Chapter 6: Mysterious Acts

44 3 5
                                    

Mysterious Acts

Kristine's POV

Hay. Panibagong araw, panibagong pangungulit ni Allen.

Papasok na ako sa school ng maka salubong ko ulit si Kailey.

"Hi Kailey!" Bungad ko sakanya nang maka salubong ko siya.

"Uhm, Kristine, diba... friends na tayo? Pwede bang sabay tayo mag lunch?" Tanong niya sa akin bigla.

"Ano 'to? Date ang peg? Capital N O  W A Y. No way. Sa amin siya sasabay, shoo." Pag taboy ni Portia bago pa ako maka sagot.

"Sure, kaso kasama ko ang mga kaibigan ko, okay lang?" Pag payag ko sa alok ni Kailey after giving Portia dagger looks.

"A-ah, sure." Sabi ni Kailey at umalis na.

"Anong nangyari? Ka bago bago lang niya ah?" Tanong ni Daniella bigla.

"Tss, ano na namang pakana niya?" Dugtong ni Kyle.

"Hayaan niyo na, bago kasi... baka nag hahanap ng kaibigan." Pag dedepensa ko.

"Alam niyo, wag na nating problemahin 'to, baka ma late pa tayo sa klase eh." Dugtong ko bago hinila silang tatlo papunta sa classroom.

Pag upo na pag upo ko, pinilig ko agad ang ulo ko sa harapan dahil nakita kong nakatingin saakin si Allen. Tss.

Ano na naman ba gusto ng isang 'to?

"Pst! Kristine!" Pag bulong ng nasa likod ko saakin.

Iritado naman akong tumingin sakanya, "Ano ba?!" Pasigaw kong bulong.

May inabot naman siyang papel saakin.

Nag taka naman ako kung ano iyon kaya palihim kong binuksan. At nagsisi agad ako ng agaran na sana hindi ko nalang pala binuksan.

Lunch tayo. Libre ko. :))

-Allen

Pasimple ko namang sinilip si Allen para sana ibato sakanya itong papel pero ang loko ay nagkunwareng nakikinig sa lecture.

"Miss Castillo, is Mr. Torres your lecture now? You keep looking on him. The notes are here infront. Not on Mr. Torres' face." Pagsasaway naman saakin ng teacher.

Bigla namang nag asaran yung mga kaklase ko. Kainis.

"I am v-very sorry, ma'am." Pag paumanhin ko.

Saktong sakto naman na pagkatapos magsalita ni Miss Cuesta ay tumunog na yung bell.

"Lunch na!" Sigaw ni Allen at kumindat saakin.

Nag kunwari naman akong susunggaban siya. Aba! Ang kapal eh, napagalitan na nga ako ng dahil sakanya!

Bigla namang sumulpot si Kailey sa harap ko.

"Kristine, uhm, yung lunch diba?" Bungad niya.

Sumulyap naman ako kay Allen at kumunot yung noo niya.

"A-Ah, oo nga pala. Sama ka nalang sa amin." Payag ko at ngumiti kay Kailey ng kalaki laki.

Nang palabas na kami ng classroom kasama yung mga kaibigan ko at si Kailey. Inirapan ko naman si Allen.

Bleh! Buti nga sayo, diyan ka! :P

Humanap naman kami ng mauupuan ng biglang inako ni Kailey ang lahat.

"Guys, ako na mag-oorder ng pagkain. Mag hanap nalang kayo ng upuan." Sabi niya.

"Ah, s-sige?" Naguguluhan kong pag payag.

Nang nakaupo na kami. Bigla namang bumungad ng tanong ang mga kaibigan ko.

"Luh, ano yun?"

"Don't tell me na kaya pala ayaw mo kay Allen ay dahil babae ang tipo mo?!"

"Ano yun? Bait baitan?"

"Teka nga lang! Ano ba naman yung pinagsasabi niyo? Nagmama gandang loob lang yung tao eh!" Depensa ko.

"Malay mo lasunin tayo, diba?" Prenteng sabi ni Kyle.

"Oo nga!" Pag payag naman ng dalawa.

"Para kayong ewan! Hindi yan! Oh ayan na nga siya oh." Sabi ko at nginuso si Kailey.

May hawak hawak siyang dalawang tray.

Ang dami naman ata? Tumayo naman kaming apat para tulungan siya.

"Bakit ang dami nito, Kailey?" Tanong ko.

"Treat ko." Sabi niya nang may pag ngiti. Naging maasikaso rin siya saamin.

Ang mas weird pa ay naulit ito ng ilang weeks. Kaya nga napag planuhan kong sundan si Kailey. Malay mo nag tratrabaho siya, kaya maraming pera at pinang treat nalang saamin.

Para sa susunod, aayaw nalang kami. Ang awkward na rin kasi.

Palabas na kami ng school at palihim kong sinusundan si Kailey. Nag paalam na naman ako sa mga kaibigan ko na hindi ako sasabay.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa may eskenita.

Ang dilim, what the heck.

Bigla naman siyang huminto. Kaya nag tago ako sa malapit na pader.

Biglang may sumulpot na lalaking naka hoodie na black sa harap niya.

Luh! Movies ang peg? Ni hindi mo na nakikita yung mukha niya eh.

Isa rin 'tong si Kailey. Hindi natakot sa isa. Nag smile pa siya.

What if...

Habang nag uusap silang dalawa, biglang dumako yung tingin nung lalake malapit saakin.

Kaya agaran akong nag tago sa likod ng pader.

Pinakiramdaman ko naman kung nakita niya ako.

Naisipan ko sanang sumilip. Pero biglang may humawak ng kamay ko.

"Ay kamay ko!" Pabulong kong sigaw.

"Hi Kristine!" Bungad saakin ni Allen habang naka ngiti. Hinatak niya naman ako hanggang makalabas kami ng eskenita.

"Ano ba! Ginulat mo ako!" Paratang ko sakanya.

"Eh ano ba kasi ginagawa mo dun? Sino sinisilip mo? Alam mo bang delekado dun? Paano pag nasaktan ka? Paano nalang ako? Yung baby natin?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ano ba? Tigilan mo nga ako diyan sa ka-baby baby mo!" Sabi ko.

"Oo na, sabay na tayong umuwi. Dali." Alok niya.

"Bitiwan mo muna kamay ko." Utos ko.

"Eh ayoko, ang lambot kaya ng kamay mo." Sabi niya.

Umiling naman ako.

"Dali na, hawak lang sa kamay eh! Wag ka na umarte!" Dugtong niya.

"Oo na! Dami mong satsat." Sabi ko.

At sabay na kaming umuwi habang hawak hawak niya kamay ko. Siya lang, di ako nakahawak.

My bitter loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon