First

2 0 0
                                    

           

"Nathalie saan ang punta mo?" Tanong ni mommy

"Nasabi ko na sa'yo di'ba mom may lakad kami ngayon ni Nathan" ako habang abala sa phone.

"Ahh. Yeah right I forgot, don't stay too late ha" mom said and kiss my cheeks before going upstairs.

Lumabas na ako ng gate at sa labas na ng bahay namin nag-antay.

I texted Nathan kung nasaan na siya bago ko pa ma-send ang message ko ay may narinig na akong busina. Nag-angat ako ng tingin at bahagyang napatakip ng mata, dahil sa silaw na mula sa sasakyan.

I waited for him na makababa, ngiting-ngiti ako habang hinihintay ang paglapit niya. Words are not enough to explain how lucky I am to have him in my life.

"Did you wait too long?" he asked before he planted a kiss on my cheeks.

"Nope. Let's go!" Ako sabay lakad na papunta sa sasakyan niya but before ko pa mahawakan ang handle ay may nauna ng magbukas nito.

Napabaling ako ng tingin sa kanya habang nagpipigil ng ngiti. Ngumiti lamang siya ng nagmamalaki habang nakalahad pa ang kamay. Inalalayan niya pa ang ulo ko sa pagpasok ko sa sasakyan.

Napailing na lang ako habang naka-ngiti dahil sa kilig na nararamdaman. Ang tagal na namin ngunit parang kahapon lang naging kami. He start the engine and drive.

"Saan tayo?" I asked

"Secret" he said at ngumiti. Pabiro na lang akong umirap at inabala ang mata sa mga nagtataasang gusali na nadadaanan namin.

Napabalik ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ang pagsalikop niya sa mga kamay namin.

"Huy. Baka naman mabangga tayo" I said

"Hindi yan mas motivated nga ako pag-ganito eh" he said at parang baliw na pangiti-ngiti.

"Ewan sa'yo ang dami mong alam" sabi ko ngunit hinayaan na lang din ang kamay naming magkahawak. Hindi ko mapaliwanag ngunit kahit ang ganitong simpleng bagay ay sobrang saya at sarap na sa pakiramdam.

"We're here." He announced nag-ayos ako ng kaunti bago akmang baba na. "Wait. Wait" he said at hinila ulit pabalik ang kamay ko. Magpro-protesta na sana ako ngunit napatigil ng maramdaman ang panyong itinatali niya upang ma takpan ang mata ko.

"Anong pakulo nanaman 'to ha" sabi ko habang kinakapa ang panyo sa aking mata. "You'll see" he said and kiss my cheeks.

Nanatili ako sa kinauupuan naramdaman ko ang pagbaba niya ng kotse. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa tabi ko at ang pag-alalay niya sa akin pababa.

"Careful" he said habang alalay alalay ako.

"Nasaan ba tayo?" Ako habang nakapa-kapa sa kawalan.

"Alright just stay there." He said and leave me.

"Hey Nathan ano ka ba? Wag mo akong iwan adik 'to" ako habang nakapa-kapa ang daming alam talaga ng lalaking 'to ngunit hindi ko din maipagkakaila ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa pinag halong excitement at saya.

"Okay ready, tanggalin mo na babe" he shouted somewhere from a far.

Napabuntong hininga naman ako bago inangat ang kamay kong nanginginig pa. Dahan-dahan kong inalis ang panyo.

***
Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Nagaadjust pa sa liwanag sa loob ng kwarto inilibot ko ang aking paningin nasa sariling kwarto ko pala ako. Akma akong tatayo nang may biglang pumasok.

"Honey are you alright? May masakit pa ba sayo?" si mommy na dali daling lumapit sa akin para alalayan akong maupo.

"Yes mom I'm fine. By the way mom nahuli ba yung lalaking pumasok sa bahay natin?" I asked

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forget me notTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon