Prologue

1 0 0
                                    



"Jamie: You know what I figured out today?
Landon: What?
Jamie: Maybe God has a bigger plan for me than I had for myself. Like this journey never ends. Like you were sent to me because I'm sick. To help me through all this. You're my angel."

Damn! Tumulo na talaga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan mas nilakihan ko pa ang subo sa ice cream na kinakain ko.

"Shit ang lamig!" Halos maluwa ko yung sinubo ko dahil sa pagkapaso sa sobrang lamig. Itinuon ko ulit ang pansin ko sa pinapanuod ko halos hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na itong ipinaulit ulit ganunpaman ay parehong pakiramdam pa din ang idinudulot nito sa akin.

"Blag~"

Seryoso ako sa pinapanuod ko ng may bigla akong narinig na kung anong nabasag sa kusina. Bahagya akong nagulat at halos mabagsak ang gallon ng ice cream na hawak ko. Ipinause ko muna ang pinapanuod ko bago sumigaw.

"Sino yan!?" Sigaw ko, Shit! sana pusa lang hindi ko alam ang gagawin kung sakaling may tao ngang nagtatangkang manloob sa bahay namin.

"May tao ba dyan!?"sigaw ko ulit habang dahan-dahang lumalapit sa kusina abot langit ang kaba ko hindi malaman ang gagawin ganunpaman nagtuloy pa din ako sa paglakad. Nadaanan ko naman ang baseball bat na nakadisplay sa sala dinampot ko ito bilang maaring panghampas sa kung sino mang naroon.

Nasa likod ng ulo ko ang baseball bat nakaposisyon at handa ng mang hampas. Taas baba ang aking dibdib dahil sa sobrang kabang nararamdaman sinilip ko ang kusina may lalaking nakayuko at natingin sa laman ng ref namin.

Sobrang kaba man ay nagawa kong sumigaw at makakilos "Hayop ka Magnanakaw!" Buong lakas kong sigaw habang nakapikit pa sabay hampas ng baseball bat sa direksyon ng lalaki. Napadilat ako ng makarinig ako ng crack napatingin ako sa pinaglandingan ng baseball bat na hawak ko halos ma crack ang tiles namin ng dahil sa impact napatingin ako sa harap ko nakaiwas pala siya.

"Nakikita mo ako?" Takang Takang tanong niya may kasabay pang pag turo sa sarili niya.

"Aba malamang!" Galit kong pasigaw at muling iwinasiwas ang bat sa direksyon niya agad naman siyang napayuko bilang iwas. "Teka teka naman hindi ako masamang tao" pag pipigil niya sa akin napatigil ako sandali para bumwelo ulit.

Handa ko ng ihampas ulit ito sa kanya. Nang makaramdam ako ng matinding kirot na mula sa kaibituran ng aking utak nabitawan ko ang bat dahil sa sobrang kirot na nararamdaman. Hindi ko na napigilan dahil tuluyan na talaga akong napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Halos matumba ako dahil hindi na ako makakita ng maayos sa pagkahilo.

Ang pagdalo sa akin ng lalaki ang huli kong naaninag bago nagdilim ang paligid.

***

Forget me notTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon