Chapter 11

1 1 0
                                    

Chapter 11

Naka-balik na kami sa office ko and patuloy pa rin ako sa pang-aasar kay Sky.

"Natatakot ka ba?" tanong ko

"Of course not, I just don't think she's worth the time. She's not even my type" aniya

"Then why won't you do it? Come on, it's just for fun. Let's see kung gaano nga kalakas ang charm mo" pag-hahamon ko while paikot-ikot sa swivel chair in my office

Nagulat ako nang biglang patigilin ni Sky ang pag-ikot ko at ngayon ay nasa harapan ko na sya. Ayan na naman ang mga tagusan sa kaluluwa nyang titig. Malamang nalusaw na ang kaluluwa ko kung meron man ako noon dahil sa mga tingin nya. Nanlalambot na naman ako sa ginagawa nya. Kinulong nya ako sa pagitan ng arms nya na parehong naka-hawak sa arm rest ng swivel chair ko.

"Then why don't you try it for yourself, see how far my charm works" naramdaman ko na naman ang hininga nya na dumampi sa aking pisngi and his breath that smells like mint. Kitang kita ko ang gwapo nyang pagmumukha na sobrang unti lang ng distansya saken. At pinalibutan na naman nya ako ng mga titig nya na laging nag-fofocus sa mga labi ko bago muling ibalik ang tingin sa mga mata ko

Pero hindi ako bibigay ng ganun-ganun lang. Kumunot ang noo ko.

"Are you trying to seduce me?" deretso kong tanong

"Why, are you turned on? Because if you are - " Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at tinulak na sya palayo.

"Back off Arellano! I'm off limits" paalala ko sa kanya nang mailayo ko na sya sa akin

Nakita ko na naman ang mga mala-demonyo nyang ngiti na lagi na lang nangungutya sa magiging reaksyon ko tuwing ginagawa nya yun.

"You know kung naiinlove ka na saken Shanelle we could always do something about that" nakaka-asar! Ang demonyong ito! Masyadong maruming mag-laro! Nabaliktad nya agad at ngayon sya na ang nang-aasar!

Pero hindi ako patitinag sa mga ginagawa nyang panunukso. At natatawa na lang ako tuwing binabanggit nya ang salitang 'Love'? I mean seriously Arellano, for a man whore you really sound so gay. There's no such thing or if there is, then not on my world.

"Dream on Arellano, There's no such thing as Love. There is only Lust" mariin kong pagpopoint out sa kanya.

"Now, kung talagang hindi mo kayang makuha si Monique edi aminin mo na lang at tapos ang usapan" balik pag-hahamon ko sa kanya.

Napansin kong biglang nag-iba ang expression ng mukha nya sa sinabi ko. I don't know which part of what I said pissed him off but I could tell he really is.

"Tss.." I'm really getting into his nerves! Ang saya lang!

"So ano, pag-lalaruan ba naten si Monique o hindi?" mapungay akong nakipagtitigan sa mga mata nyang hindi rin patitinag pero sa huli ay bumigay rin

"Alright. Fine. If that's what you want" then an evil smile flashed across my angelic face once more

And he exchanged it with his devilish grin.

Untitled ♡Where stories live. Discover now