Pinipigil ko na tumulo mga luha ko, first time ko ata mapahiya ng ganun. Napatingin ako sa paligid, busy sa kanya-kanyang gawain ang mga tao naroon at di ata nila nakita ang pagkapahiya ko sa lalaking ito.

Malapit na kmi doon sa loob ng faculty. Pero di ko mapigilan ang sarili ko...

Nang ung lalaki na sa unahan ko ang papasok, pinigilan ko sya at humarap sya sakin na ngtataka.

BOOOOOOOGS!!!!!!!!!!

Sinuntok ko ang gwapo nyang mukha.

Oo! Sinuntok ko sya at ang lakas ata ng suntok ko kasi ang sakit sa kamay. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at pati mga tao sa paligid na gulat din at may ilan pang naka nga-nga...

Di ko na sya hinintay na makapagsalita sa akin ng masasakit na salita kaya agad akong pumasok sa loob upang makaiwas sa kanya.

Natapos ang pag interview sa akin ay di ko na sya muling nakita.

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon