Wedding VowsKristine's POV
Natapos na ang classes namin, pauwi na ako ngayon, nag-decide na rin akong mag-lalakad muna ako at di ako sasabay sa mga kaibigan ko.
Habang nag-lalakad ako nandito parin yung feeling kanina.
Ano ba kasi 'to? Bakit ang sakit? Hays! Kristine ah! Walang forever!
Bigla namang may tumunog sa likuran ko, parang tunog ng mga tuyong dahon na nayuyupi dahil may nagla-lakad. Kinabahan ako.
"Sino yan?" Tanong ko. Bigla namang huminto ang tunog.
Kung walang lalabas dyan sigurado akong tatakbuhin ko na ang distansya nito at ng bahay namin.
Nagpa-plano na akong tumakbo ng may lumabas.
"Ay anak ng palakang panget!" Nagugulat ko'ng sabi. Weird. Di naman ako nag-sasabi ng ganyan ah, sakanya lang.
"H-hi?" Pag-babati niya sakin ng may maliit na tinig.
"Oh, Kailey? Ba't ka nandito?" Tanong ko sakanya.
"Uhh...ehh...kasi gusto ko mag-sorry sa na witnessed mo kanina, ung pag-kiss ko sa manliligaw mo." Pag-didiin niya sa kiss at manliligaw ng may malapad na ngiti.
"Ahh...nag-abala ka pa, di ko naman sasagutin yun." Natatawa ko'ng sabi.
"Eh bakit mo pa pinapa-asa?" Ngayon magka-dikit na ang kilay nya at nakakunot ang noo.
"Tss, ikaw kaya, binasted ko na yan ng ilang beses di pa rin ako tinitigilan." Sabi ko at napa-irap nalang.
"Ahh, pero di mo naman sasagutin kaya pwedeng may magka-gusto sakanya diba? At ng magising sya sa katotohanan." Sabi niya. Kumulo naman ang dugo ko.
"Anong ibig mo'ng sabihin?" Naguguluhan ko'ng tanong.
"Ahh kasi, you know, crush ko sya eh, totoo nyan childhood friends kami, uhh tapos nakita ko sya." Naka-ngiti niyang sambit na parang inaalala pa ang 'childhood memories' nya. Natawa naman ako.
"Ahh ganun? Ikaw bahala, nasa kanya naman ang desisyun kung magugustuhan ka niya pabalik." Sabi ko sakanya habang natatawa. Mukha naman nainis siya sa sinabi ko.
"Alam mo sigurado akong mamahalin niya naman ako pabalik, by the way, friends?" At sabay abot niya ng kamay sa akin.
"Friends." Pag-aabot ko rin ng kamay sa kanya at ngumiti ng pagka-tamis tamis.
"Uhh, samahan na kita pag-uwi?" Pag-aalok niya.
"Uhh, sige."
———
Nandito na ako sa bahay.
Napansin ko lang may kakaiba kay Kailey.
"Uhh, sino ba ang mga naging ex mo?" Tanong niya.
"Uhh, ako? Iisa lang naman."
"Uhm, ganoon ba? Ano nga ulit pangalan mo? I mean surname?" Tanong niya.
"It's Castillo, Kristine Castillo." Halata namang nagulat siya nung binanggit ko ang Castillo.
"Uhh, sorry di na kita masasamahan, may pupuntahan pa pala ako. Bye." Biglang paalam niya.
"A-ah, sige, see you tomorrow." Mabilisan ko din'g paalam at sinagutan niya lang ito ng tango.
Nagtataka parin ako sa inakto nya ng tinawag na ako ng mama ko para kumain.
BINABASA MO ANG
My bitter love
RandomWalang lovelife? Walang trip sa buhay? Nakikisali lang ba? O nasaktan? Kilalanin si Kristine Castillo na sobrang bitter. Yet maganda, matalino, book worm and a good singer. Allen Torres ang gwapo, ma-barkada ngunit matalino, charming, mayaman at ma...