Chapter 12

0 1 0
                                    

Chapter 12

"Great" naka-kurba pa rin ang evil grin sa aking angelic face nang mapapayag ko si Sky na makipag-laro.

Basang basa kita Sky Arellano. For some unknown reason I can get you to do anything I want. Wala naman talaga akong pakielam kay Monique Yuchengco. Actually, it could be any girl nagkataon lang na sya and I'm bored so sorry na lang sya.

Habang tumatakbo ang iba't ibang kasamaan sa utak ko ay napansin kong naka-upo pa rin si Sky sa loob ng office ko. I looked at him and raised an eye brow.

"What are you still doing here?" tanong ko

"Tsss... Leaving" parang nairita sya nang punahin kong hindi pa sya umaalis kaya napa-walk out.

"Good devil" ngising ngisi ko namang paalam sa kanya.

Nakaka-tuwa talaga sya pag-pikon! Siya naman may kasalanan eh, rerekla-reklamo syang nabo-bored sya dito tapos pag naka-isip ako ng gagawin maaasar sya.

The next day, I went to Sky's office to give him the files that my minions gathered about this Monique Yuchengco. Well of course, I wouldn't let him play unprepared.

"Shanelle" ang OA ng reaction nya nang makita nya akong pumasok sa office nya. Parang nag-ningning yung eyes nya at napa-tayo pa talaga sa kinauupuan nya.

"Why so happy to see me?" mataray ko namang tanong nang mapansin kong parang gulat na gulat at ang saya nya na binisita ko sya sa office nya.

"Well, it's the first time. Missed me?" ayan na naman ang mga nanunukso nyang mga ngisi.

Actually he's right, first time na ako ang bumisita sa kanya sa office nya. Siya kasi ang laging bumibisita saken sa office ko kaya hindi ko na sya kailangan puntahan. And isa pa, ayoko rin talaga. I'm sure kasi pag pumunta ko dito may kasama yang babae, I wouldn't want to walk into an unpleasant scene. Let's not forget he's a man whore.

"It's not what you think Arellano. And I'm surprised, I was expecting na datnan ka dito with one of your girls" sabi ko sa kanya habang inuuli at ineexamine ang office nya

"Wag ka kasing mag-expect para di ka nadidisappoint. And don't worry I don't bring my girls here, there's only one girl I want inside my office and she's here" nanindig naman ang mga balahibo ko sa sinabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin. Damn you Arellano! Wag mo kong bola-bolahin, I'm not falling for it! You man whore!

"Pwede ba Arellano, wag mo kong bilugin! It's not going to work on me, I'm not one of your girls" mataray kong sabi at biglang napawi ang mga ngisi nya at nag-seryoso ang mukha. Problema nito?

"Here! I just dropped by to give you these" sabi ko sa kanya sabay hagis ng dala kong folder with the files regarding Monique Yuchengco

"What's this?" with all curiosity nyang tanong at binuklat ito

"It's everything you need to know about Monique Yuchengco" I said with a sweet smile then he looked at me seriously like he was pissed off to find out kung ano talaga ang pinunta ko rito

"Seryoso ka talaga kay Monique?" aniya

"Yes, so you better get to work. I'm outta here" I said then lumabas na ko ng office nya before he could complain

Tinatamad ako makipag-talo, alam ko naman ang magiging ending. Susunod pa rin naman yan sa kahit anong ipag-uutos ko! Magi-iinarte pa! Tsk!

Basang basa kita Arellano! Basang basa!

It's been a week simula nung utusan ko si Sky about kay Monique. And hindi sya nagbabanggit about it. I find it strange, usually pag may utos ako sa kanya sya dyan ang makulit sa pag-uupdate saken.

We were at a coffee shop when I raised an eyebrow at him at mapansing nyang nakatitig ako sa kanya.

"What?" he asked

"I should be the one asking that. What's the update between you and Monique? Wala kang nababanggit. Ginagawa mo ba yung utos ko?" nag-iwas sya ng tingin

"Of course, she's falling for it. But.." natigilan ako.

Anong 'But'? Dati naman pag may inuutos ako sa kanya walang 'But'? What's this I'm hearing now?

"But what exactly is it that you want me to do with her? Get her to fall in love with me, then what?" tanong nya

Bigla akong napa-isip. Oo nga, ano nga ba ang gusto kong mangyari?

"I don't know, just leave her? Break her heart or something" I casually said then took a sip on my latte

Hindi na sya sumagot after that, nag-iwas din sya ng tingin at parang naging biglang seryoso sa kanyang iniisip. There's something off about Arellano?

For the first time, I looked at him at hindi ko sya mabasa.

This is strange.

Untitled ♡Where stories live. Discover now